Home             All About Us             Profiles             Pictures             Activities             Parties             EPDK             Nautical Nonsense            
Sign Guestbook             View Guestbook            
     
 

Farewell Party *kuno* (April 3, 2004) � by Camil
 


upang walang mapahamak at mapahiya sa atin (just incase na may makabasang parents or ibang tao) iniba ko yung mga name, yung iba galing sa class cycle

ahem..ahem

nagsimula ang lahat nung april 1, 2004, nung madamdaming graduation day, iniimbitahan ni gelatin ang lahat para pumunta sa bahay nila mr. bouncing-head upang magdiwang ng farewell party pero dahil sa marami ang mga excited na makalanghap ng sariwang hangin sa kani-kanilang mga probinsya, marami ang hindi makakapunta. pero kahit ganon, tuloy pa rin ang party.

dumating na ang pinakaaabangang araw...april 3, 2004. ang usapan ay magdadala ng snacks at magkikita by 2pm...sa mcdo...sa labas ng ever. out of 39 students, 9 lang ang present -sila vinegar pusit, calesa-ride, ate charo, mrs. kent, island punch, chinie, ischolar, mr. krabs at mam. sabi ni calesa-ride eh dumerecho na sa bahay ni bouncing head yung iba. may birthday party pa nga eh. saming syam, si mam lang ang may pagkain- coke float.

pagpunta sa bahay nila bouncing head, nahihiya pa si ischolar na bitbitin ang dalang snacks ni vinegar pusit pero kinakain na nila ito kahit nasa jeep palang. tumagos na rin yung stick ng hotdog sa plastik. naiwan si mr. krabs sa ever kaya hinatid siya ni waffer na mayka-eyeball daw. sumulpot na rin si mr. jealousy sa waiting shed. nag-pedicab sila vinegar pusit at si mam. naglakad naman yung iba.

sa bahay ni bouncing head, masama makatingin yung aso. wala si bouncing head sa bahay nila. umupo nalang kami. ang saya-saya. dumating na si bouncing head, si double dutch at ang fiance niya. titigan uli. dumating na rin si lady hotdog. maya-maya, nakahanap na rin kami ng gagawin - bidyo-oke. tuwang-tuwa si calesa-ride, lalabas na rin ang kanyang hidden skills. nagpagalingan sila mr. jealousy, calesa-ride, ate charo at mam sa mga kantang seventeen, pangako sa iyo, dito ba?, paano, at iba pang lumang mga kanta. ayaw nang bitawan ni mr. jealousy yung mic. muntikan ng mahulog sa sofa si chinie. ubos na yung munchkins na dinala ni mrs. kent at brownies na dinala ni island punch. umalis na si mam. kainan na, ang daming food- spag, chiken, ice cream, hotdog, leche flan, salad etc. parang fiesta. pero nagsimula na ang tunay na party nung 6pm. nagkaroon ng contribution para pambili ng juice (hmmm???). natigil ang lahat ng lumabas si hero angeles sa TV. maya-maya, nangongonsensya na sila ate charo at mr. jealousy wala naman daw umiinom ng tinimpla nila. sagot naman ni vinegar pusit, "mamaya na pagna-in si hero". nangangamoy na yung lupa dahil umulan. umalis na si ate charo.

7-8pm. umalis na sila chinie at ischolar. nasa garahe ang mga tao. ready..one..two..three..smile. nagpicturan na habang nasa katinuan pa ang lahat. iisa lang ang baso, walang ligtas ang lahat. nonstop na ang tugtog ng playlist, maroon5, lifehouse, audioslave etc. nagoocho-ocho si vinegar pusit. namumula at tumahimik si lady-hotdog, ang ingay na ni farting boy, sige pa rin sa timpla si mr. jealousy, natumba sa upuan at nakabasag ng baso si bobby dacer, tagay pa! inubos ni bouncing head yung chiken. inom pa! silip ng silip yung katulong nila bouncing head, pinagtatawanan yata kami. pass ng pass si mr. krabs. tagay pa! kada may sasakyan eh tinuturo ni vinegar pusit, sabay sabing "uy may taxi/owner" humiga si farting boy sa floor, naawa si calesa-ride kaya tinabihan niya. umuwi na si double dutch. nagsabihan na ng mga secret crush at stories. dumating na si drunken master, naka-cocktail dress. meron palang may crush kay yosi-boy. nag-oxygen yung iba. inubos ni drunken master yung natirang pineapple juice at ice tea.

di mo malaman kung kanino ka mas matatawa kay calesa-ride or kay drunken master? si calesa-ride ay kailangan pang buhatin pataas. nagpupumiglas at ma-pride! hindi daw siya wasak. maya-maya eh...."bobby dacer, nasusuka ako!" ::SPLATTTTT::: ummm, ang bango-bango! sinabayan pa ni drunken master sabi niya, "calesa-ride, wag mong sabihin nasuka ka! ang sabihin mo...*hik* naihi ka para hindi nakakahiya". wasak na talaga si drunken master. lahat halos eh nabwisit kay drunken master, nagkwekwento siya tungkol sa family planning, sa mga past suitors, pinagpipilitang si tweety bird yung pink na baboy. paulit-ulit na sinasabing "sori ha! lasing ako" at "asan si sarah the teen princess". hinilot ng mommy ni bouncing head sila calesa-ride at drunken master. sinusubuan na rin ni vinegar pusit si drunken master ng kape

nagkwento ang mommy ni bouncing head ng mga ghost stories. meron palang multo sa bahay nila. kaya simula non ay grupo-grupo kami kung naglalakbay. si mrs. kent, island punch at vinegar pusit ay pumunta sa red room at ang laki ng gulat namin ng nakita si bobby dacer na mukhang sinasapian ng babaeng-nagsusuklay-tuwing-midnight. tumakbo kami at unfortunately nahalikan ni vinegar pusit ang sahig. haayy...talsik ang dugo

pagdating ng gabi, ang hirap makatulog dahil bukod sa pananakot ni drunken master na kesyo may nakatinging babae daw sa pinto, ang sikip-sikip at lagi pang nangugulo yung mga lalaki dahil amoy-utot daw sa blue room. kaya yun, bumaba nalang kami para kumain ng ice cream at gardenia. 2:20, gising pa rin kami, naubusan na ng kwento, si drunken master nalang ang nagsasalita. wala ng pumapansin sa kanya...napag-usapang gigising ng 4:00am ang lahat pero wala nang nagising. nakakatakot na naman dahil ang lakas ng hangin kaya tumataas yung kurtina at makikita mo na ang bahay nila mr. orozco. takot ang lahat na patayin ang electric fan

7am...rise and shine. kwentuhan na naman, si lady-hotdog pala ang nagbukas ng fan. halos yakap pala ni mr. jealousy ang buong mundo habang natutulog. nagka-stiffneck si mrs kent dhil nadaganan ni calesa-ride habang natutulog

bumaba na ang lahat para kumain. wala ng suklay-suklay. nagutom yata ang lahat dahil ang bilis naubos ng kanin at cheesedog. binuksan na ni island punch yung isa pang box ng brownies. bumalik na sa katinuan ang lahat. pinagtatawanan nalang nila yung mga ginawa nila...haay..sana may round two.


 
 

 
Questions? Comments? Contact Me
Hosted by www.Geocities.ws

1