EXT. DIVESHOP, DAY Rumarampa ang mga BORA BABES kasama si PIA na nagpapaseksi rin. Parang nasa beauty pageant pero yaya search ito para sa anak ni MARLON. Andun ang hunks, si MARLON at LUIGI. Sinusukatan ni LENIN si MALAYA ng kanyang vital statistics. Dadating si PJ. PJ Pia, anong ginagawa mo rito? PIA Sasali muna ako dito. Tutal wala namang tao sa Krakatoa e. PJ Panong magkakatao dun e. Laging si Empoy lang ang nakikita dun. Uwi na! Uwi! PIA Ang sungit. PJ Sasali ka pa sa pakulo nila Mang Marlon e puro kabastusan lang ang mga pakulo dito. Aalis si PIA. LENIN (to PJ)) O ayan bro, naka alis na. Puede mo ng itigil ang kaplastikan mo. DITOY Mapagkunwari! Kukunin ni PJ ang tape measure kay LENIN. PJ Sino susunod? CALOY (to PAMPAM) Candidate 68, Ms. PamPam, ikaw na. LUIGI (planted dialogue kung puede with emphasis) Teka!!! Alam mo PAM hinde mo na kailangang sumali sa ganitong pa contest. Kaya kitang buhayin. Sagutin mo lang ako. Dun tayo titira sa bahay ko sa tuktok ng Bora. Over looking ang ganda ng view. PAMPAM Bakit ba nakiki-alam ka? At ba't ako titira sa bahay mo? Boyfriend ba kita? LUIGI E mag-iisang linggo na akong nanliligaw sayo e. PECHAY Ligaw ba yun! Parang lagi mo lang siyang nililibre, ligaw na yon? PRINCESS Ang ligaw yung maging sweet ka naman ng konti. Hinde yung lagi mo lang yinayaya sa mala mansion mong bahay. LUIGI Boypren man o hindi. Naasiwa lang ako sa ginagawa nila. E parang pinagsasamantalahan lang kayo ng mga ito e. Tama si PJ. Tatakpan nina MARLON, LENIN, CALOY, PJ at DITOY ang mga tenga ng mga chicks. Pero siyempre, paakap pa rin at tamang nangtsatsansing lang. LENIN Hoy Tisoy, isa ka pang nagpapakaplastic. DITOY Mapagkunwari! Padating si URSULA at DODONG karga ang BABY. LUIGI E bakit kailangang sukatin niyo pa ang dibdib? URSULA Oo nga, Marlon! Bakit kailangang sukatin niyo pa ang dibdib at akapin ng mahigpit. DODONG Akala ko ba yaya ang hinahanap? E ba't parang sa Ms. Earth sasali ang mga ito? LENIN Kailangan nga yung magiging yaya ni Junior ay kasing ganda at kasing seksi nitong si Ursula. DITOY Para hinde manibago yung baby. LUIGI Sino daw ang nagpapakaplastic? PJ Mapagkunwari! CALOY E 'di wag na lang kumuha ng yaya. Si Ursula na lang ang mag aalaga para di manibago ang bata. DODONG Alam mo minsan may utak din pala itong si Caloy. MARLON (Sumesenyas kay Caloy) Anong may utak! Tarantado ka ba Caloy! Pag hindi kumuha ng yaya Mawawalan kami ng oras ni Ursula para mapag-isa at magka-ulayaw. URSULA Tigil! Tama si Daddy Marlon ko. Halika Marlon, pabayaan na natin sa mga boys ang pagpili. Tayo'y mag ulayaw ng masundan agad si Junior. CUT TO: OBB INT. BEACH, DAY Hinaharana nina LUIGI, CALOY, DITOY at LENIN si PAMPAM. Kinikilig sina LOTUS at PECHAY. LUIGI (sing to the tune of 'O giliw') O PamPam! LENIN, DITOY, CALOY O PamPam! PAMPAM Wait! Ang cheap ha! Tanghaling tapat. LENIN Diba sabi mo gusto mo yung conserbatibong panlilligaw? PECHAY Ipagsibak mo kaya siya o kaya ipag-igib mo ng tubig. LUIGI Whaatt??? CALOY Sibak daw. LUIGI Sibak puede! Pero pag-igib ng tubig? Over my dead gorgeous body... Dadating si TOTONG na may dala-dalang bag at gulong-gulo ang buhok. DITOY Mahangin ba sa labas? TOTONG Bakit? Nagshampoo naman ako a. May conditioner pa. Eenter si RICHIE, ang childhood rival ni LUIGI sa payabangan. Magkakaroon