Bilang final fourth quarter subject at clearance requirement ay pinagawa kami ng isang class newspaper ng aming Journalism IV teacher na si, Miss Clarissa Soriano.
After makapili ng mga editors, nag-start na sa paggawa ng mga articles yung majority/minority ng class. Second stage, ang pagpili ng name ng newspaper. Dapat daw ay may koneksyon sa name ng section namin. And since, maka-Filipino ang name na "Kasilag", mahirap itong hanapan ng English name. During our first official meeting sa bahay ni chie we finally decided the name "El Periodico de Kasilag" 11votes yata para dun. I won't mention nalang the other prospective names.
Kasabay ng production stage ng aming newspaper ang preparation for our Values Education project, so hati ang klase sa official na gawaan ng project na bahay ni arbi. Nagkaroon din ng mga problema, gaya ng natanggal yung turnilyo sa computer chair, walang marunong gumamit ng Pagemaker dahil busy si Ma'am Soriano para turuan si chie, nawala yung mga news articles, at yung iba naman ay di pa nata-type. So pumunta nalang kami ni chie sa bahay nila, dahil mas mapayapa. After nang napakahirap at nakakahilong layouting, ay nakakalahati naman kami (3 pages!) and since wala namang tumutulong sa aming dalawa, except kay fathy na walang ibang sinasabi kundi ang "day, matulog na kayo" ay inatake namin ang mga Kasilag sa bulletin ng Friendster. Koko Crunch at lutong lugaw ni chie ang kadamay namin. Sila naman ni cytel ang tumapos kinabukasan.
Thankfully, natapos naman namin ang newspaper at kami pa ang unang-unang nagpasa.
Eto ang mga naging editors na aming class newspaper...mga respetado at responsableng estudyante, din sila...