SIYA ANG
IPINALIT NI ANTOINETTE KAY DINGDONG
ni Joey Diego, Startalk no. 198, nov 6 2000
KUNG minsan
hindi rin totoo ang kasabihang opportunity knocks only once. Sa kaso
kasi ni Wendell Ramos, dalawang beses nang kumakatok ang oportunidad
as far as his acting career is concerned.
Suwerte
nga si Wendell dahil nang magsimula siya ay’ lead star kaagad ang
papel na ibinigay sa kana. ‘Di tulad ng iba na nagsisimula muna as
starlet si Wendell av agad isinabak sa malalaking pelikula at inihilera
sa mga sikat na young actors nil ng panahon niya. At palibhasa guwapo
at mahusay umarte, madaling nakilaia at nabigyan ng maraming projects
si Wendell. Pero hindi nga niya ito na-maintain at lumamig ang kanyang
career.
Ayon sa
binata, sarili lang niya ang dapat sisihin sa kinahinatnan ng kanyang
career. Nagpabaya raw kasi siya at nabarkada. Dahilan para mawalan
siya ng panahon sa kanyang career. -
lnakala
nga ni Wendell na tuluyan nang nagsara ang pintuan ng showbiz para
sa kanya. Ngunit sadya yatang maamo ang kapalaran kay Wendell kaya
muli siyang nabigyan ng panibagong pagkakataon. And this time, mas
matindi at mas makabuluhan ang mga proyektong dumarating sa kanyang
paanan. Kaya naman inspiradung-inspirado ang binata ngayon.
Ilan sa
mga regular shows ni Wendell av ang Click at Bubble Gang. Balita nga
namin ay desidido ang Siyete na i-push ang loveteam nila ni Antoinette
Taus.
Ang tanong,
naniniwala ha si Wendell na makakatulong sa kanyang career ang binubong
loveteam nila ni Toni?
"Oo
naman," mabilis na sagot ng guwapong aktor.
"Malaking
tulong ‘yun lalo pa’t mukhang maganda ang response ng mga fans sa
loveteam namin ni Antoinette. Kahit nga ako, eh, nagulat at hindi
ko talaga ini-expect na kakagatin ang loveteam namin dahil identified
nga siya kay Dingdong (Dantes) ‘di ba? "
"Nu’ng
una talaga medyo negative ako at nagkaroon ako ng feeling na mahihirapan
ang tao na tanggapin itong loveteam namin kava ini-ready ko na ang
sarili ko na hindi kami magki-click. Pero kabaligtaran nga ang nangyari
dahil marami pa rin ang kinilig sa loveteam namin," masayang
pagbabalita ni Wendell.
"Of
course laloakong natuwa nang sabihin ng GMA-7 na susuportahan nila
ang tambalan namin ni Antoinette. After Click nga, binigyan pa kami
ng mini-series na Munting Anghel kaya masavang-masaya talaga ako."
Pero marami
ang nakakapansin na mukhang feel na feel niya ‘yung romance sa pagitan
nila ni Toni halo na du’n sa mga nakakikiliting eksena nila sa Click?
"Actually,
aminado naman ako na kahit ako, eh, kinikilig din minsan. Deep inside,
may kakaibang dating din sa akin ‘yung mga ka-sweet-ang ipinapakita
namin du’n Sa show," tsika pa ni Wendell. "
Minsan
nga, nasasabi ko sa sarili ko..na, ‘wow, ba’t ngayon lang, ba’t ‘di
pa noon’," sey pa ng guwapong binata.
WISH nga
raw ng mga fans ay huwag nang makisawsaw si Wowie de Guzman sa loveteam
nila ni Toni.
"In
fairness to Wowie, ‘di naman siya nakikisawsaw. It just so happened
na ‘yun ang takbo ng istorva. Love triangle talaga kami dito. Actually
nu’ng umpisa nga akala ko ay ‘yung sa kanila ni Wowie ang kakagatin
ng tao dahil sa dami ng fans nila. Hindi ko akalain na ‘yung tambalan
pala namin ang mas magugustuhan nila."
Hindi ba
sila nagkakaroon ng rivalry ni Wowie dahil dito?
"Hindi
naman," mabilis na sagot ni Wendell. "Saka trabaho lang
naman itong ginagawa namin. Isa pa, pareho na kaming matured ni Wowie
para patulan ang mga ganyang isyu."
Marami
nga sa mga taga-Siyete ang pumupuri sa ipinapamalas na versatility
ni Wendell bilang aktor. Sa Bubble Gang kasi ay kitang-kita ang angking
husay ni Wendell sa pagpapatawa. Samantalang heavy dlrama naman ang
role na natoka sa kanya sa Munting Anghel. At kamakailan ay muli na
namang nalagay sa hamon ang galing ni Wendell sa pag-arte nang gampanan
niya ang isang markadong papel sa Kasangga kung saan muli sivang napasabak
sa matinding drama.
"Kaya
nga ang laki-laki talaga ng pasasalamat ko sa GMA at sa lahat ng pagtitiwalang
ipinagkakaloob nila sa akin. Ramdam na ramdam ko talaga ang halaga
ko kanila bilang talent nila. Wish ko lang na sana ay huwag silang
magsawa sa suportang ibinibigay nila sa akin. And in return ay ipinapangako
kong halo kong pagbubutihin ang aking trabaho," pagtatapos
ni Wendell Ramos.