sila ng face-off/ duel scene ni LUIGI. Nakatayo ng matikas si RICHIE at humahangin-hangin pa ang effects. Tatayo rin si LUIGI ng matikas pero siya ay walang hangin effects. LUIGI Teka! Bakit ako walang hangin effects? RICHIE Problema mo yan. Magdala ka ng sariling electric fan mo. Ipapakita ni RICHIE na may kasama siyang alalay na may dalang electric fan na nagbibigay ng hangin effects. Hinde papatalo si LUIGI. Dudukot siya sa bulsa niya ng maraming pamaypay na may floral designs pa. Iaabot nya ito sa mga HUNKS. Tapos ay poporma uli ng matikas. Papaypayan siya ng mga HUNKS. LUIGI Boys! Bigyan niyo rin ako ng hangin effects. CUT TO: GAP 1 INT. KRAKATOA, DAY Nagkekwentuhan sina PJ, PAMPAM, PECHAY, PIA, PRINCESS, MALAYA at LOTUS. SI EMPOY ay nasa likod ng counter/bar. Si LUIGI naman ay nakaupo sa bar. Si RICHIE naman ay naka upo sa isang table at tumitingin sa relo na parang may iniintay. *** Si LUIGI ay nakasuot ng green na t-shirt, si RICHIE ay nakasuot ng blue, samantalang si EMPOY ay nakasuot ng Maroon na shirt. PIA Okey tong naiisip mong libre kape, kuya PJ. Daming tao. PJ Sana lang umorder naman sila ng ibang putahe para kumita rin tayo. Dadating si LENIN kasama ang isang sexytalent na contestant din kanina sa yaya search. Sasalubungin siya ni PJ. LENIN Uyy PJ! Akala ko walang tao sa Krakatoa. PJ Maraming namamatay sa maling akala, bro. LENIN Sabi kasi ni Empoy puede raw kaming makahiram ng spare na kuarto dyan e. Three hours lang, may pag uusapan lang kami ng siryoso. PJ Naku Leni. Buti pa sa ibang lugar na lang kayo mag-usap. Baka lalo pang malasin ang resort ko e. PIA Kaya minamalas tayo e. Mag-uusap lang yung dalawa, hindi pa pinagbigyan. Mabait pa naman yung kasama ni Lenin kausap ko yon kanina sa yayasearch ni Mang Marlon e. PRINCESS Kaya sumasamaang image ng mga realitycontest tulad niyang yaya quest ni Mang Marlon e. MALAYA Ano masama sa pagiging yaya? LOTUS (In chinese) Mama ko nga yaya sa China e. Sasabat si LUIGI. LUIGI Di naman sa nakiki alam ako no. Pero alam niyo ba na yung lolo ko dating mahirap yon. Nagkatulong siya sa ibang bansa. Dahil sa sobrang tiyaga niya, yumaman siya. LUIGI (cont'd) (parinig kay RICHIE) Sa sobrang yaman ng lolo ko yung pera niya napuno ang isang baul. Ganuun kayaman ang lolo ko. Mapapansin ni RICHIE na pinaparinggan siya kaya lalapit siya sa bar at tatabi kay LUIGI. RICHIE Wala yang lolo mo sa lolo ko. Ang lolo ko dati ring sobrang hirap. Sa sobrang hirap nga niya nanlilimos pa siya sa lolo mo e. Pero nag domestic helper din sya sa ibang bansa. At sa sobrang sipag niya, yung pera niya napuno niya ang isang kuarto. Ganuun kayaman ang lolo ko. EMPOY Tapos na kayo mga beshpren? Tinagurian pa naman kayong mayayabang. Wala naman palang sinabi yang mga lolo niyo sa lolo ko e. Ang hihirap naman pala ng mga lolo niyo. EMPOY (cont'd) Yung lolo ko nagtrabaho rin yon bilang katulong. In fact... Naging katulong nga siya ng mga lolo niyo e. Pero sa sobrang sipag niya, yung pera niya napuno yung buong bahay niya. BORA GIRLS An yaman pala ng lolo mo. LUIGI Anong mayaman? E ba't mahirap ka? Ni wala nga kayong bahay e. EMPOY Exactly! Wala ngang bahay ang lolo ko e. Kaya nga niya napuno e. Subukan niyo. Yung wala lagyan mo ng wala, edi mapupuno yon. Ang hihina niyo... CUT TO: INT./EXT. PARADISE HOTEL-NIGHT