Super close sila ngayon ni Wendell kaya nagselos si Dingdong
by Jun Reyes

Teen Movie Magazine no. 1302
August 02, 2000

Ang tambalang ANTOINETTE TAUS at WENDELL RAMOS ay unang napansin sa TV show na Tago Ia Na! ng Siyete. Sa paglabas nila ro’n ay nakita ng han ang magandang kumbinasyon ng dalawa kaya muli silang pinagtambal sa number one youth oriented show ng Siyete na kinagigiliwan ngayon ng lahat dahil sa kakaibang tambalan nila.

At nang minsan ngang dumalaw kami sa taping ng CLICK, through the invitation ng mabait na EP ng show na si RAMS DAVID ay nasaksihan namin ang magandang samahan nina Wendell at Antoinette. Sa set ay nakita namin kung gaano sila ka-close at ka-sweet, na kung makikita ito ng rumored boyfriend ni Antoinette na si DDIGDONG DANTES ay siguradong magseselos Ito.

Ano bang reaksyon ni Antoinette dito?

“Wendell is a friend of mine at gano’n din naman si Dingdong, so, I guess, walang dahilan para pagselosan ni Dingdong ang magandang samahan namin ngayon ni Wendell.

“Besides, ‘yung pagiging sweet namin ni Wendell, part lang 'yun ng trabaho namin.

“Kailangan kasi naming maging sweet dito sa Click dahil ‘yun ang hinihingi  ng story lalo pa’t kami ang mag-on dito, kaya natural na maging sweet kami.  Pero trabaho lang ‘yun at walang personalan,” ang sabi ni Antoinette sa amin.

Sa guwapong taglay ni Wendell, kahit na sinong lahi ni Eba ay talagang magkakagusto sa guwapong bagets. At posibleng mangyari rin ito kay Antoinette.

“Mahirap magsalita. But rignt now, ang career ko talaga ang aking priority. ‘Yung love, out na muna. Saka na talaga.

“Anyway, bata pa naman ako. Too young pa talaga para ma-inlove, huh! Ha! Ha! Ha!” ang tawa niyang sabi.

What if kung ligawan siya ni Wendell? “Kung ligaw, okey lang. Not to the point na sasagutin ko siya para maging boyfriend ko, I guess, pag-iisipan ko muna ito ng maraming beses.”

Pero aminado si Toni na si Dingdong pa rin ang lalaking pinakamalapit sa kanyang puso.

“Matagal ko na kasing kllala si Dingdong, kaya kilalang-kilala ko na siya from head to foot.

“Unlike si Wendell, ngayon ko pa lang siya nakikilala dahil kailan lang naman kami naging close.

“But still, okey namang kaibiganu si Wendell. Mabait naman kasi ‘yuug tao. Madali siyang pakisamahan dahil very approachable siya.

“Wala kaming problema ni Wendell sa isa’t isa,” ang sabi pa ng aming kausap.

Ang problema nga lang ni Antoinette ay ang loveteam nila ni Dingdong. Kahit gusto kasi ng dalaga na ituloy ang tandem nila ni Dingdong ay hindi na puwede. Mismong ang Viva na kasi ang pumutol sa tambalan ng dalawa, na lubhang ikinalungkot siyempre ng sikat na loveteam.

“I have no choice but to accept kung ano ang gusto ng Viva...

“Kahit ba gusto ko ang tandem namin ni Dingdong kung ayaw naman na nila itong ituloy ay wala akong magagawa...

“Ang katwiran kasi ng Viva, bakit kailangan pang ituloy itong tandem namin gayong magkaiba na ang network na nag-aalaga sa amin...

Malungkot nga si Antoinette sa loveteam nila ni Dingdong na hindi nila kayang ipaglaban pareho.

“Ang tagal din kasi naming magka-loveteam ni Dingdong at kahit paano, meron na rin kaming na-prove.

“So masakit pa sa akin ‘yung hindi namin ito maipaglaban gayung karapatan naming gawin ito.

“Since this is business, so, kung ano ‘yung kagustuhan ng nasa position, ‘yun na lang ang sinusunod namin para walang gulo.”

Pero kahit wala na ang loveteam nila ni Dingdóng ay tuloy pa rin ang maganda nilang samahan.

“Nag-uusap at nagkikita pa rin naman kami. Like, pag nasa taping ako at walang taping si Dingdong, nagpupunta siya sa set or minsan naman, nagkikita at nag-uusap kami sa taping namin for Anna Karenina. 

“Actually, du’n na nga lang sana makikita ng mga fans namin ang tandem namin ni Dingdong, pero ipinagdadamot pa rin 'yun ng Viva, kasi palaging maliit lang ang exposures naming dalawa rito as loveteam, pero okey lang."

How true na galit na rin ang mga fans nila ni Dingdong kay Wendell dahil ang bagong ka-loveteam daw niya ang humahadlang sa tandem nila ni Dingdong. Ano bang reaksyon dito ni Antoinette?

“It’s not true ‘coz I told them na hindi naman kami magka-loveteam ni Wendell.

“Actually, accident lang talaga ang lahat ng mga nangyayaring ito. Hindi ito plinano or sinadya.

“Saka, alam ng mga fans namin ni Dingdong kung gaano ko kamahal ang tandem namin, kaya hindi sila magre-react ng ganyan.

“Nakakahiya kay Wendell kung palalabasin nilang hadlang ‘yung tao sa loveteam namln ni Dingdong gayung wala naman siyang masamang ginagawa sa tandem namin ni Dingdong.

“Bakit sinira ba ni Wendell ang loveteam namin ni Dingdong? Hindi naman, ‘di ba? So please, spare Wendell sa isyung ganyan dahil nakakahiya sa kanya,’ ang tsika pa ng kaharap namin.

 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1