| |
|
|
| |
Ma'am Chiong Surprise Birthday Party (Reunion Part4!) >> by Camille Gonzaga |
|
| | |
| |
Everyone's invited! Di na kailangan ng ID!
WHAT: MA'AM CHIONG'S BIRTHDAY...REUNION PART4!
WHEN: November 13, 2004 (Saturday)
TIME: 5:30-6:00pm
WHERE: Mcdo sa labas ng Ever
BRING: 20pesos para sa contribution sa gift
After ng walang tigil na promotion dito sa website, sa bulletin board ng Friendster, sa ating yahoogroup, sa email, sa telephone, sa text messages, ay nangyari na rin ang pinananabikang Surprise Birthday Party para kay Ma'am Chiong slash fourth reunion ng mga Kasilag..
Record-breaking ang nangyaring event dahil sa dami..or shall I say onti ng pumunta...10 Kasilag! whoa!
eto ang attendance:
1-2. Camille at Karen (fresh from home)
3-5. Fathy, Precious at Xyndy (also fresh from home)
6. Nessa (fresh from FEU)
7. Brian L. (fresh from DLSU)
8-9. Ge at Ada (also fresh from FEU)
10. and just when we thought na wala ng hahabol..dumating si Cy! (fresh from US of A)
Siguro naman nakatatak pa sa isipan natin ang dramatic na Surprise Birthday Party para kay Ma'am Chiong na nangyari noong 2003. Kung hindi, let me refresh your mind, birthday ni Ma'am Chiong at hindi daw talaga sya naghahanda pag birthday nya kaya naisip ng Kasilag na sila ang maghahanda para sa kanya..nagdala ng spag si Donya Ponce, (na naghantong sa major Spaghetti moment between adet and precious) may mga Happy Birthday posters sa paligid, nakasuot ng Party Hats ang mga tao, at pinatawag ang mga teachers dahil sa "emergency".
Naalala mo na? Well, naisip ni Ge na magkaroon ng Part Two. Eto nga ang message nya,
Mustah na?
Sana po ay magkaroon tayo ng 4th reunion.. kasi bday ni maam chiong.. at gus2 nya tayong makita.. gus2 nya sanang makita ang changes sa buhay natin.. pero sana surprise kay maam ang pagbati natin sa bday nya.. sana we can have time para magkitakita at maorganize ang surprise party kay maam parang reunion na rin to sana magkaroon tayo ng COOPERATION at cyempre interest& pakialam para magawa natin to ng tama..
E2 ang propose schedule
Kitakits tayo sa
date: NOVEMBER 13
place: MCDO LABAS NG EVER
time: 5:30pm - 6:30 pm
when: SATURDAY
Bring 20 pss para may pambili tayo ng gift kay maam chiong!!
SANA MAKAPUNTA TAYONG LAHAT KUNG AYW NYO UNG SCHED PAKI INFORM KAMI..
E2 yung mga people na pwede nyong tanungan..
Camilla
Camille
Crystel
Precious
Geraldine
Ponce
Basta lahat nah!!
Pls pls pls pls pls!!!
WE NID YOUR COOPERATION>>
Kaya kung may kasabay ito sa sked nyo pagpaliban nyo muna!! Pakiprioritize naman to!!
Malaki na tayo at mature kailangan wala naming pasaway para masaya.. hehehe..
Un lang!! ............. ............
PKI INFORM NA RIN UNG IBA>>>>>>>>>
pls reply ka asap!!!
kita kits nLang kasiLag!!
Sa McDo sa labas ng Ever ang meeting place, meron pa ngang Birthday Party. Kala tuloy namin para sa amin yung reserved seats..
Magkasabay kami ni Karen dumating. Then sumunod sila Fathy, Precious at Xyndy
Si Fathy, na long hair na at pinagmamalaki ang 5/10 quiz nya sa chemistry. Si Xyndy , dala-dala yung bag nyang napakalaki at halatang walang laman pero ang totoo ay may kayamanan sa loob. At si Precious naman ay may dala-dalang ring malaking bagahe na pinagtatakahan ng lahat. Pwedeng magwo-workout sya sabi ko . Nagbebenta naman ng special offers sabi ni Xyndy . Pero ang sabi ni Precious galing daw sya sa Bulakan. Tapos dumating si Nessa na nag-wallet-shopping sa SM. Pinagkaguluhan namin yung mga pics sa wallet nya pero ayaw ayusin ni Precious nung matapos nyang tingnan. Tsismisan muna, kung sino ang may dinadala. At laging source si Ada. Crush ng Bayan daw si Lumen sa Fatima..at Harry Potter pa ang nickname! (bleeh!) Next dumating si Brian L. Ang laking gulat namin dahil hindi sya expected dumating pero dumating sya. Nakakataka lang na hindi nya suot yung favorite nyang Cebu shirt at meron syang bagong hair style courtesy of him being in ROTC. Saka may suot din syang piso sa necklace nya. Sumunod na dumating ang mga naka-uniform pang sina Ge na hindi na gamit ang kanyang Jansport bagkus isang cute na Elmo bag at Ada na may killer shoes daw sabi ni Karen
Chikahan muna..Naningil na si Ge para sa aming engrandeng regalo. Di daw pupunta si Jian dahil di sya nakapagpaalam sa Mommy nya na nasa India sabi ni Ge . Nakalimutan ko yung reason kung bakit wala si Si Aiza pero si Chie ay nadulas daw sa stairs. Si Lumen na promotor ay wala rin. Si Paul ay may susunduin. Chikahan ulit.
After 10 more minutes, na-realize naming wala ng dadating kaya sugod na kami sa Red Ribbon para bumili ng cake..
Who would have thought na paglabas namin ay sasalubong samin ang foreigner na si Cy! Wow! may tumataba! It turns out na, nagbabakasyon sila dito at aalis din daw sa katapusan. Nakita rin namin ang mga tagaibang section na sina Angela at Andrea. Sumama na sila samin.
Sugod na kami sa Red Ribbon, kala mo napakaraming bibilhin. Natagalan pa sa pagpili ng flavor ng cake dahil sakin. Ambagan ulit ng two pesos. Na sinabihan ni Brian L. na kuripot pa rin daw ang Kasilag kahit college na..
Papunta na kami kila Ma'am Chiong...todo-bantay si Ge. After ng madilim at mahabang lakbayin ay narating rin namin ang bahay ni ma'am.
Surprise sya. Nag-makeover pa nga dahil naglaba daw siya nung umaga non. Present sila James at yung baby (sorry, forgot the name) Nagkwento na si Ma'am tungkol sa latest sa DPS. Tungkol sa attitude ng mga estudyante, sa CAT at kay Sir Mendoza na rin. Nagkainan na kami ng mga chichirya, at Kisses Chocolate na dala ni Karen at Pop at yung Green na softdrinks. Na-meet namin yung husband, mommy, daddy, sister, brother ni ma'am. Planning ng special gusting sa Morning Star. Nag-picturan din. Dami pa!
Umalis kami ng almost 9:00pm na rin. Nabitin pa sila Angela sa videoke.
Hinatid kami nila ma'am at Nessa After ng hugging sa girls. Uwian na
Next year daw maghahanda na si maam.
-camille
5:02pm
November 16, 2004 (Tuesday-Smallville!)
Ang natutunan namin nung araw na yun ay I-t-s-u-m-o ang tamang spelling ng Itsumo
| |
|
|
|
| |
|
| | |