Y do we LOVE bA???              
edited by Kahlil / author unknown              


 

 

 

 

 

 

 

 

 



so we can have somebody to talk to?
someone who can be there 'pag gusto natin gumala?
a person na pwedeng manlibre sa atin?
taong magbibitbit ng gamit mo?
ALALAY for short!


eh paano kung 'di ka niya mahal?
would you still love him/her?
would you still continue to care for that person?
bakit naman hinde?

you didn't love that person para magkaroon ka ng alalay,
hindi magkaroon ng instant meal dahil libre,
o taong gagawa ng assignments or projects mo,
or taong mahihila mo if you want to go out...
if that's what you think about love, well sorry...
ang BABAW mo!

loving a person doesn't need to have a criteria
na dapat maganda o guwapo,
dapat mabait or understanding,
kasi once you fall inlove you take the risk;
- accepting that person kung sino siya

kahit maingay siya matulog, yung hilik ng hilik,
kahit matakaw siya o sobrang taba
tapos hindi kayo kasya 'pag puno ang jeep!
kahit sobrang moody niya;
kulang na lang ay sapakin mo sa inis!
o kaya yung sobrang selosa/seloso;
na pati barkada pinagseselosan...badtrip di ba?

and yung napaka-arte, OA, kung baga!
o kahit ano pang nakaka- turn off sa iyo...
hirap talaga magmahal, trying to be PERFECT kase...
gusto mong magtaga...
pero hindi 'yun ang sagot sa lahat...

ACCEPTING the person kung sino sya...
kase if you said na mahal mo siya you don't need
to find answers kung bakit mo siya mahal...
kase lahat ng tao nagbabago,

Magbago man siya in the middle of your relationship,
hindi ka masasaktan kase alam mo na darating din 'yun...

tanggap mo siya ng buong-buo...
mahirap gawin pero masarap subukan
dahil wala ng sasaya pa if you let one person feel na
MAHAL NA MAHAL mo siya
without asking 4 anything in return...

then you can say WOW!
'yun pala ang LOVE!
Nakakatawa talaga ang love.
Isa siyang napakalaking oxymoron.

Lahat ng pwede mong masabi sa kanya,
baligtarin mo at totoo pa rin.

Ang labo di ba? Pero ang linaw.
Masaya magmahal at Malungkot magmahal.
Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo.

Walang rason pero maraming rason.
Di mo na kaya ngunit kaya mo pa rin.
Masakit magmahal. Pero okey lang.
ano ba talaga?!

Merong akong kilala, sabi nya dati,
"Love is only for stupid people."
Nakakatawa kasi dati bato ang puso nun,
pero dumating ang panahon, na-in-love din ang loko.

At ayun, tanga na siya ngayon.
Lahat kasi ng nahahawakan ng love
nagiging oxymoron din.

O kaya paminsan minsan, nagiging moron lang.
Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.
Lahat ng bagay nababaligtad din niya.

Lahat ng malalakas na tao, humihina.
Ang mayayabang, nagpapakumbaba.
Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa.

Ang mga henyo, nauubusan ng sagot.
Ang malulungkot, sumasaya.
Nakakatawa talaga.

Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong
ayaw na talaga magmahal.

Ako nga eh.
Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit,
sabihin mo lang ang magic words na
"Ayoko na ma-inlove!" biglang ACHA!

Ayan na siya. Nang-aasar...
Magpapaasar ka naman...

Isa pa, pagdating sa problema ng ibang tao,
ang galing galing mo?
Pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan
parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa
namomroblemang tao?

Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo.
Pero bakit parang wala ring tama?
Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong
tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig.

"Ngayon ko lang nalaman ganito pala!"
"Ang sarap mabuhay. Pwede na 'ko mamatay.
Now na!"

At hindi lang 'yon.
Ang sarap din pagtawanan ng mga taong
alam naman nilang masasaktan lang sila
eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig.

Tapos 'pag luray-luray na yung puso nila,
siyempre hindi sila 'yung may kasalanan.

Siya! "Bakit niya 'ko sinaktan?"
May kasama pang pagsuntok sa pader iyon,
With matching pagbabagsak ng pinto.
Grabe talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko
kakasabi ng mga bagay na nakakatawa
'pag pag-ibig na ang pinag-usapan.
Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong
kaya masasabi ko nang eksperto na 'ko.

Pero wala pa rin akong alam.
Pero ang pinakanakakatawa sa lahat
ay ang katotohanang
kapag gusto magpatawa ng pag-ibig,
ipusta mo na lahat ng ari-arian mo
dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?
Pero totoo
 

 


       

BACK

20  n@Ĝä  05

Hosted by www.Geocities.ws

1