BABELICIOUS by Archie de Calma
STM No. 191, July 16, 2000

DINGDONG-TONI GISING! MARAMING KINIKILIG SA TONI-WENDELL!

Ang karamihan na nagpapadala ng e-mail sa amin ay fans ni Antoinette Taus. Marami sa kanila aug natutuwa sa pagkawala niya sa Viva dahil mas napapanood daw nila Ito sa mas maraming shows ng Siyete.

Pero, bago pa narnin nakausap si Toni, ang fans na ang naghatid sa amin ng chika na hindi pa pumipirma ng exclusive contract si Toni sa GMA-7.
Natatawa na tang kami dahil ang iba sa fans ni Toni, gusto pa rin nila si Dingdong Dantes para sa kanilang idol, pero mas may kilig daw pala kung naipapareha si Toni sa iba, lalo na kay Wendell Ramos na nakatrabaho siya sa mini-series na Tago Ka Na.

Ngayon ay nagkakasama sina Wendell at Toni sa Click. Aba! kilig na
kilig ang reaction ng fans! Ang direktang nasasabi nila, match sina Wendell at Toni in terms of acting, nadadala nilang parang totoo ang mga play ng mag-sweethearts kahit nga si Toni ay may Dingdong na (action speaks louder than words) at si Wendell ay may anak na sa wife nito.

Tanggap ng tans ito at mas malawak ang pang—unawa nila. Hindi naman daw loveteam ang kina Toni at Wendell kung hindi combination na kaysarap panoorin dahil match na match ang mga talento.

Well, any reaction from Toni-Dingdong fans? Aba, parang mas masisipag yatang mag-e-mail sa amin ang Toni-Wendell, huh! Naku, kayo rin! Gusto namin sa fans ay 'yung masisipag at talagang gagalugarin lahat ng access sa computer para sa kanilang idolo! ‘Yun na!

 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1