GETTING TO KNOW MORE ABOUT WENDELL RAMOS
ni Lito Manago, Teenstars Mag no. 1415, Nov 1, 00

He’s definitely one of the most handsome TV personalities today and one ot the most popular actors GMA has ever had. We’re talking about WENDELL RAMOS. Kung madalas kayong nakatutok sa Rainbow Network, tiyak na familiar na sa inyo ang pangalan ni Wendell.

Maraming taon din ang hinintay ni Wendell bago siya tuluyang nagkaroon ng sariling pangalan. And success, according to him, never came across his mind. Tama na raw ‘yung hindi naman siya nawawalan ng projects both on TV and in the movies.

Katatapos lang niyang lumabas sa Kasangga (Tuesday, 9 p.m.) ni RUDY FERNANDEZ at GMA Love Stories (Sunday, 8:30 p.m.) kung saan kasama niya sina DANICA SOTTO at 80Y2 QUIZON.

Marami rin ang nagkakagusto sa team-up nilang dalawa ni ANTOINETTE TAUS sa programang CLICK ng GMA. As a matter of fact, marami kaming natatanggap na e-mails telling us to feature more about Wendell.

So here it goes. Some facts about Wendell Ramos. Please read on...

PERSONAL DATA

Real Name: WENDELL REYES RAMOS

Screen Name: WENDELL RAMOS

Nickname: Del

Date of Birth: August 18, 1978

Place of Birth: Manila

Zodiac Sign: Leo

Parents Name: ROBERT & LUCY RAMOS

School: “Actually, marami. Nag-Letran ako tapos kung saan-saan pa ako pumasok. Puro sa Manila. Graduate ako ng high school sa DECS. Of course, I intend to pursue college kapag medyo nakaluwag ako sa aking schedules."

Ambition: To be a successful businessman.

Motto:Time is gold!

HIS PERSONAL FAVORITES

Perfume: Cool Water, 212 by Carolina Hererra

Dish: "Actually, Chinese. Gusto ko ‘yung nido soup at saka sweet and sour and shanghai rice."

Get-up: “Depende sa okasyon pero usually, jeans and shirts. Mas kumportable ako kapag casual lang ang suot ko.”

Pet: "Wala pa, e. Gusto ko sana aso kaya lang medyo wild ‘yung pet nagusto ko — pet bull. Kaso ayaw nila dahil delikado raw."

Hang-out “Kadalasan sa bahay lang pero lumalabas din naman ako. Sa Timog, Malate kung saan ‘yung mga barkada. Minsan sa 10, sa Jupiter sa Makati. Dun lang ako, nagke-KTV ako.”

Sports: Basketball & swimming.

Music: “Lahat. Wala akong pinipili. Rock, love songs. Okey naman sa akin lahat

Past Time: “Nanonood lang ako rig video sa bahay, kung hindi naman nagbubukas ako ng TV, nanonood ng PBA.”

Local Actors: RICHARD GOMEZ, CHRISTOPHER DE LEON, PHILLIP SALVADOR & EDDIE GARCIA

Local Actresses: NORA AUNOR,VILMA SANTOS & MARICEL SORIANO

Foreign Actors: AL PACINO & ROBERT DE NIRO

Foreign Actress: ALICIA SILVERSTONE

SexyActress: “Halos lahat sila lalo na kapag sexy talaga.

Local Singers: LANI MISALUCHA, JAYA, OGIE ALCASID, JANNO GIBBS

Foreign Singers: STEVIE WONDER, BRYAN McKNIGHT, PAUL MCCARTNEY & JOHN LENNON

LocalBands: Freestyle & Side A Band

Foreign Bands: "Mas magaling pa rin ang Pinoy.”

Movies: “The best pa rin para sa akin ang The Godfathe kahit hindi ko pa ito napapanood ng buong-buo. Okey sa akin ‘yung Interview With The Vampire at lahat ng pelikula nina Robert de Niro at Al Pacino. Pinakafavorite ko ‘yung Devil's Advocate"

TV Shows: “I love my own. Siyempre, CLICK & Bubble Gang at lahat ng shows na ipinapalabas sa GMA. Madalas din akong manood sa HBO."

