INANG

Wrritten June 21, 1990 CLSU

31st poem written since December 1987

Back

Sa bawat luha mo Inang at pawis na pumatak

Nais mo'y maibsan man lang

Kahit na kakarampot na ulap

Na pinupunduhan ng ulan.

Nang ialis mo ako sa sinapupunan mo

Upang ilagay sa lalong malambot na kandungan

At iduyan ng mga kudlit mong pangarap

Nahawi ang pangamba mo sa unos sa laot.

Nangarap ka Inang

Na kahit 'san sandali ng buhay mo

Makita ang ginhawang hatid ng supling

Na kahit isang guhit na hibla ng ligaya

Ay ipadama ko ang pagmamahal na

Gaya ng pagmamahal mo sa 'kin.

Pinilit kong gawin iyon

Ngunit hindi sa ibig mong anak ng iisang ina

Kundi anak ngmaraming magulang

Na tulad mo rin, kapos sa pagmamahal

Ng kahit ng kaisa-isang magandang pangarap

Na gaya ng pangarap mo.

Nakita ko sa iyo ang buhos-loob

Na paghahandog ng buhay sa akin

Mahal na mahal mo nga ako

At mahal na mahal naman kita

Dahil nakikita ko sa iyo

Ang mga tulad mong nangangarap din

Para sa maaliwalas na bukas

(kung di man sa akin o di man sa atin

sa mga tulad natin.

Kung minsan naitatanong ko

Ang sukatan ng isang mabuting anak

Kung minsan naguguluhan ako

Sa pagkakaiba at pagkakapareho

Ng anak ng mgulang at anak-bayan

Bakit ako nag-aalinlangan.

Minsan, kinaiinggitan kita Inang

Ako lang ang pangarap mo,

Samantalang ako nagangarap sa patay na ilaw

Na mangyayaring paghihirapan kong sindihan

Upang ibigay ang liwanag.

Bakit gano'n Inang

Magkatulad lamang tayo ng nasa

Subalit ayaw kang sindihan kata ang ilaw?

Ayaw kong matulad tayo

Sa gamo-gamo ng unang panahon

Na namatay ang anak

Nang hindi alam ng ina

Kung bakit lumapit sa darang ang bunso!

Kung bakit di niya alam -

Ah, alam ko, ayaw niyang intindihin

Ikaw ma'y gayundin

Nang isinisigaw ko

Ang rebolusyon!

March 2000

Hosted by www.Geocities.ws

1