Panatanang Pampuso
Iniibig kita magpakailanman
Ikaw ang para sa akin nang ako’y isilang
Ikaw sana ang tahanan ng ating lahi
Ako’y nangangako na ikaw at tulungan
Upang laging masaya, maligaya
Ang ating pagmamahalan
Pero bilang ganti, iiwasan kita
Kahit kaybait sa akin ng iyong mga magulang
Susundin ko ang sinabi mong
Kaibigan lamang ang turing mo sa akin
Tutuparin ko pa rin ang tungkulin
Ng isang nagmamahal na handang dumamay
At mapang-unawang kaibigan
Paglilingkuran kita alang-alang
Sa ating pagkakaibigan
Nang walang pag-aalinlangan
At nang buong katapatan
Sisikapin kong tanggapin ang pagkatalo
Sa larangan ng pag-ibig
At matutong makipaglaro
Sa ngalan ng pag-ibig
Sa isip, sa diwa at sa gawa