mahal kita, pustahan pa tayo!

"be glad of life, because it gives you the chance to love, and to work, and to play, and to look at the stars."

Page 1

Setting: Sa loob ng isang di kalakihang silid-aralan, isa lang ang bentilador, may 50 silya, may isang mesa at silya sa harap para sa guro at kahoy ang sahig

Character/s:

Tina - isang matalinong mag-aaral; mabait, magalang, mapagmahal at matiisin; maganda ngunit sa sobrang kasimplehan ay hindi ito kaagad mapapansin, hindi mahilig mag-ayos sa sarili, walang kaarte-arte sa katawan, palakaibigan, nakaasul na uniporme, itim na sapatos, puting medias, nakalugay ang lampas-balikat na buhok, medyo magulo ang bangs, halatang kinakabahan.

Joseph - magiging kaklase ni Tina; gwapo, maganda nag pangangatawan, maputi, bagsak ang buhok, athletic ang dating, nakaitim na pantalon at puting polo, mabait pero medyo suplado.

Bb. Gutierrez - ang magiging adviser ng I-St.Lorenzo; mabait, maganda, matangkad, nakalugay ang maitim at hanggang beywang na buhok, nakangiti pagpasok pa lamang ng silid-aralan.

Mga estudyante ng I-St. Lorenzo - lahat ay nakasuot ng tamang uniporme, iba-iba ang personalidad.

FRAME 1

Top cap: Unang araw ng pasukan. Magulo ang mga estudyante. Grupu-grupo ang magkakakilala. Kinakabahan si Tina habang pumapasok sa silid-aralan. Naghanap siya ng mauupuan. Sa pagdating ni Bb. Gutierrez ay saka lamang tumahimik ang klase ng I-St. Lorenzo.

Bb. Gutierrez: Good morning class! Ako si Bb. Glenda Gutierrez, ang inyong magiging adviser.

FRAME 2

Mga estudyante: (sabay-sabay) Good morning, Ma'am!

Bb. Gutierrez: Okey. So para magsimula, magpakilala muna tayo sa isa't isa.

(Pumapailanlang ang iba't ibang boses. May mga salita sa ere.)

FRAME 3

Cap: Nagsimula na nga ang pagpapakilala. Nauna ang nasa kanang row, si Joseph.

Joseph: Magandang umaga sa inyong lahat. I'm Joseph Eleosida��..

(Natawag ang pansin ni Tina ng lalaking nagpapakilala. Napalingon siya.)

Page 2

Setting: doon pa rin sa silid-aralan

Character/s: Tina,Joseph

Iya - ang unang naging malapit kay Tina na di kalaunan ay naging matalik niyang kaibigan, mabait, maganda, nakaheadband ang medyo ulandis at hanggang balikat na buhok, maputi, makinis, tahimik. Masipag at matiisin

(Estudyante 1, 2) Christopher Patulot, Demie Francisco - mga mag-aaral din ng I-St. Lorenzo

FRAME 1

Top cap: Parang nag-slow motion ang lahat. Animo'y may musikang nanggagaling kung saan. (walang salitaan. Nakafocus lang kay Tina habang nakatitig ito kay Joseph. Nakangiti si Tina, kumikislap ang mga mata. May drawing ng nota sa paligid. Di niya alintana ang iba pang nagpapakilala. )

FRAME 2:

Estudyante 1: Hi! I'm Christopher Patulot.

Estudyante 2: Good morning! I'm Demie Francisco.

FRAME 3

Cap: Halos tapos nang magpakilala ang lahat, maging si Tina. Ngunit pasulyap-sulyap pa rin siya sa kinaroroonan ni Joseph. Napansin ito ni Iya..

Iya: Ikaw ha, kanina mo pa tinitigan si Joseph.

Tina: SShh�wag kang maingay.

FRAME 4

Iya: Crush mo siya no?! Love at first sight ka no?

Tina: Hindi no!

FRAME 5

Cap: Hindi umamin si Tina. Pag-uwi, nagmamadaling kinuha ang diary niya. Dito siya nagkwento.

(nasa kama niya si Tina, medyo nakahiga na alanganing nakaupo. Ifofocus ang asul at parisukat niyang diary at ang isinusulat niya dito. Pagkasulat ay itatago ito sa bag )

Dear diary�������.

FRAME 6:

Cap: Buong akala niya ay maililihim niya ang lahat. Kinaumagahan, pagpasok niya��.

(nagmamadali siya, may kinuha siya sa bag at di napansing di niya ito naisara nang ayos. Nahulog ang diary.)

