Interviews

An interview with Mr. Herman Moreno

Gynette: Paano po niyo nakilala si Ms. Katy de la Cruz?
Mr. German Moreno: Well, way back noong nakatrabaho ko siya sa Cloverleaf and sa Manila Grand Opera House.  Isa siya sa mga sabi nga eh, First Lady of Stage, na kung tawagin sa kanya.
Gynette: Kaibigan po ba ninyo siya?
Mr. German Moreno: Oo, very close.
Gynette: Ano po yung mga kahanga-hangang katangian ni Katy na masasabi ninyong puwedeng tularan ng mga kababaihan ngayon?
Mr. German Moreno: Well, when it comes to entertaining, she's one of the best entertainers.  And she's well-known, not only in the Philippines but all over the world dahil nanggaling narin siya sa ibang mga lugar, ibang bansa.  And being the first lady of stage, siyempre alam natin yung  experience niya.  She's good in singing and in acting, actually, she became one of the best actresses also in the Philippines.
Gynette: Tama po bang naging reyna siya ng bodabil?
Mr. German Moreno: Yes.
Gynette: Dala pa rin po ba niya ang titulong Reyna ng Bodabil hanggang ngayon?
Mr. German Moreno: Yes.  And she made famous the song "balut".
Gynette: Paano po ba ginagampanan ni Katy ang kanyang tungkulin bilang actress kahit na po may pamilya na siya?
Mr. German Moreno: Eh siyempre, you know, kahit na may pamilya ka, ang duty ng isang performer, always, the show must go on.  Ano mang nangyayari, kailangang priority yun duty as a performer.  Kaya kahit anong problem but still we go on with the show.
Gynette: Totoo po bang mapagbiro si Katy?
Mr. German Moreno: Ah oo. And matulungin din siya dahil yun mga bago sa stage, tinuturuan niya kung ano ang mga naging experience niya.
Gynette: Paano po niya hinahandle ang mga alitan o away sa mga audience o sa backstage?
Mr. German Moreno:  She goes in between, she gives advice, siyempre ayaw niya ng maraming mga away-away sa backstage, lalo na ang mga magkakasama sa showbiz kailangan ay nagtutulungan at hindi nag-aaway.
Gynette: Ano po sa tingin niyo ang kakaibang katangian ni Katy and nagtulak sa kanya na makamit ang kanyang minimithi sa buhay?
Mr. German Moreno: Alam mo, if you are a true performer, dala na niya ang katangian pati sa pagbihis, pati sa pagtugtog sa stage, the way she acts, lahat-lahat nandoon  na eh! Kaya she's one of the best performer, kilala siya hindi lang dito kahit na sa Amerika kilala siya.  Lagi siyang nag-peperform sa mga kilalang lugar.
Gynette: karapat-dapat niyang dalhin ang titulong Reyna ng Bodabil?
Mr.German Moreno: Siyempre dahil magaling siya talagang mag-perform.
Gynette: Thank you po sa paghanap ng oras sa inyong busy schedule upang mainterview po namin kayo.
Mr. German Moreno: Your welcome!1

Hosted by www.Geocities.ws

1