Party ni LUIGI. Nagsasayaw si LUIGI kapartner si PAMPAM. Tatawagan siya ni HERCULES na nagbabantay sa labas. Nandun sina DITOY, CALOY, PJ, EMPOY at LENIN. HERCULES Boss Luigi! Boss Luigi! Lalapit si LUIGI kina HERCULES. HERCULES (cont'd) Boss! Nagpipilit sila pumasok e. DITOY (to Luigi. Pointing to Hercules) Ano ba tong bata mo? LENIN Diba para samin nga tong parting ito. Bilang bayad sa pagtulong namin sa pagharana kay Pampam. LUIGI Mga tol, puede balik na lang kayo later. Hintayin lang nating dumating si Richie boy. Baka kasi magmukhang jologs yung party e. DITOY Kami, Jologs? Makikita ang baduy na damit ni EMPOY, DITOY at CALOY. LUIGI (to PJ) Sige ikaw pumasok na. PJ Kung hindi puede isa, hindi pupunta ang lahat. DITOY In other words, No ID, No Entry EMPOY No loading and unloading. Akmang paalis ang mga HUNKS ng dumating naman si RICHIE. LUIGI Teka! Teka! Ayan na si Yabang. Go Hercules!!! Sasalubungin ni HERCULES si RICHIE at babarikadahan. RICHIE Akala ko sa Mendiola lang bawal maglakad? Pati ba sa Bora? LUIGI Sorry Pare! May COOL party kami dito. Strictly by invitation lang e. HERCULES Bawal ang mga gatecrashers! RICHIE Excuse me kapre. Di mo ba ako naalala? Naka check-in ako dito sa Paradise Hotel. Bayad na ako for two weeks. Ako yung nag abot sayo ng tip kanina. HERCULES Ay oo nga! Choori! Choori! PJ Teka aalis muna kami. Wala kaming dalang pangginaw e. Eexit sina PJ, LENIN, DITOY at CALOY na masama ang loob. LUIGI Balik kayo later, guys. LUIGI (cont'd) (to Empoy) O ikaw? EMPOY Dito muna ako. Sasamahan ko si Hercules. LUIGI Hoy Richie! Bakit ka ba nandito sa Bora? Inaasar mo ba ko? Alam mo namang pag aari namin ang kalahati. Actually mga 60 percent ng Bora. Hindi uubra ang mga yabang mo dito. Hindi ka mananalo sakin dito. Teritoryo ko to. RICHIE Mabuti natanong mo yan. Eto katatanggap ko lang ng mga papeles. LUIGI Ano pinagsasasabi mo? Anong papeles yan? RICHIE Alam mo naman ang mga mommy natin ay madalas mag... Sesenyas si RICHIE na parang nagsiswimming. LUIGI Magswimming?! RICHIE Mali!!! EMPOY Is there a letter B? How many syllables? RICHIE Nagma-MahJong sila! RICHIE (cont'd) Kaya minsan nag...ano sila. Sesenyas uli si RICHIE na parang nagsiswimming. LUIGI NagMahJong nga sila??? RICHIE Nagswimming sila! Ang hina mo naman e. LUIGI E andami mo pang paganyan-ganyan e. Diretsahin mo na o ... Akmang sasakalin ni LUIGI si RICHIE. RICHIE Nagpustahan sila. At natalo ang mommy mo. EMPOY Oooppss. Teka uwi na ko. Siryoso pala to. Akala ko regular na yabangan lang. Kuya PJ wait for me!!! Eexit si EMPOY. LUIGI Yun lang pinagyabang mo na? natatalo din naman ng mommy ko ang mommy mo a. RICHIE Medyo napatalo lang naman niya lahat ng ari-arian niyo! LUIGI Papatayin na talaga kitang sinungaling ka! Pipigilan ni HERCULES si LUIGI sa pagwawala. Tatawagan sana ni LUIGI ang nanay niya sa cellphone pero di siya makakontak.... RICHIE Ang ibig sabihin pala ng lahat ng kayaman kasama pati yung shares niyo sa cellphone company. Wala na kayong pera. Wala ka pang linya. Bwahahahaha!!! CUT TO: GAP 2 EXT. PARADISE HOTEL, DAY Nakatambay sina DODONG, HERCULES, LUIGI, PJ at EMPOY. DAdating si RICHIE na naka-akap kina PRINCESS at LOTUS. DODONG Halos mapudpod na tong credit card pero ayaw talaga. LUIGI Pakihinaan lang yung boses niyo, babayaran ko rin kayo. DODONG