PALENGKE



        Marami. Maingay. Mabilis. Magulo. Mga tao. May tumatakbo. Naglalakad. Sumisigaw. Tumatawa. May umiiyak. Bata, matanda, payat, mataba, kalbo, pandak, negro, bulag, pipi, bingi, bungi, pilay... lahat ng uri ng tao � nasa iisang lugar.

        Mayroong ngayon lang nagawi sa lugar na �to. Dumadaan lang. Meron ding dati na dito. Dito na lumaki�t nagka-isip, dito na nabubuhay at marahil ay dito na rin papanaw.

        May ilan sa kanila ang magkakakilala. Magkakaibigan pa marahil ang iba. Meron ding ilang ulit ng nagkabanggaan pero �di pa rin magkakakilala. Di pa rin magkatagpo. Pilit pinaglalayo. Inilalapit sa iba. May pilit na lumilimot kahit na hindi naman dapat. May sumusuko kahit dapat pang lumaban. May naguguluhan dala ng mabibigat na suliranin. May pilit na nagpapakatatag para sa mga walang malasakit. May gumuguhong pangarap dahil �di dapat. May nabubuong daan para sa may ipinaglalaban at may katwiran. Mayroong lumiligaya pero mas marami ang nagdurusa. Hindi dahil iyon ang dapat mangyari kundi dahil iyon ang binibigyan nila ng katuparan. Iyon ang daan na pinili nilang tahakin. Mahirap, pero magwawakas din ang lahat ng iyon. Lahat ng bagay ay nagbabago � lahat ay maaaring magbago... anumang oras.

       Pumikit ka. Iba ang totoo sa mga bagay na ilusyon lamang.

       Gumising ka na. GUMISING KA NA. Hindi lahat ng bagay ay natututuhan. May mga bagay na matagal mo ng alam, pinipili mo lang na iwasan.

       �Bakit?�

       Tumigil ka na sa paniniwala mong �yan.

       �Bakit mo ginagawa �to? ANG LAHAT NG ITO...

*********************************


       Nagising na ang diwa ko pero patuloy ko pa ring nasisilayan ang palengkeng ito... na sa wari ko�y kailanma�y di na maaaring maglaho...



Hosted by www.Geocities.ws

1