DIRETSAHAN by Archie de Calma
Super Teen Magazine no. 193
July 30, 2000

INI-RELEASE ng Viva Films si Antoinette Taus at mukhang nakaka-survive siya as a free lancer. She’s getting good deals sa GMA-7 at pupuwede rin daw siyang mag-guest sa ABS-CBN shows.

Dito sa Diretsahan, si Toni ang ating featured interviewee at pinilit namin siyang sagutin ang mga tanong na, more or less, maglalabas sa tunay niyang pagkatao tungkol sa mga isyung hindi basta madalirot.

Find out kung ano ang talagang niloloob niya sa trato sa kanya ng mga taga-Viva noon at ang pagkiling diumano ng marami roon kay Kim delos Santos; ang pangamba ng marami na baka mabuntis siya ni Dingdong Dantes o ma-involve din sa may asawa’t anak nang si Wendell Ramos na ipinapareha sa kanya, plus more sa exciting na chikahang ito.

Walang eklatan, dito sa Diretsahan! 



STM: Paano kung isang araw, malaman mo na lang na may gay lover pala si Dingdong Dantes? Ano ang gagawin mo?
A: Magtataka lang ako dahil close kami, bakit hindi ko alam? I’d like to believe na lahat ng dapat kong malaman kay Dingdong, eh, alam ko dahil very close na nga kami. Pero, kung mangyari man ‘yun. iintindihin ko na lang.
     May mga bagay kasi na nangyayari na hindi basta nakokontrol at kailangang maintindihan muna natin ang situwasyon kung bakit ganoon.
     Hindi ako magagalit sa kanya. But, of course, may mababago. Kasi, ‘yung pagkataong alam ko tungkol sa kanya, hindi pala ganoon ‘yun. May deception pa rin doon. Mas matatanggap ko pa siguro kung ipinagtapat niya sa akin kaysa sa katagalan ko pa nalaman.

STM: Paano kung totoong nagkaroon ng relasyon sina Dingdong at Kim delos Santos, lalo noong panahong sila pa ang inila-loveteam sa isa’t isa?
A: Alam mo, minsan, naiisip ko rin ‘yan. Dati naman kasi, may mga naririnig na akong tsismis tungkol sa kanila. Pero, siyempre tsismis lang ‘yun hangga’t walang ipinagtatapat si Dingdong sa akin.
    May kung anu-ano nang nakarating sa akin na hindi naman totoo. Pero, kung malalaman kong totoo pala, well... okey lang (laughs). Pero, ideally, dapat sinabi na ni Dingdong sa akin. Walang magiging problema yun sa akin, eh. Wala kasi akong nakikitang dahilan para itago niya, kung mayroon. Dapat talagang sinasabi na niya lahat sa akin dahil mas mahirap ‘yung sa ibang tao ko pa nalalaman at mare-realize ko in the long run, na totoo pala.
     Ano naman ang ikagagalit ko kung naging sila nga? Lahat kasi ng dapat kong malaman, sinasabi na talaga ni Dingdong kaya wala akong dapat isipin pang hindi maganda tungkol sa kanya.

STM: Paano kung malaman mo na may direktrang kinalaman pala si Kim delos Santos kaya nagkaproblema ka sa Viva?
A: Honestly, I thought of that before. Natural lang kasi na may competition, nagpapakatotoo lang ako. ‘Tapos may mga nang-iintriga pa, siyempre, kahit hindi kayo dapat maging magkaribal, lumalabas na ring ganoon kayo.
     To be honest about it too, kung totoong gusto ni Kim na mawala ako sa Viva (na nangyari na nga!), I won't take it against her. Sinabi ko nga. may competition doon, eh. That’s typical.
     Kasi, kung iisipin ko naman, natural reaction ‘yun, o mag-isip ng ganoon si Kim. For me, that’s not mean. Kaysa naman ‘yung gumawa siya ng bagay na parang ikinasira na talaga ng buhay at career ko, ‘yun ang hindi ko basta matatanggap. O ‘yung nagkalat-kalat na ng kasiraan tungkol sa akin na hindi totoo, siyempre, roon na ako magagalit.

