Ang Ramos ay ikalimang munisipalidad sa probinsya ng Tarlac. Ayon sa isang sensus na isinagawa noong taong 2010 ng NSO, ang kabuuang bilang ng populasyon nito ay 20,249 at binubuo ng 9 na barrangay; ang Coral-Iloco, Guiteb, Pance, Pob. Center, Pob. North, Pob. South, San Juan, San Raymundo at Toledo. Ang pangunahing produktong pang-agrikultural sa lugar na ito ay mais, palay at mga gulay. Ang kasalukuyang namumuno sa lugar na ito ay si Ginoong Diosdado Reginaldo. Ang lugar ding ito ay binubuo ng isang plasa na katabi ng istasyon ng pulis, at auditorium, sementeryo, ilang resorts at 8 paaralan; 7 elementarya at 1 paaralan ng hayskul at ang Ramos National High School.

    Ito ay unang itinayo noong 1967 sa pagtutulungan ng komunidad at mabubuting opisyal ng naturang lugar. Ang paaralang ito rin ay nabuo na ang layunin ay upang magbigay ng kalidad na edukasyon sa murang halaga sa lahat ng mga kabataan sa Ramos maging sa mga karatig lugar nito. Noong una, ang paaralang ito ay nagsimula ng 96 na bilang ng mag-aaral at nagsimula sa ilalalim ng munisipyo ng Ramos. Ngunit pagdating ng 1969 sa pagtutulungan ng mga mabubuting tao sa pangalan nina Gloria E. Estero, Rolando P. Madriaga, Corazon Estero, Vicenta Pacheco at Edgardo Manlapig at sa panunungkulan ni G. Antonio Capinpin ang District Supervisor ng Ramos at bilang ang Officer-in-Charge ng Barrangay High School nakuha nito ang 1.5 na kabuunang hektarya ng lupain na siyang permanente na nitong kinalalagyan. Kaya naman sa pagdating ng taong 1970 natanggap nito ang kaniyang unang bunga ng pagsusumikap.

    Sa kasalukuyan ito ay 46 na taong gulang na simula nang siya ay ipatayo at kasalukuyan ito pinamumunuan ng mabuti at aktibong punong-gurong si Dr. Noel D. Palgue na isa ring dating guro ng naturang paaralan. Sa kasalukuyan ito ay may kabuuang populasyon na 1128, binubuo rin ito ng 23 seksyon na tinuturuan ng 39 mga guro. Nagtataglay rin ito ng mga gusali para sa NDEP, clinic, dalawampu�t isang silid na ginagamit ng mga mag-aaral at dalawa sa mga ito ay computer lab na binubuo ng 100 mga gumaganang mga kompyuter, dalawang school canteen, isang stage, dalawang guard house, isang publication office, isang museo at isang silid-aklatan at ang opisina.