Expression: “Wala akong specific expression. Minsan hindi ko na napapansin. Kung ano na lang, tipong ganu’n na lang.”

Part of the House: ‘Wala nà sigurong tatalo kapag nasa kuwarto ka lang. Wala kang mararamdamang ingay. Tahimik kasi sa loob ng room mo,’diba?’”

Part of the Day: “Hapon na tipong padiim na, PBA na kasi. Relax na relax na ako nu’n. Mga around 4-5, nag-aabang na ako ng PBA games. Kung walang trabaho, ha? Pero kung may taping, miss kong manood."

Month of the Year: “Siyempre, August kasi birthday ko. December din kasi holiday. Basta, lahat ng holidays.”

HIS DREAMS

Girl: “Gusto ko sexy, mabait, understanding at ipakita niya na totoong tao siya. Basically, ‘yun ang kadalasang hinahanap ng mga lalaki sa isang babae, ‘di ba?’”

Date: “Karamihan, gusto sa isang beach. Hindi naman ako naiiba sa kanila. Masarap sa beach kasi you can do anything you want. Mas okey kung maraming tao. Sabihin na nating gusto kong magkaroon ngdate sa Miami. ‘Yun ang dream ko."

Wedding: “Simple lang pero kailangang sa church. Hindi ako naghahangad ng bonggang wedding, importante, matuloy lang. Dream ko, matuloy.”

House: “Simpleng tao lang ako, so kailangan simple rin ‘yung titirhan ko. Hindi ako naghahangad ng malaki, basta may matutuluyan kami ng pamilya ko. Kuntento na ako sa maliit pero simpleng bahay. Eksakto lang. Pero kumpleto naman sa gamit. Tapos kailangan may court sa likod ng bahay.”

Car: “Lahat nangangarap ng ferrari.”

Role:"Gusto ko malalalim na role. Tipong inaapi kayo ng father ninyo. Gusto ko mahirap ako. Ayokong gampanan 'yung mayamang role. Mas may dating sa akin kapag mahirap lang ako. Mas okey sa akin.”

Dream Place to Visit: "NewYork. Nung pumunta ako ng States, hindi ko pa ito napasyalan. So, gusto kong makita ‘yung kanilang lifestyle.”

HIS FIRST...

TVAppearance: “‘Yung show ni Tita ASTER AMOYO, ‘yung Inside Showbiz yata. Hindi ko na matandaan pero dun ako ipinakilala. Promo ng movie namin.

Movie: “ Taguan with GELLI DE BELEN, G TOENGI and JOMARI YLLANA."

Crush: “Nine years old pa lang ‘ata ako nu’n. Isang friend ng tita ko.”

Love: “I was 11 years old. Kapitbahay namin. Na in-love ako nang husto sa kanya. Kaya lang madalas kaming mag-away kasi sobrang bata pa namin pareho”.

Showbiz Salary: “Itinabi ko lang. Bumili ng mga gamit, blow-out sa mga barkada at nagbigay ako sa mommy ko.”

Showbiz Investment “Isang car, Gallant.”

GETTING A LITTLE PERSONAL

Sleeping Habit: “Nanonood lang ako ng TV; ayoko ng radio. Basta’t ako, hindi ako makatulog ng walang TV. Minsan, nakakatulugan ko rin ang panonood ng TV. Kapag antok na antok na talaga ako. Pero may timer naman kaya kusa na lang itong namamatay.

Sleeping Position: “Nakatagilid ako. May ambrasador ako. Tatlong unan ko. Isa sa ulo, isa sa paa at isa ‘yung nasa katawan ko.

Sleeping attire: “Boxer shorts lang. Kapag medyo malamig, nagsusuot ako ng sando.”

