Sa gabing ito, magsusulat ako, Hindi nanag pakikibaka, Hindi tingkol sa paniniwala, Hindi para sa �king ama, Kundi ang malulungkot na linya, Na ang salita�y.. May sariling luha, At gusto kong magpahiram ng luksa. Kukumutan ko ng talinhaga, Animong kanina pa nakadapa, Panay ang patak ng luha, Kahit makailang pagkukunwa, Di maiwanang lungkot, Nanginginig sa pag-iisa Ang giniginaw na kaluluwa. Tahimik man ang dilim, Aamuin ko pa rin sa tula, Dahil �di nabibingi anf hangin, At huminto sa pag-indak ang bituin. Sinimulan ko ng sirain, Mundong binou natin, O baka ako lang? Mundong binalutan mo, ng kasinungalingan, Ksabay ng pangakong, Tayo lang.. hindi naman! Sa gabing ito magsusulat ako, Sa lahi ni Adan na , Saglit akong dinal sa ulap, At sa isang iglap, Binitiwan at hinayaang, Mahulog sa kawalan. Hubad na kaluluwa, Iyak ay pumailanlang� Sa gabing ito, magsusulat ako, Di gamit ang tintang pula, Di aalingawngaw ang litanya, Kundi para sa iba, Dahil sa gabibg ito, magsusulat ako, Nang mapait dulot ng hagupit, Lumatay sa aba kong puso. Sa masoyoung paghimlay, Nang malambot kong katawan, Sa mapag-anyaya mong, Nilalang banig ng kasinungalingan, Nilikha�y sanlibong sugat, Ikinumot mong matinik na rosas. Natuyot man ang labi , Sa paghintay ng pagdampi, Naudlot man ang pagniig, Sabik sa mga damdaming, Biglang nilamon ng pagkakataon. Magsusulat ako Para sa�yo, Sa gabing ito, Kahit malayo ka�t, Patuloy na, Nag-iingay sa isip ko. At sa gabing ito, Magsusulat ako, Para sa iba naman, Sa minsan kong minahal, Na ngayo�y hanada namang� Magpagaops sa iba! Alay sa minsang kaibigan, aksidenteng minahal at mananatiling kaibigan� Kay Marco Emmylou