Ayoko ng maging ako
Pagkat ang maging ako ay hindi ako
Pagkat ako ay malayo sa tunay na ako
Pagkat ako ay isan balatkayo.

Ayoko ng maging ako
Kabaliwan ang maging ako
Katangahan ang taglaying maging ako
Di nagmamahal... manhid daw ako.

Ayoko ng maging ako
Nais kong taglayin ang katangian mo
Inasam kong yakapin ang pagmamahal mo
Subalit ako ay hind ikaw...Ikaw hindi ako.

Kabaliwan ngang maging ako
Ayoko ng maging ako
Nais ko ng alisin ang mascara
Ipakita ang tunay na ako...

Hindi mo ba alam kun sino ako?
Ako ay si Ako na Nga...

elle sheer
Hosted by www.Geocities.ws

1