Pinag-aaralan pa rin ni Red Bull coach Yeng Guiao kung sino ang kanilang magiging top pick para sa 2001 Annual Draft sa Enero 14 sa Glorietta, Makati City.
Ayon sa dating Philippine Basketball League (PBL) commissioner, seryoso ang kanilang koponan na hugutin ang "Miller Time" ng MBA na si Willie Miller, subalit hindi pa rin nila alam kung siya na nga ang magiging top pick ng Red Bull para ngayong taon.
"Nothing definite yet, but we are seriously looking at Miller as our top pick especially now that our point guard (Jimwell Torion) is likely to go under operation on his dislocated right shoulder," wika ni Guiao sa unang edisyon ng lingguhang PSA Forum kahapon sa Holiday Inn Manila.
"But of course, this might change if other players of high caliber suddenly join the draft," dugtong pa ni Guiao na tinutukoy ang posibleng paglahok ni Rommel Adducul ng Manila Metrostars at ng isang Fil-Am sa katauhan ni John Arigo na nakahatak ng atensiyon ni Guiao nang minsang lumahok ito sa scrimmage sa koponan.
"Adducul will pose a big threat to us if we don't draft him. In case he ever joins the draft, we will draft him because we want him despite the headaches he will give us in case he joins the draft,"dagdag ni Guiao na sinamahan din nina team manager Tony Chua, consultant Andy Jao at center Kerby Raymundo.
Isa pang manlalaro na posibleng hugutin ni Guiao ay ang Fil-Am na si Arigo na ayon sa coach ay "skinny but athletic."
Samantala, ang paglalaro ng 6'7" slotman na si Raymundo at ang paghugot ng isang de-kalidad na manlalaro mula sa draft ang lalong magpapatibay ng darating na kampanya ng Red Bull Thunder sa 2001 season ng PBA na magbubukas sa Enero 28.
"I believe that Kerby is the player of the future and I told the management that one more quality player from the draft will be enough for us to look for a brighter and better season," wika ni Guiao.
JOEL ORELLANA