|
Ako�y nakaupo
Nag-iisip, ngunit nanlulumo
Tila ba walang katapusang problema
Sa akin ay napupunta
Minsan naisip ko
Na sana bigla na lang ako maglaho
Minsan naisip ko
Na sana matapos na ang lahat ng ito
Sa aking pagmumuni-muni
Ako�y napatigil, napaisip
Ano nga ba ang naghihintay sa akin?
Ano nga ba ang kailangan kong gawin?
Sa aking pag-iisip
Aking napuna
Na mayroong isang malaking patlang sa buhay ko
Na kailangan kong punan
Kung ako sana ay mabibigyan
Ng isa pang pagkakataon
Gagawin kong tama ang lahat
Gagawin ko kung ano man ang nararapat.
back
|