Sana bilis-bilisan mo para pag naningil na yung suppliers hindi ako tago ng tago. RICHIE Saan ka naman kukuha ng pera? Baka gusto mo maghugas ka na lang ng pinggan? LOTUS (chinese) Kawawa naman siya. LUIGI Minumura mo ba ako? RICHIE Ang sabi niya. KAWAWA KA NAMAN DAW. i learned that in my recent trip to Japan last week. EMPOY Chinese checkered 'to. Hindi naman siya Japanese dancer. LUIGI (to Richie) A pahiya! RICHIE Nagpunta ako ng Japan at may nameet akong chinese duon. Siya ang nagturo sakin. DODONG (to Empoy and Luigi) A pahiya! LUIGI Hindi ako kawawa at pahiya. Kaya ko namang magtrabaho. Puede ba ako sa inyo PJ? PJ Ano ba alam mong gawin? LUIGI Puede akong magtrabaho dun bilang co-owner? RICHIE Nagkakalokohan na dito. Halika girls, dun tayo sa bahay ko sa tuktok ng Bora. Over looking ang ganda ng view. PRINCESS (parinig kay Luigi) Dun sa dating bahay ni Luigi? CUT TO: EXT. DIVESHOP - DAY, SAME DAY Naglalambingan sina MALAYA at MARLON. Nangungulit si LUIGI. LUIGI Sige na, boss Marlon. Ako na lang ang kunin mong yaya. MARLON Nanalo na nga si Malaya. LUIGI E wala namang alam yan e. MARLON Ba't ikaw, me alam ka ba? MALAYA Willing to learn naman ako e. MARLON Marunong na siyang maglinis ng tubo. Dadating si TOTONG. TOTONG Boss Marlon! The boat is ready. MARLON (to Malaya) Halika hija tuturuan naman kitang maglaba. Aalis sina TOTONG, MARLON at MALAYA. MAg eemote ng sad face is LUIGI. Medyo hahangin face ni LUIGI. Padating naman pala si RICHIE. Tatakas sana si LUIGI pero tatawagin siya ni RICHIE. ***Kung puede naka green shirt uli si LUIGI at BLUE naman si RICHIE. RICHIE Luigi! Masyado ka namang nagmamadali. Wala ka namang pupuntahan e. LUIGI Hoy! Hindi pa tayo tapos. Hinde naman lahat ng perang yon ay sa mommy ko. Meron akong mana sa daddy ko, wala siyang karapatang ipusta yon. RICHIE Wow! Palaban si Luigi boy. O sige baka sabihin mo naman hindi ako patas lumaban e. Bibigyan kita ng tsansa mabawi lahat ng natalo ng nanay mo. LUIGI Paano? RICHIE Pustahan tayo! 'Pag nanalo ka, balik sa inyo pera nyo. Pero pag nanalo ako, lahat ng sinasabi mong 'shares' mo ay mapupunta na rin sakin. LUIGI Anong pagpupustahan? RICHIE Yung si Pampam. Kung sino ang unang makapagpasagot sa kanya, siya panalo. LUIGI Si Pampam... Bwahahaha(tawang demonyo) Isa pa... Si Pampam. Bwahahaha(tawang demonyo). Hindi ko pagpupustahan yon. Mahal ko yon e. RICHIE Bwahahaha!!! O sige. Napansin kong wala ka ng pag asang makaiskor sa kanya e. Para patas ang laban, ako na lang ang manliligaw. Pag sinagot ako, akin ang pera mong barya. 'Pag di ako sinagot within 1 week, babalik ko ang pera niyo. Short pause. RICHIE (cont'd) Ano ayaw mo? LUIGI Sige call. CUT TO: GAP 3 EXT. BEACH-DAY, DAY LATER Nililigawan ni RICHIE si PAMPAM. Habang si LUIGI ay nasa malayo kausap si CALOY na nagbabarbel. RICHIE Dun tayo sa bahay ko sa tuktok ng Bora. Over looking ang ganda ng view. PAMPAM Sorry Richie. Busy ako. Tsaka Parang napanood ko na ito. Sinusubukan tsansingan ni RICHIE si PAMPAM pero pumapalag si PAM. Makikita ito ni LUIGI at matutuwa siya. Samantalang makikita si LUIGI na nagbubuhat ng barbel habang nakasquat. LUIGI O ayan ha ako na ang nagsquats para sa iyo. Akin na ang isang daan. CALOY Naku. Thank you ha. Okey to a nakapag work out ako ng hindi napapagod. Ganda ng idea mo