Super Gossip by Joey Sarmiento
Teen Movie Magazine No. 1387 April 04, 2000

For the first time ay nagkasama sa isang programa sina ANTOINETE TAUS, WENDELL RAMOS, ASSUNTA DE ROSSI, GABBY EIGENMANN at JOMARJ YLLANA through GMA 7’s Tago Ka Na!

Sa kanilang first taping day ay nagkakailangan pa ang mga bagets pero dahil sa sunud-sunod na pagsasama-sama nila sa Subic para sa kanilang taping ay naging barkada tuloy ang lima.

Anyway, for Toni ay very excited siya sa seryeng ito dahil this time ay may pagkaseryoso ang takbo ng istorya nito.

Noon pa man ay type na ni Toni ang mga heavy drama kaya naman feel na feel niya ang kanyang karakter sa seryeng ito.

And for a change ay hindi si Dingdong Dantes ang kanyang ka-partner kundi si Wendell.

Okey ito para kay Toni at mas type nga niya ang magkaroon ng iba’t ibang leading man dahil ayaw din ruyang ma-identify masyado sa loveteam nila ni Dingdong.

She has nothing against Dingdong pero Toni prefers to have a different leading man para lalong mag-grow ang kanyang career as an actress.

Kung kami ang tatanungin, mas maganda nga ang gano’n para kapag dumating ang time na mag-mature ang loveteam nila ni Dingdong, e, hindi na mahihirapan ang mga fans na tanggapin ang iba’t ibang kapareha ni Toni.


Magandang move naman ito for WENDELL RAMOS dahil noon pa man ay marami na ang nagkakainteres sa alagang ito ni Tito Douglas Quijano.

Siguro nga Wendell found the right timing nang napasama siya sa cast ng Tago Ka Na! na siguradong ipo-promote nang husto ng GMA-7.

Pang-matinee idol ang dating ni Wendell pero hindi niya ito masyadong nagamit dahil medyo na-typecast siya sa pagko-comedy dahil sa kanyang inclusion sa Bubble Gang at dahil sa kanyang pagiging regular sa now-defunct Ooops!

Mabuti na lang at na-realize ng mga taga-GMA-7 na puwede nilang gamitin si Wendell sa kanilang mga drama series kaya malaking break ang kanilang ibinigay sa simpatikong bagets na ito.

Matagal na naming kaibigan si Wendell at alam iiaming matiyaga ang batang ito kaya isa kami sa mga taong masaya para sa kanya dahil sa break na ito!

 

Hosted by www.Geocities.ws

1