Ang Opening Finale
ni Wally Gonzales

ni Tandang Soria

 


 

 

Wally's Blues (197_?). Ito marahil ang kauna-unahang electric guitar sonata ng isang Pilipino, kung kaya't ginawa ito ng may-akda na kanyang huli. Sapat ang pag-exploit ng WB sa mga orgasmic na posibilidad na kaya ng blue notes sa rock beat at sa delays, feedback, echo, atbp. na virtues ng nabanggit na instrumento. Ang mga kamakailan lang na electric guitar etudes ng mga Pinoy tulad ng "I Need Sleep" ng Triaxis o ng "A Christmas Prayer" ni Noli Aurillo ay mas Jeff Beck o Joe Satriani kung itatabi sa Jim Page ni Gonzales. Gayunpaman, maaari ba akong manawagan para sa isang antolohiyang proyektong instrumental na papalooban ng mga naglalakihang pangalan sa electric guitar sa 'Pinas? Nararapat lamang na isama rito ang "Wally's Blues" bilang magbubukas ng koleksyon o di kaya'y magsasara. Maliban na lamang kung magkakaroon ng pangalawang volume na me mga bagong discoveries: si Noli Aurillo pa lang ay makakakita na ng mga karapatdapat na mga bagong pangalan sa sarili niyang lungsod ng Tacloban tulad nina Rex Makabenta, Jean-Paul Verona ng Piyesa, at Joey Geroca ng Groupies' Panciteria. (4/04)

 

balik sa index ng paboritong Pinoy songs/albums ni Tanda

 

 


 


Karapatang-ari © 2004 Jojo Soria de Veyra. Reserbado lahat ng karapatan.

Hosted by www.Geocities.ws

1