Sa bawat pahina ng iyong kuwadernong tangan, Ay doon mababanaagan ang mga tulang hinabi, Sa pamamagitan ng plumang kaakibat ay pawis At dugo ang naging puhunan. Sa bawat titik na inilalapat sa bawat salita, Ay doon mararamdaman na sya�y buhay, Ang bawat saknong ay nag-iiwan ng pag-asa, Pagkat luha ang nagdilig sa kanya, At ang bawat taludtod ay naghahabilin ng pakikiisa, Sa bayang nagsusumamo ng iyong pagsinta. At sa bawat tuldok na masisilayan, Ay di laging nagbabadya ng isang katapusan, Manapay ito ang pasimula ng digmaan, Ang hudyat ng pagkakagising ng �yong kamalayan, At ang muling pagindayog, Ng makapangyarihang kamay ng isang manunulat. elle sheer