Iya: O ba't nagmamadali ka?

Tina: Kala ko kasi malelate na ako e! Tara na!

Page 3

Setting: recess time, sa may kantina, magulo at nag-uunahan sa pila ang lahat.

Characters: Tina, JosepH

Grupo ng mga babae, grupong maingay sa klase, mga kikay sa klase

Bea - pinsan ni Joseph, mabait ngunit madaldal, maganda at palakiabigan, nakamake-up at nakatali ang buhok

FRAME 1

Isang grupo ng mga babaeng kaklase ni Tina: Uyyy, si Tina!

(naghaharutan ang mga babae)

FRAME 2

Cap: Napalingon si Tina.

Bea: {mula sa nasabing grupong) Ikaw ha, love at first sight ka pala kay Joseph!

Grupo: Uyyyyy!!!!

FRAME 3

(Namula si Tina. Nagulat sa narinig. Lalo pa siyang nagulat nang makita si Joseph na nakaupo malapit sa kanila. Dinig na dinig ang usapan.)

Tina: Uy, hindi a! Sinong may sabi nyan?

Bea: Eto o, nakasulat sa diary mo!

FRAME 4

(Sa sobrang kahihiyan, gusto nang maiyak ni Tina)

Tina: Saan nyo nakuha yan? (garalgal ang boses)

Bea: Nakita lang namin dito, nakakalat.

FRAME 5

Bea: Joseph o, kaw daw first love ni Tina!

Mga kaklase nila: Uyyyyy!

Cap: Di na nakapagsalita si Tina. Hiyang-hiya siya. Namumula rin si Joseph.

FRAME 6

Cap: Hanggang fourth year high school ay tinutukso pa rin sina Tina at Joseph. Dahil dito, nailang sila sa isa't isa. Minsan, kinausap ni Tina si Joseph.

Tina: Ah, e, Joseph, me sasabihin sana ako.

Joseph: A, yun ba? Sori ah, di talaga kita gusto. Hindi yung tipo mo ang magugustuhan ko.

Cap: Unti-unting pumatak ang luha ni Tina sa sobrang pagkapahiya. Hanggang makagraduate, di niya ito nakalimutan.

Page 4

Setting: National elections. Sa school kung saan siya nagtapos ng high school. Bilangan ng boto. Nagkalat ang mga tao, nag-aabang sa update kung sino ang mananalo.

Characters: Tina - sobrang laki ng kanyang ipinagbago, mahaba pa rin ang kanyang buhok ngunit mas bagsak ito, maganda na siyang magdamit, nakasuot ng paldang hanggang tuhod, pulang blouse na fit sa katawan, nakastep-in na kulay itm, nakakwintas, at lubhang kapansin-pansin ang kakaibang ganda.

Joseph - mas naging matipuno, gwapo pa rin, nagbago rin sa ugali, di na ganoong suplado, nakasuot ng asul na pantalon, stripes na polo, nakabalat na sapatos.

FRAME 1

Top cap: Apat na taon na rin ang nakalipas, ngunit aminin man ni Tina o hindi, mahal pa rin niya si Joseph. Graduate na siya sa kursong journalism at PMA graduate naman si Joseph. Nang araw na iyon ay nagsadya si Tina sa dating eskwelahan. Hahanap ng magandang istoryang isusulat.

Tina: (nag-iisip at lilinga-linga sa paligid) Hay, nakakamis din pala! Sana may makita akong kaklase ko noong high school.

FRAME 2

(Napatigil siya ng biglang may bumati sa kanya. Kitang-kitang gulat na gulat siya. Pinilit niyang hindi magpahalata.)

Joseph: Ti...na? Ikaw ba yan?

Tina: Uyy, ikaw pala. Kumusta?

FRAME 3

(nakafocus lang ang mga mukha nila)

Joseph: Hindi kita nakilala a! Ang ganda mo a!Anong ginagawa mo dito?

Tina: Hahanap sana ng istoryang isusulat. Ikaw? Titingnan mo kung si GMA ang mananalo no?

FRAME 4

(nakafocus lang ang mga mukha nila)

Joseph: Parang ganun. Syempre, PMAer ata ako. Ikaw, bantay ka ni Roco, ano?

Tina: Hindi naman.

FRAME 5

(nakafocus lang ang mga mukha nila)

Joseph: E di ba, pro-Roco ang mga taga-UP?

Tina: Hindi naman lahat. Pero sana siya ang manalo. Anyway, di yon ang sadya ko.

