Pahayag ni Andres Guerrero II
Tagapagsalita ng Kabataang Makabayan

15 Pebrero 2005

Mariing kinukundena ng Kabataang Makabayan ang naganap na pambobomba sa mga lunsod ng Makati, Davao at General Santos na pumatay sa 10 katao at puminsala sa mga inosenteng sibilyan.

Nakababahalang naganap ang teroristang pag-atake sa gitna ng papaigting na opensiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Sulu. Libo-libong pamilya na ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan at iwanan ang kanilang kabuhayan dahil sa pamiminsala ng AFP.

Sa halip na dinggin ang panawagan ng mamamayang Moro para sa kapayapaan, nagmamatigas ang rehimeng US-Arroyo dahil napahiya ito sa pinsalang nagawa, at patuloy na ginagawa, ng pag-atake ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Walang hustisya at di mabibigyang-katwiran ang naganap na karahasan sa Makati, Davao at General Santos. Hindi ito nagsisilbi sa mga demokratikong interes ng mamamayan. Lalong wala itong kinalaman sa panawagan ng mamamayang Moro para sa kasarinlan o sa anti-imperyalistang pakikibaka ng mamamayang Pilipino sa kabuuan.

Tanging ang rehimeng US-Arroyo ang makikinabang dito dahil tiyak nitong gagamitin ang naturang kaganapan upang lalo pang paigtingin ang pasistang panunupil ng AFP sa mamamayan.

Higit pang nakagagalit ang patuloy na pagdagsa ng mga tropang Amerikano sa bansa upang tuwirang yurakan ang pambansang seguridad at kasarinlan sa ngalan ng �gera kontra-terorismo.�

Bagamat pilit na itinatanggi ng AFP at Malakanyang, malinaw na narito ang mga tropang Amerikano upang direktang lumahok sa nagaganap na digmaan sa Sulu. ###

Hosted by www.Geocities.ws

1