Luigi. CALOY (cont'd) O ito pa ang singkwenta. Puede bench press naman? Kukunin ni LUIGI ang pera tapos ay muling susulyap kina PAMPAM at RICHIE. Makikita niya ang mga ito na sweet na sweet na. CUT TO: EXT. DIVE SHOP-DAY, CONTINUOUS Bitbit-bitbit ni Ursula sa kwelyo si MARLON(basang-basa si MARLON) at si MALAYA na may dala pang bareta ng sabon at mga hanger URSULA Harap-harapan nyo ko kung lokohin. MALAYA Tinuturuan lang po niya akong maglaba. MARLON Oo nga naman Syempre mas effective ang pagtuturo kung hindi puro theory, dapat may hands on din. URSULA Hands on??? E yung hands niya ang nakapatong sa iyo. MALAYA Sabi kasi ni kuya Marlon mas effective daw ng naglalaba na nakasuot pa ang damit. URSULA Maglalaba ng suot ang damit??? New technology yan a... Kukunin ni URSULA ang hanger na hawak ni MALAYA at sisipitin ang mga damit ni MARLON Isasabit si MARLON at isasampay. CUT TO: EXT. BEACH-DAY, DAY LATER Nag iigib si LUIGI ng tubig mula sa dagat. Madadaanan niya si RICHIE. RICHIE Luigi, My man! Mukhang nagpapraktis kana sa tuluyan mong paghihirap a. LUIGI Nagwowork out lang ako. Eto ang bago ngayon. Hndi mo ba to alam? Ang south beach work out. RICHIE Oww... Alam mo kasi malapit ko ng mapasagot si Pampam e. LUIGI Wag mong lolokohin si Pam kundi lagot ka sakin. RICHIE Uuuu...Im so scared. But a deal is a deal and a bet is a bet. LUIGI Pag sinumbong kita siguradong babusted ka niya. RICHIE Ops! Bawal yon. Kundi automatically forfeited ka. Dadating si PAMPAM PAMPAM Hi tiger! LUIGI Hi lioness... PAMPAM Actually I was talking to Richie... Malapit na maging kami you know. RICHIE Ang sarap naman pakinggan nuon... Pero teka tiger. Baka busysi Luigi, wag na natin siyang istorbihin. Magdidiliver pa ata ng tubig e. PAMPAM How sweet naman. Sino yung suwerteng babaeng pinag iigib mo? LUIGI Kay Manong Dodong 'to. Binubuhat na ni LUIGI ang timba at paalis na sina PAMPAM at RICHIE nang... LUIGI (cont'd) Teka!!! Di bale ng matalo ako sa pustahan. Di bale nang maubos ang limpak-limpak kong salapi. Hindi ko maaring payagang lokohin mo ang minamahal kong si Pampam. LUIGI (cont'd) Pampam, kaya ka lang nililigawan ni Richie ay dahil sa pustahan. Hindi ka niya talaga mahal. PAMPAM WHAT?!? CUT TO: GAP 4 EXT. BEACH-DAY, CONTINUING PAMPAM (full emote) Ibig mong sabihin niloloko mo lang ako? How could you? RICHIE E kasi.... PAMPAM (to Luigi) Alam mo ba na nung simula pa lang, binasted ko na siya at sinabi kong ikaw ang mahal ko. Pero sabi niya magkunwari lang daw kami para pagselosin ka. LUIGI A ganun ba? Ibig sabihin sopla siya nuon pa. Busted!?! As in?!? CUT TO: EXT. DIVESHOP-DAY, DAY LATER Nakasampay pa rin si MARLON. Andun lahat ng Cast. MARLON Darling. Baka puede na kong bumaba. Tuyo na ko. MALAYA Oo nga po. Tuyo na siya. URSULA Bahala kayo! Aalis Si URSULA. Kakalagan ni MALAYA si MARLON. Darating naman si LUIGI, na kaakbay si PAMPAM, at lalapit kay DODONG. LUIGI Manong Dodong mababayaran ko na kayo. Bumalik na ang yaman ko. DODONG Wag na ako ang bayaran mo. Binayaran na ng mga boys e. LUIGI Thanks guys! CALOY Okey lang. Pinapatawad ka na namin. Mag aakapan ang mga HUNKS. Samantalang si MARLON ay nakababa na at aakapin si MALAYA. MARLON Thanks Malaya. Dadating si URSULA na may dalang plantsa. URSULA A tuyo ka na pala ha. Halika't paplantsahin na kita. CUT TO: CBB