First Thing He Does In The Morning: “May isang bagay na tinitingnan agad ako. Kung andu’n pa. Hindi, biro lang. Unang ginagawa ko, nag-i-stretching ako. Tapos tinitingnan ko kung may pimples ako. And then maliigo na ‘ako.”

Sleeping In Nude: “Hindi pa. Nasubukan ko nang matulog ng naka-underwear lang.”

Taking A Shower “Matagal akong maligo. Pinakamatagal ko siguro inaabot ako ng 30 minutes.”

Qualities of a Girl: “Nasabi ko na. Sexy, maganda, mabait at very understanding lab na sa trabaho ko.”

Turn-on: “Eyes. Kasi naniniwala akong diyan nakikita ‘yung personality ng isang tao. Tama?”

Turn-off “‘Yung magaslaw. Maarte. ‘Yung halatang kulang sa pansin. ‘Yung hindi totoo. Tipong ang alam lang, puro kaplastikan.”

Person He Fantasizes: “Si Alicia Silvenstone. Wala nang iba pa.”

Pre-Marital Sex: “lngat na lang. Unang-una, kung talagang hindi na mapigilan, dapat kilalanin na muna nila nang mabuti ‘yung kakasamahin nila. Kung maiiwasan, iwasan. Kung hindi naman, ingat na lang at gamitin nila ang utak nila.

Early Marriages: “Ginusto nila ‘yun, sana kung may dumating na konting problema, maayos agad nila. Kasi marriage na ang pinag-uusapan diyan. Hindi na basta-basta, ‘di ba? Kumbaga, seryosohan na ‘yan. Ibang level na ‘yan. Totoong relasyon na ang pinag-uusapan diyan. Para makabuo kayo ng pamilya, maging totoo lang kayo sa isa’t isa.”

On live-in: “Parang trial marriage pa lang so good luck na lang sa mga nagli-live-in.”

Sanctity of Marriage: "Importante ‘yan sa dalawang taong nagmamahalan. So sana, iparamdam nila kung anunian ‘yung totoong feelings nila.Good luck din sa kanila.”

Teen Pregnancies: “Siguro, dapat nasa right age na. Sa hirap ng buhay ngayon, as much as possible, iwasan muna ‘yung mga bagay na makakasira ng future ng isang tao.

Homosexual Relationship: “I don’t have anything against it. Kung du’n sila maligaya, bakit natin hahadlangan? But personally, I don’t go for it.”

Fave Part of a Woman's Body: “Mata. Kasi, as I was saying, salamin ito ng personality ng isang tao.”

Other Personal Info

His Childhood “As far as I can recall, okey naman. Masaya, wala naman akong naging problema.

Last Time He Cried: “Hindi ko na matandaan. Siyempre, umiiyak din. Kapag lalaki kasi, masyadong matigas ang puso, ‘di ba? Pero deep inside umiiyak din naman.”

All About Showbiz: “Eto na siguro ang pinakamasayang mundo. Wala nang tatalo sa showbiz pero marami rin namang intriga. So far, wala pa naman akong na-encounter na grabeng intriga."

Being Religious: “I pray. Kaso nga talagang minsan, sa rami ng ginagawa ko, nakakalimutan ko na rin. Pero kapag may time, nagdarasal din naman ako. Hindi ako relihiyosong tao pero alam kong may obligasyon ako sa Kanya.”

MESSAGE TO HIS FANS Maraming salamat sa inyong lahat! Sa walang sawang suporta sa lahat ng mga ginagawa ko. Utang ko sa lahat ng fans, kung anuman meron ako ngayon. Kumbaga, bahagi sila ng buhay ko. Huwag n’yó lang pong kalilimutang panoonin regularly ang mga programa ko sa Siyete, ‘yung CLICK at Bubble Gang at sa lahat ng TV guestings ko sa GMA. Again, thanks sa inyong pagmamahal at tiwala.

 

Hosted by www.Geocities.ws

1