Mahirap gumawa ng salitang makata Kahit nais kong mahinula lahat ng tula, Mahirap mag-isip ng slaitang mahiwaga, Kailangang damhin bawat damdamin at diwa, Mahirap maging masaya kapag malungkot, di ba? Kahit masakit, ngingiti di naman maligaya.. Malalim ang pinagmulan ng bawat luha, Bawat patak may dahilang nagmula sa mata. Masalimuot na isipang lumilipad mula sa lupa, Bumaba mula sa langit ng emosyon at salita, Pumatak na tinta sa papel ng ginhawa, Nagsimula sa maiksi at mababaw na letra Nagtapos sa isang tuldok mula sa panulat ng nagkukunwaring makata... Amaranth Rose