TEEN-seltown by Archie de Calma
Super Teen Magazine no. 193
July 30, 2000

O, PASOK na pasok ba ang bagong title ng ating column? Medyo inunahan
na natin ang reformat. Ang mababago lang talaga bukod diyan ay ‘yung pagsisikap naming mapaiba ang naibabalita namin, ‘yung talagang hot
na napapag-usapan.

Tsinek namin ang e-mailbox namin at talagang dumaragsa ang chika ng fans and readers na nagre-react sa kung anu-ano. Numero uno sa masisipag na mag-e-mail sa amin ay ang fans nina Antoinette Taus and Wendell Ramos.

We’d like to believe na mas popular na ang Toni-Wendell kaysa tambalan nina Antoinette at Dingdong Dantes na tuluyan nang tsinugi ng Viva since Toni is already out of the said company. Para sa amin, understandable yun.

Magaganda ang eXpoSures nina Toni at Wendell sa GMA-.7. Click ang tambalan nila sa Click, follow-up sa matagumpay na Tago Ka Na!, isang naunang mini-
series.

Alam ba ninyong mayroong namumuong Antoinette-Patrick Garcia combination tila gusto ng fans? Mukhang ang fans yata ni Toni ay nahahati-hati sa ngayon. Mayroong mas gusto ang Toni-Wendell, mayroon pa rin for Dingdong-Toni, pero iyung Patrick Garcia ay nabanggit dahil na-mention yata si Toni sa isang episode ng Richard Loves Lucy kung saan naroroon’si Patrick at tipong tinutukso-tukso siya kay Toni.

Aba, nag-react ang fans! Kinikilig sila kaya super-e-mail sila sa amin!

 

Hosted by www.Geocities.ws

1