Home             All About Us             Profiles             Pictures             Activities             Parties             EPDK             Nautical Nonsense            
Sign Guestbook             View Guestbook            
     
 

Math Jingle >> by Camille Gonzaga
 




Special thanks to Karen for the copy of this award-winning master piece


Isa pang competition na sinalihan ng Kasilag ay ang prestisyosong Music Fest..ito kasi ang magiging group project namin sa Music (under Ms. Tanangonan) Ang rule lang eh..choose a song then translate it to Tagalog (or vice versa)

Sa tutuusin ay mahaba naman talaga ang preparation time na binigay samin. Infact, marami nga ang nag-send ng application ng mga ginawa nilang mga kanta. Si Jovy nga eh dalawa pa ang pinasa..isang Tell Me ng SideA (di pa nya alam yung title..hehe) at isang kantang may kontra-Amorsolo ang dating. (na buong giting nyang kinanta nung break time) I, personally, prefer the latter..pero ang napili ay ang ginawa ni Chato.

Ito ang kopya ng official entry namin. Ang tagalog version ng kantang Forever by Damage:


Chorus:
mamahalin kita habambuhay
dito sa'king puso
di mo ko iiwan
kahit kunin mong puso ko
at punitin ito
mamahalin kita habambuhay


I.
ikaw ang araw
ikaw ang buhay
ikaw ang nasa'king isip
bago matulog sa gabi
ika'y nariyan, kung kailangan ko
pag may problema ko
lagi kang nariyan


Refrain:
walang iba sa mundo
na magmamahal sa'kin
iyan ang dahilan
gusto ko'y kasama kita


(repeat chorus)

II.
nagkasiyahan
nagkamali
sinong makakatakas kung hindi magbibigay
ito'y higit pa, sa'king panaginip
pagmamahal sa'yo ay napakadali


(repeat refrain and chorus)

Bridge: at sana'y di mo'ko iwan
ito ang mundo, ang magsyota'y
hindi nagtatagal
pero kung nagmamahalan, di tayo tutulad
kaya wag mangamba, sa akin ay magtiwala
mahal kita habambuhay
walang makakapagbago


(repeat chorus hanggang may hininga pa)



You might think na all-set at ready na kami pero syempre nagkatamaran at nagkahiyaan na. Dapat nga ay magba-backout na ang Kasilag since walang willing na mag-perform. Pero dahil malaki ang respeto namin kay Ma'am Tanangonan at mawawalan kami ng grade sa project, napagkasunduan nang lahat ng boys with Chato. ang kakanta..na laking reklamo nila..

Super-speed nun..kasi in less than an hour eh mag-start na yung Music Fest at ni isang minutong practice ay wala pang nangyayari..nagsulat na si Chato. ng lyrics sa board..nagsulat naman sa bondpaper yung iba..at todo voice-rehearsal na ang boys (ala-Harana daw ang dating)..sa pangununa ni Cy Sikat na sikat pa nga ang linyang, "ito ang mundo, ang magsyota'y hindi nagtatagal." Puro pa nga kulitan at tawanan nung panahong yon..kala mo walang mangyayari maya-maya..

Sugod na kami sa AVR. Daming tao. Nung Kasilag na ang kakanta ay todo-support kami. Kahit na may kaba at hiya, pinanindigan pa rin nila.


Oo nga't di kami nanalo..pero wala naman yan sa premyo diba?


 
 

 
Questions? Comments? Contact Me
Hosted by www.Geocities.ws

1