FRAME 6

(nakafocus lang ang mga mukha nila)

Joseph: Mabuti nakita kita. May gusto sana akong ipaliwanag sa yo. Nung high school, .. (biglang puputulin ni Tina ang sinasabi nito)

Tina: Ah yun ba? Wala na yun, ang tagal na nun.

Page 5

Setting: doon pa rin

Characters: Tina,Joseph

FRAME 1

Cap: Pilit iniiwasan ni Tina ang mga mata ni Joseph. Bumibilis ang tibok ng puso niya.

Joseph: Ang tagal kitang kinokontact e. Di ka man lang nagtetext.

Tina: Sorry ha, medyo busy kasi ako.

FRAME 2

(Iwas na iwas si Tina, halatang naiilang. Malamig at malapot ang kayang pawis..)

Joseph: Kapag pumupunta ako sa inyo, lagi kang wala. Iniiwasan mo ba ako?

Tina: Hindi no. Nagkakasalisi lang tayo.

FRAME 3

(Biglang hahawakan ni Joseph ang mga kamay ni Tina)

Joseph: Tina, kung anuman ang nasabi at nagawa ko sa yo, patawarin mo ako. (Si Tina ay pulang-pula, di alam ang gagawin. Halatang naiinis, pero di maitatangging may isang parte sa kanyang puso na lumulundag sa tuwa.)

Tina: Ano ka ba? Nakakahiya!

FRAME 4

Cap: Lalo pang nagpursige si Joseph sa paghingi ng tawad. Hawak pa rin niya ang mga kamay ni Tina.

Joseph: Natakot ako noon, naduwag. Hindi ko nasabing� (biglang puputulin ulit ni Tina)

Tina: Tama na, Joseph! Kalimutan mo na yon. Wala na yon sa kin. (At akmang aalis na ito.)

FRAME 5

(hahabulin siya ni Joseph, luluhod sa harap niya, umiiyak na)

Joseph: Parang awa mo na, Tina, makinig ka sana. Tina, mahal kita�..

(matitigilan si Tina, matagal. Halatang nilalabanan ang sariling damdamin. )

Tina: Ano ka ba? Sana noon ko pa 'yan narinig. Matagal na kitang kinalimutan.

FRAME 6

Cap: Pilit pa ring umiiwas si Tina, ngunit di na niya kayang itago ang nararamdaman

Joseph: Kung totoo yang sinasabi mo, ba't di ka makatingin sa mga mata ko?

(Hahawakan ni Joseph si Tina sa may baba nito, at titigan ng buong pagmamahal.)

Tina: (umiiyak na tumatawa, nagniningning ang mga mata habang nakatingin kay Joseph) Sira ulo ka talaga! Oo na, mahal pa kita, pero di ganun kadaling kalimutan ang lahat. Kailangang patunayan mong totoo ang nararamdaman mo.

Page 6

Setting: doon pa rin

Characters: Tina,Joseph

FRAME 1

Joseph: Kahit ano, gagawin ko, para sa 'yo.

(Kunwa'y nag-iisip si Tina, ngumingisi na parang nakakaloko, habang sinasabing)

Tina: O sige, ganito na lang. Total pro-GMA ka at pro-Roco naman ako, magpustahan na lang tayo.

FRAME 2

(Parang natatawang naiinis si Joseph)

Joseph: Pustahan???? Anong klaseng pustahan?

Tina: Kapag nanalo si GMA, wala ka ng chance pero pag si Roco ang nanalo, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon.

FRAME 3

Joseph: Ang daya naman non! E pano pag hindi si Roco ang nanalo, limutan na lang tayo?

Tina: Ayaw mo? Okey, fine! Ikaw ang bahala! (akmang tatalikod na ito, nakangiti, parang nang-aasar)

FRAME 4

Joseph: O sige, sige na, payag na ko. Me choice pa ba 'ko?

Tina: Maliwanag yan ha. (iaabot ang kamay) So, deal?

FRAME 5

Joseph: (inabot ang kamay ni Tina) Deal!

Tina: So ano pang hinihintay mo, tara, abangan na natin ang bilangan.

(Naunang lumakad si Tina. Hinabol siya ni Joseph, ginagap muli ang palad)

FRAME 6

Joseph: Tina, anuman ang mangyari, seryoso ako sa 'yo. Sapagkat talagang mahal kita, pustahan pa tayo!

Tina: Sana nga, Joseph, sana nga�.

(Nakangiti parehong aalis.)

-WAKAS-

home about me articles pix gallery site map site links
All Rights Reserved. ©2004 kristine m. villanueva contact me
Hosted by www.Geocities.ws

1