Join na rin si
Antoinette Taus sa CLICK!
by Joey Diego, from several magazines...
Startalk, TMM and Moviestar Mag.

Marami ang tiyak na
magugulat sa pagpasok ni ANTOINETTE TAUS sa CLICK. Sa pag-alis ni
ANGELUKA nasabing youth oriented show, si Antoinette ang napili ng GMA
para maging kabarkada ng mga bagets ng programa sa bago nitong istorya
na mapapanood sa third season. Of course, naroon ang mga tanong kung
bakit tinanggap ng dalaga ang show na ito, to think na hindi siya ang
magiging bida dito, isa pa, galing siya ng TGIS na dating kalaban ng
show. Ano nga ba ang rason at tinanggap Ito ng dalaga? Nang dalawin
namin ang set nila sa malayong lugar ng Bulacan, binigyang linaw sa amin
ni Toni kung ano ang tunay na dahilan at tinanggap niya ang show.

“I guess wala namang
conflict, okey dito, masaya at kabarkada ko lahat sila rito. Nakakasama
ko kasi sila sa SOP especially si BIBOY RAMIREZ, madalas ko siyang
nakakalrabaho. Nag-usap din ang Daddy ko at ang GMA, walang problema at
nakikita kong magiging okey ako dito. Maganda rin ang role ko."

“I know na hindi ako
ang magiging bida dito, ‘yung tatlong loveteams ang talagang bida rito,
bale support lang ako at walang problema sa akin ‘yon. May ka-loveteam
din ako rito, bale magkakaroon kami ng love triangle dito nina WOWIE DE
GUZMAN at WENDELL RAMOS. Tinanggap ko ang show na ito dahil wala akong
nakikitang problema kung saka-sakali,” say pa ni Antoinette sa amin.
Anyway, masaya rin ang
naging pagdalaw namin sa first taping ni Antoinette, dahil nga close
kami sa lahat ng taong naroon, nag-emote kaming gusto naming ipiktoryal
ang lahat, kaya dali-daling tinawag ni RAMS DAVID ang lahat ng cast,
pati na rin sina Wendell at MIKO SOTTO (anak ni ALE SOTTO) na mga bagong
dagdag sa show. Game na game ang lahat nu’ng mga oras na ‘yun kaya
very thankful kami sa cooperation nila, including direk MAC ALEJANDRE na
very supportive nila sa amin eversince kaya mahal na mahal namin ang
taong ito.
Sinabi sa amin ni Rams na
may paqbabagong makikita sa show.