|
pinilit kitang kalimutan..
pero hindi ko kaya
pinilit kong wag isipin ang nakaraan
di ko akalain mahirap pala
minsan inisip ko sana
hindi na lang tayo nagkita
minsan inisip ko na sana
hindi na lang tayo nagkakilala
ngayon nandito ako
nahihirapan, nasasaktan
ewan ko nga kung bakit eh
hindi naman sa hindi kita mahal
hindi ko lang kasi alam
ang aking nararamdaman
sana lang maintindihan mo
na kahit ganito ako
kahit katiting
may pagtingin ako sa iyo
dahil minsan sa buhay ko
minahal kita
minahal kita ng buong buo
at dahil doon
nagkakaganito ako...
back
|