ni Tandang Soria
![]()
TATLONG AWITIN (198_?)
Ilagay Mo, Kid. Kalimutan mong ang Village People nung 1980s na inunggoy ng Hagibis ni Mike Hanopol para sa entertainment scene ng Pilipinas ay mga bakla sa Greenwich Village, New York City, USA. Unless gay ka. Kung hindi, ituring mo na lang ang Hagibis bilang isang barkada sa Maynila na may masasabi nating napaka-Pilipino (napaka-Italyano at napaka-Irish?) na mga standards para sa isang macho barkada-establishment,. Ang mga standards o sukatan na ito ay naka-enumerate sa piyesang ito.Legs. Ngayon, pasukin natin ang barkadang ito. Sa katunayan, baliktad ang nangyari noong '80s -- ang Hagibis ang naging barkada ng lahat -- dahil ang bandang 'to ay lumikha ng mga awiting gagamitin sa mga salu-salo ng barkada, at ito noong panahong ang ibig sabihin ng sing-along ay ang pagpalibot lamang ng lasing na barkada sa kanilang gitarista, hawak ang nag-iisang "Song Hits" na booklet.
At tuwing kinakanta o pinapakinggan ang Legs, nasa larawan ng subconscious ang sumasayaw na kababaihan ng barangay o di kaya ng campus. Ang value na nakita ko sa Legs bilang isang macho erotica ay nasa paggamit nito, dahil naiiba sa American o Brit erotica ng mga puting rockers na naririnig sa FM radio at umaawit tungkol sa mga blonde nilang crushes na naka-boots at naglalakad sa isang abenida sa LA o New York, ang Legs ay nagbigay sa lokal na machong imahinasyon ng mga Filipinang itim ang buhok at nakapalda (mini o hindi) na uso sa lungsod, o di kaya naka-tight jeans sa brand na laganap, at nagawa ito nang wala man lang itinulak na salita ng racial description.Katawan. Sa nakatatawang kantang ito naman ay me ganun ding epekto sa ating mga machong mga alaala tulad ng nangyari sa Legs. Ipagpaliban mo nga lang ang kapalaluan ng salbaheng mga linyang ang sabi'y "lumalabas ang aming pagkalalaki/ 'pag mayroong magagandang mga babae". Kapansin-pansin na natalo nito ang linyang "mga babaeng nag-gagandahan" ng Hotdog, dahil dito nag-zoom out tayo upang makakita ng full-body shots. Me lumabas na Pinoy-lipunan na consciousness sa disclaimer o kasinungalingan ng linyang "kaming lahat ay binata pa naman", at ang bridge line na sabi'y "Ingatan ang inyong katawan" ay napaka-'80s: umuso ang aerobics sa Maynila! (4/04)
balik sa index ng mga paboritong Pinoy songs/albums ni Tanda
![]()
Karapatang-ari © 2004 Jojo Soria de Veyra. Reserbado lahat ng karapatan.