Huwad na Kalayaan, Huwad na Pangulo

Hunyo 12, 2005

Paigtingin ang pakikibakang masa sa lansangan hanggang sa mapabagsak ang rehimeng US-Arroyo! Walang dapat ipagdiwang sa nakaraang araw ng huwad na kasarinlan ng bansa maliban sa papaigting na laban ng inaaping masa upang wakasan ang pandarambong sa ekonomiya ng rehimeng US-Arroyo.

Nasaksihan ng sambayan ang mga pangyayari nitong nakaraang linggo nang malantad ang pandaraya ni Gloria Macapagal-Arroyo sa nakaraang eleksyon. Kaisa ang Kabataang Makabayan (KM) sa agad na pagtalima ng iba�t ibang sektor at militanteng grupo sa adhikaing tuluyan nang hubaran ang administrasyong Arroyo ng pagbabalatkayo nito.

Bago pa man sumambulat ang kaliwa�t kanang iskandalong kinasangkutan ng administrasyon, matindi na ang ating pagtutol sa mga pulisyang pampulitika at ekonomiya ng rehimeng Arroyo na nagpapahirap sa bawat Pilipino. Damang-dama na ito ng kabataan sa pagtaas ng pamasahe at matrikula sa paaralan, habang bumabagsak ang kalidad ng edukasyon dahil sa patuloy na pagliit ng badyet para sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan. Pandarahas at iba�t ibang porma ng represyon ang nagiging sagot ng pamahalaang Arroyo at mga kasabwat nitong mga kapitalista edukador sa lehitimong panawagan ng kabataan.

Isinasakatuparan ng rehimeng Arroyo ang mga patakarang ito bilang pagsunod sa dikta ng imperyalistang US, sa pamamagitan ng GATT-WTO at World Bank. Napanghihimasukan ng mga dayuhang empresang ito ang pamamalakad ng bansa sa pamamagitan ng mga itinutulak nitong reporma�t amyenda sa mga patakaran hinggil sa ekonomiya ng bansa kapalit ang mga ayuda at pagpapautang nito. Ito ang patuloy na nananalanta sa bansa sa kabila ng pagpapahayag ng kasarinlan nito noong Hunyo 12, 1898.

Mawawakasan lamang ang paghihirap ng sambayanang Pilipino sa pagsusulong ng pambansa demokratikong rebolusyon. Sa tradisyon ng Rebolusyong 1896 sa pamumuno ni Andres Bonifacio, isinusulong ng Kabataang Makabayan (KM) ang demokratikong rebolusyong bayan sa pamamagitan ng pagtangan ng tungkuling paigtingin ang pakikibakang masa sa kalunsuran at armadong pakikibaka sa kanayunan.

Ang pagpapabagsak sa rehimeng Arroyo ay isang malaking hakbang upang wakasan ang pananaig ng imperyalistang US sa bansa�na wala nang iba pang solusyon sa pagkakalugmok ng bayan kundi ang pagsusulong ng rebolusyon. Kung kaya�t muling tinatanganan ng KM ang dakilang tungkulin sa pagpapaigting ng laban upang tuluyan nang mapatalsik ang korap, pasista at huwad na rehimeng Arroyo mula sa Malaca�ang.

Katulad ng nakamit na tagumpay ng kilusang kabataan sa pagpapatalsik sa korap na rehimeng Estrada, inaasahang iigting pa ang mga pakikibakang masa sa lansangan, sa komunidad at sa maging loob ng paaralan. Nararapat lamang na muling bumuhos ang solidong pwersa sa lansangan upang mapabilis ang pagbagsak ng rehimeng US-Arroyo. Makakamit lamang natin ang tunay at ganap na kalayaan sa ating patuloy na pakikipaglaban para dito, ngayon, higit kailanman.

Papet, pasista, pahirap sa masa! Patalsikin si Gloria!

Sagot sa hahirapan: digmang bayan!

Hosted by www.Geocities.ws

1