Noong una'y di ko talos kung ano 'tongpakiramdam; Naniniil sa dibdib sa tuwing ika'y mamasdan; Ngunit nang mabalitaan kongsayo'y naninita, Bakit ang puso ko ay nababaliw, natataranta. Doon ko pa napagtanto na ika'y akin ng mahal; Pinapangarap na balang araw ay maging kasintahan; Ngunit kung ang pangyayari para sa'yong kabutian; Nitong puso kong aba ay sapat ng maunawaan. Kaya nga binalewala ko na itong pakiramdam; Sakali balang araw ikaw ri'y makalimutan; Ipinagpasa-Diyos ko't ipinalangin na lamang; Isang tamang lalaki ang sana'y iyong maibigan. Ngunit hindi ko maitatatwa itong isang realidad; Na ako'y sumusunod pa rin sa iyong mga yapak, Yaong iyong galaw ay aking tinutunghayan, Sa ibang Adan pagseselos ay di maiwasan. Kaya ang saya ko pa ng aking mabalitaan, Ang nanghihinuyo sa iyo ay iyong inayawan, Sa aking puso ay para bang may nagsasabi, Pagdadalawang isip mo ngayon ay iisantabi. Pagdaka'y pin'lano ko na, itong aking ihahakbang, Nang upang iyong mga kamay ay akin ng makamtan, Ngunit sa di inaasaha'y napakinggan na lamang; May isang Adonis na namang sa iyo'y nanliligaw. Inis pati galit ang naramdaman ko sa sarili, Kung bakit napakabagal at pakupadkupad kasi Ang isa pa'y ang paglalaho ng buo kong pag-asa, Pagkat ang Ada'y kaibigan ko at lubhang kaayaya. Sa inulit na pangyayari'y binalewala na naman, Ang mahalaga'y napapunta s'ya sa aking kaibigan, Ngunit di ko maitatwa ang aking nararamdaman, Sa puso ko'y mayroon pang sakit, kirot at agam-agam. Ngunit kanila mang sabihing mahina akong tao, Pakikidagma sa pag-ibig ay iniiwasan ko, Ang mahalaga sa akin ay ang damdamin ng mahal ko, Kung maligaya siya ganundin naman ang puso ko. Hanggang ngayo'y naghihintay ako ng pagkakataon, Na hidi ko malaman kung saan ito naroon, Sayang na pag-ibig unang sibol pa naman, Kahit konting pagkakataon di man lang napagbigyan. Pio S. Padaplis