The band is composed of 5 guys: Alphard,
Marvin, Jo, Floben, & Tedd. They play a kind of music that has a distinct
flavor of heaviness, little bit of heavy metal, alternative, funky, new
metal and nu wave elements. Ground Alpha
is currently unsigned but seeking major label
attention. more
[ :: Ground Alpha's
Gig Schedule :: ]
Apr 10
- Fluid Lounge
(Malate, Manila) Apr 13
- Kolumn Bar
(Quezon City) Apr 20
- Battle of The Bands
(PBCOM Tower, Makati City)
May 17
- Kolumn Bar
(Quezon City) May 25
- Philip N' Perry's
(Manila)
May 29
- Fluid Lounge
(Malate, Manila)
:: Rock On! 15/ Mar 26, 2007
Isa nanamang gabing puno ng rakrakan nang ipagdiwang ng Irate Nymphs
Productions ang kanilang Ika-3 Anibersaryo noong March 16, 2007 sa
Kolumn Bar. Pinaka-maagang dumating sa grupo ay ang vocalist na si Marvin.
Mga 1:00 AM pa ang set ng Ground Alpha ngunit 8:30 PM pa lang ay
nandun na sya. Syempre hindi lang puro musika ang meron sa gabing yun.
Hindi mawawala ang beer drinking contest at kung anu-ano pang mga pakulo
ng Irate Nymphs. Kasama ng Ground Alpha ang ibang malulupit
na banda gaya ng Sushi box na regular ng Irate Nymphs, ang bandang
Dreadlocks na napaka-bigat ng tugtugan, ang bandang DNA na
galing pa sa bansang Australia, at marami pang iba. Huli man tumugtog ang
Ground Alpha ay madami pa rin tao. Kahit antok na ang mga miyembro
ng banda ay hindi nawala ang energy at hindi nabawasan ang intensity. Sana
ay maging bahagi parin ang Ground Alpha sa mga susunod na gigs ng
Irate Nymphs. Abangan ang Rock On! 16.
:: First TV Guesting/ Mar 26, 2007
Exicted ang mga miyembro ng Ground Alpha dahil first time nilang
makakapag-guest sa morning show na Breakfast ng Studio 23.
Kilala ang Breakfast dahil lagi silang nagf-feature ng indie bands.
Nung una ay wala pang gana tumugtog ang banda dahil mga antok pa sila.
Salamat na lang sa mga kaibigan nilang nagt-text habang nanonood sa kanila.
Dahil dun nakapag-adjust ang banda. Halos dumugo ang ilong ng mga tao
pagdating ng interview dahil sa english ni Marvin. Dahil undertime ang
show nabigyan pa ng isang pagkakataon ang banda na makapagpakitang gilas
ng i-request na tumugtog uli sila ng isa pang kanta. Tuwang-tuwa sila
dahil maayos naman ang pakikitungo sa kanila ng mga staff at ng mga hosts.
Target ng banda na makatugtog sa Wazzup Wazzup kapag naging ok na ang
kanilang air rplay.
:: Ground Alpha at the Araneta Coliseum/ Mar 26, 2007
Isa ang Ground Alpha sa mga bandang tumugtog sa Smart Buddy event
na ginanap sa Araneta noong March 10, 2007. Akala ng banda ay sa loob sila
ng Araneta tutugtog... Sa parking lot lang pala... Hehehe. At least
Araneta pa rin. Kasama ng Ground Alpha ang mga sikat na banda
gaya ng Hale, Itchyworms, 6Cyclemind, Proteinshake,
at marami pang iba. Ang event na ito ay dinaluhan din ng mga sikat na
artista gaya ni Dennis Trillo at Angel Locsin na nasa
harapan lang namin habang nags-setup kami sa stage. WOW! Naging maayos
naman at masaya ang set ng Ground Alpha. Pagkatapos ng masayang
tugtugan ay nanood na lang sila ng 300 sa Gateway Mall. Ayuz!!! Sa
mga hindi pa nakakapanood ng 300, manood na kayo.