STM: Paano kung malaman mo na you’re dad (Tom Taus, Sr.) has another family?
A: That one, I’d really be devastated! Ang tinu-tino ng tatay ko. Masa-shock ako kung ganoon ang madi-discover ko. I would really be hurt. Iisipin ko, bakit ganoon siya?
     Bakit hindi niya nasabi, pero kung ganoon, eventually, I really have to accept it. Naroon na ‘yun, eh. Initial reaction ‘yung galit. It’s something I have to cope with sa katagalan, kung mangyayari man ‘yang sinasabi mo.

STM: Despite of public awareness na may asawa na raw at anak si Wendell Ramos, ma-fall in love sa ‘yo ito, ano’ng gagawin mo?
A: Kung wala sana ‘yung ganoong given factors, puwede talaga akong ma-in love kay Wendell. Anything is possible. Puwedeng na-develop na lang siguro dahil nagkakilala na kami. Depende kasi ‘yun sa kung ano ang puwedeng mangyari.
     Pero, given the situation na mayroon na nga raw siyang anak at wife, well, I don’t know kung open na siya roon... pero may mga nasulat nang ganyan, mahirap na rin siguro.
     So far kasi, wala akong nakikitang negative kay Wendell. Kasi, magsasalita ka lang naman na mahirap magkatotoo, na parang sigurado ka na sa sarili mo, kung may na-discover ka at talagang hindi maganda, ‘di ba?
     Kung wala ‘yung ganoong situwasyon, pareho pa kaming hata ni Wendell. kaya anything is possible. 

STM: Paano kung isang araw, magkasama kayo ni Wendell sa trabaho, bigla na lang dumating si Dingdong na galit na galit, inupakan na lang si Wendell kaya nagkaupakan na sila, obviously, dahil sa ‘yo, ano’ng gagawin mo?
A: Mahirap sagutin ‘yan dahil malayong basta mangyari. Hindi gagawin ‘yan ni Dingdong.
     Pero, kung mangyayari man ‘yun, magso-sorry ako kay Wendell. Ako na ‘yung magso-sorry. Kami ni Dingdong, mag-uusap kami. Dapat na ma-resolve ‘yung problem. Kailangang matino rin ang rason para gawin ni Dingdong ‘yun, but I don’t think na tama ‘yung ganoon, na basta ka na lang manunugod ng tao.

STM: Paano kung pagkaisahan ka nina Sunshine (Dizon), Angelika (dela Cruz) at Champagne (Morales) sa Channel 7? ‘Yun bang hindi ka mabigyan ng chance dito dahil sa pressures din ng mga taong mas may biases sa tatlong binibigyan na rin ng atensiyon ng GMA-7?
A: Kahit naman totoong mangyari ‘yan, sabi ko nga, typical ‘yan. Competition pa rin, parang doon sa nasabi ko kay Kim sa Viva. Wala akong magagawa kung sila ang mas nabibigyan ng atensiyon doon.
     I’ll just react normally siguro. Basta ako, wala akong masamang intensiyon sa tao, hindi ako nag-aartista para agawan ang iba ng trabaho. Hindi ako nang-aagaw o kahit nga para sa akin at napupunta sa iba, deadma lang ako.
     I just have to be nice to people. Sa totoo lang, good friends naman ako nina Sunshine, Angelika at Champagne. They’re all nice to me.

STM: Paano kung sumikat nga siyang parang si Lea Salonga, na mas bumongga ang career niya abroad? Will she get back at her oppressors before?
A: Ano ‘yan? Parang plot ng isang movie? Alam mo, walang mababago sa akin. Kahit ano pa ang maabot ko sa buhay. hindi ako magiging bitter. Hindi rin ako yayabang na parang magiging matapobre na kung sisikat nga ako abroad.
     Lahat ng bagay na dumarating sa atin, ‘yung blessings, dahil ‘yun ay sa anak tayo ng Diyos, hindi niya tayo pinababayaan. Ganito lang ‘yun, ibinigay Niya sa atin ‘yun, nasa atm ‘yun kung paano natin pangangalagaan at kung paano tayo makikipagkapwa-tao despite success.
     Kung ibibigay ng Diyos ‘yun pero magiging masama naman tayo, puwede Niyang bawiin ‘yun para sa muli nating ikabubuti, ‘di ba? Values pa rin ang importante riyan. Buong buhay mo, dala-dala mo ang values na ‘yan.

