Inagaw daw niya si Antoinette mula kay Dingdong
by Allan Diones & Jun Reyes

Teen Movie Magazine no. 1402
August 02, 2000

SI WENDELL RAMOS ang ipina-partner ngayon ng GMA-7 kay ANTOINETTE TAUS. Nag-start ang kanilang "loveteam" when they worked together sa miniseries na Tago Ka Na. Nag-end na ang show nilang yon, but now ay magkasama pa rin sila sa Saturday teen show ng Siete na Click.

"Ayos naman kami. Okey lang," napapangiting simula ni Wendell nang kamustahin namin ang "loveteam" nila ni TONI.

"Hindi ko alam kung loveteam talaga kami, eh. Parang ganu’n na siguro. Puwede na rin. Ha! Ha! Ha! Wala kong idea kung ano talagang balak nila, eh" sey ng guwaping na mainstay ng Bubble Gang nang matsika namin sa SOP.

Hindi ba parang late na yata yon for him na ngayon pa siya nagkaron ng ka-loveteam, eh, dapat yata ay papunta na siya on a more mature career path, ‘ika nga? Tapos mas bagets pa sa kanya ang ipina-partner sa kanya, huh!

“Oo nga, eh! (Smiles) Bakit, bagets din naman ako, di ba? Ha! Ha! Ha! ‘Tsaka 18 or 19 na yata si Antoinette, oh. Ako naman 21. Hindi na rin malaki ‘yung age gap.”

Pero okey ba talaga sa kanya ‘yung idea na ‘yon na meron siyang ka-loveteam?

“Okey lang. Siguro okey lang Wala naman sigurong masama, di ba? Tutal maganda naman yung nangyayari, oh.”

Sa tingin ba niya ay may chemistry naman sala ni Toni? At tanggap ba naman  sila ng fans?

“Sa ngayon hindi ko pa masabi, eh. Hindi ko pa alam. Pero wala pa naman akong naririnig na hindi maganda. Okey lang. Siguro maganda rin para sa tao lalo na sa mga fans..”

Puwedeng maganda nga sa iba, pero mukhang hindi siya maganda para kay DINGDONG DANTES. The last time we talked to Dtngdong ay halatang hindi ito ganu’n ka-solved du’n sa idea ng paglalabtim’ kina Wendell at Toni. And that’s understandable, huh!

“Talaga? Bakit?? Hindi okey sa kanya?" balik-tanong sa amin ni Wendell. "Eh, wala na ‘kong magagawa don dahil ako siyempre, sinusunod ko lang din naman ‘yung trabaho ko.”

So pa’no silang dalawa ni Dingdong wala ba silang friction because of that?

"Wala. Ako, okey lang ako! Ewan ko sa kanya," napapa-smile na sundot niya.   "Siguro naman okey lang sa kanya ‘yon. Siguro hindi naman siya ganu’n kababaw para maapektuhan, di ba? Siguro naiintindihan niya ‘yon.”

Pero sa mga Toni-Dingdong fans, puwedeng ang dating niya ay "inaagawan” niya ng ka-loveteam si Dingdong. Kumbaga ay “umeeksena” siya sa tambalan ng dalawa.

“Eh, hindi ko na kasalanan ‘yon! Hindi na ako apektado do’n dahil ako, ginagawa ko lang ‘yung trabaho ko. ‘Yung management siguro ang magde-decide  no’n kung ano ba talaga ang gagawin sa amin, di ba?" simpleng katwiran niya.

Hindi siya maaapektuhan kahit paratangan siyang “kontrabida” sa loveteam ng dalawa?

"Kung sa ‘yun ba ang nararamdaman nila, eh. Kung sa tingin nila, eh, kontrabida ‘ko, wala ‘kong magagawa! Hindi ko na kailangang mag-explain pa.”

What if totoong nagseselos pala sa kanya si Dingdong?

“Hindi siguro natin maaalis ‘yung gano’n. Siguro dahil mahal niya si Antoinette. Natural’yon!"

Puwede ba niyang bigyan ng assurance si Dingdong na hanggang ganu’n lang talaga sila ni Antoinette at hindi puwedeng magingtotohanan ang loveteam nila?

“Oo, ako, trabaho lang ako. ‘Yun lang ang masasabi ko sa kanya. Alam naman ni Dingdong ‘yun, eh. Trabaho lang ako...”

Bakit naman niya nasabi ‘yon? lmposible ba talagang maging totohanan sila ni Toni?

“Natural iniposible dahil may boyfriend na si Antoinette!" kaswal na hirit
ni Wendell na medyo ikinabigla namin.

Gano’n? May boyfriend na pala si Antoinette? Sino???

“Ewan ko kung sino! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi ko alam! Hindi ko alam!” bigla niyang kambyo dahil na-realize niya yatang “nadulas” ang dila niya sa taklesang sagot niya.

“Hindi pala may boyfriend. Baka magka-boyfniend siya, di ba?” hirit ulit ng inconsistent na si Wendell.

"Hindi ko alam! Ha! Ha! Ha! Hindi, siguro para sa ‘kin, hanggang du’n na
lang ‘yon. Magkaibigan na lang kami ni Antoinette. Malabo, malabo kaming magkadebelopan!”

Dati ay naging mainit din naman ang name ni Wendell, lalo na nu’ng mas bagets pa siya. Pero ngayon ay tipong one of those lang siya sa Click. Hindi kaya parang late na para sa kanya na maging part siya ng isang bagets show?

“Hindi naman siguro late dahil ‘yung role na ginagawa ko ngayon sa Click, sakto lang sa age ko ngayon. Hindi naman ako nagpapa-tweetums du’n, eh. Hindi naman ganu’n ‘yung role ko. May kilig ng konti, pero hindi naman ‘yung as in talagang pa-cute! Siyempre binabagay din sa age kong 19! Ha! Ha! Ha! Ha!” patawa pa ni Wendell.

Hindi ba dapat sa age niya ngayon ay medyo daring na siya nang konti? Bakit ba kasi hindi pa siya magpa-sexy?

“Oo ba! Ha! Ha! Ha! Magwo-workout muna ‘ko! Sa ngayon, hindi pa puwede dahil medyo kailangan pang mag-workout. Pero okey lang ‘yon kung saka-sakali!” last line ng guwaping at ma-appeal pa ring si Wendell Ramos.

 

Hosted by www.Geocities.ws

1