Sa paglipas ng panahon ay sadyang dumaratal, Itong kabiguan sa aking buhay, Hatid nito�y luha, dusa�t kapaghatian, Waring pasakit sa puso at panimdim sa isipan. Di ko masasabi kung saan ito dadako Sapagkat ang kapalaran ay sadyang mapaglaro, Maihahalintulad ko ito sa isang sintang lalayo, At masasabi ko na lang na sadyang, � Ako�y Bigo� Magkagayunman, ay sadyang napakasakit, Kung ang minamahal mo ang daranas nang pasakit, Kabiguan ang lagging maitatanim sa isip, At masasabi mo na lang, �O kapalaran sadyang kaylupit�. Sa bawat kong pangarap sa aking kamusmusan, Na sa aking pagsisikap ay abot-kamay ko na lang, Ngunit bakit sadyang aagawin niyong kabiguan? Na ang dulot sa buhay ko�y pawing pasakit lamang. Bakit nga kaya sadyang kaylupit ng tadhana, Na sa bawat ngiti ko�y kabalikat ang luha, At sa bawat kalungkutan ay may kasunod na tuwa Na tanging ang nagbigay ay ang Diyos na dakila. B. Naling