STM: Hindi niya tatarayan si Veronique del Rosario o ‘yung ibang nagtaray-taray sa kanya?
A: Hindi papasok sa utak ko ang inagsalita nang masama against anyone or anybody dahil alam kong kasalanan ‘yun. Hindi maganda ‘yung nag-iisip ka rin ng pupuwedeng masamang mangyari sa kapwa.
     Here in showbiz, life can he so unfair, but at the end of the day, maibibigay pa rin sa ‘yo kung ano ang deserving mong makuha. Ang alam ko, ilang beses na akong naagawan ng projects, na ‘pag nalamang kukunin ako, eeksena sila roon sa producer at mago-offer sila ng mas mababang presyo.
     Pumapayag na sila kahit sa presyong kalahati ng sa akin para sila lang ang matuloy sa project. Ako naman kasi, I don’t demand for projects. Kahit dapat din lang, sabi ng iba.
     Mahirap namang igigiit ko ang sarili ko, paano kung pumalpak ang project? Ako pa ang sisisihin doon. O baka ‘pag binigyan ako, baka napipilitan lang naman sila. You see, Ijust feel weird sometimes.

STM: Bakit nagpapakatangi-tangi pa sila sa exclusive contract sa GMA-7? Hindi ba’t ito ang most effective way to get back at Viva?
A: I don’t even have to think about getting back at anybody. Why should I? Masaya na ako sa naibibigay ng GMA-7, which I feel, mas magaganda pa ang maibibigay nila sa akin kung exclusive na áko.
     Look at Angelika and Champagne, they have the best deals dahil may kontrata sila sa Siyete. Masuwerte na ako na napapansin pa nila ako.
   ' Yun naibibigay ng Channel 7 sa amin, that’s enough reason for me para maging lalong humble. Dapat na magpakabait ako dahil doon.
     Sa totoo lang, ano ang mapapala ko kung negative ang mapi-feel ko kahit puwedeng ‘yun ang mas totoong puwedeng maramdaman? Ano ang balik niyon sa akin kung sasama pa ang loob ko?
     Sa halip nga na ganoon, itong mga nangyayari sa akin, dapat na ma-inspire pa ako.
     Kaya lang naman kami tumatanggi muna sa exclusive contracts dahil galing na kami riyan sa Viva, remember? Gusto lang naming subukan ang nakakapagtrabaho sa Siyete, sa Dos, open sa lahat. Ganoon na lang muna. There’s no need para magpa-exclusive ako sa ngayon.

STM: Diretsahan na rin lang, Toni... although may denials pa sa inyo ni Dingdong, eh, alam naman ng buong madla na kayo na nga ! Action speaks louder than words. Ang kinatatakutan ng marami sa ngayon (at hinihintay), ‘yung mabuntis ka ni Dingdong. Ano’ng masasabi mo?
A: Kung kilala ako ng isang tao, I don’t think na mag-iisip siya na puwedeng mangyari sa akin ‘yung ganoon, na mabuntis ako. Okay, mahirap magsalita nang patapos, but those people who know my values, what I uphold.
     Alam nila kung ano ang importante sa akin. Hindi papasok sa isip nila ‘yung ganyang mga bagay kung kilala nila ako.
     Pangalawa, pinangungunahan ko na rtn, na 'yung may lalabas na kesyo buntis ako, o may ka-live-in or something, tiyak na gusto lang akong siraan ng mga yun.
     If people think na mag-on na nga kami ni Dingdong, then, fine, pero dahil sa gusto pa sigurong may malaman tungkol sa amin, eventually, some people may cook up things that are not true.
   Questionable kung bakit nila ginagawa ‘yun. Pero, kung matsitsismis akong ganyan, well, tiyak ko lang na gusto akong siraan or maybe because may mga taong hindi ako gusto.
     I put in mind that I have to set a good example. Sometimes, ‘yun lang ang nakakatakot, na dahil sa pagiging selfish ng iba, gusto nilang may magtagumpay at the expense of other people, naninira na sila.
     Wala silang pakialam na may masirang buhay ng ibang tao. O kung nangyari man sa iba ‘yun, gusto rin nilang mangyari sa ‘yo. Short term bang ang iniisip ng ibang tao. They don’t really care kung nakakasira na sila ng buhay ng iba.

 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1