(alay sa isang lumisan) Kung ang tanging maririnig ay ang halik ng alon sa dalampasigan Hayaan mong ligunin ng iyong isip Ang taong iyong nilisan, At di narinig ang iyong pamamaalam. Kung sa pag-ugong ng makina ng iyong kinalululanan Ikaw ay mabahala, Hayaan mong mapanatag, At ikaw ay magtiwala, Dahil sa pampang ay may umuusal ng iyong kaligtasan. At kung sandaling Bilog ang buwan At ang mga mata mo Ay nais nang umidlip, Hayaan mong gisingin ka Ng mga alaala, Bawat sabado ng gabi Ng inyong masasayang kuwentuhan. Kung sa gitna ng dagat Ay wala kang matanaw, Hayaan mong buklatin ng iyong diwa Ang bawat pahina ng nakalipas Noong naroon ka pa Sa kanyang paningin.