About this layout
Pang-apat na palit ko na ng layout! Naisip ko lang, ang labo.. Gusto kong matupad ang #3 kaya ito na lang muna. Waha.. Puro anime yung mga layout ko. Pasensya, eh yun ang mga madaling hanapin na layout eh.. Ayokong gumawa. Matrabaho. Pasalamat ka, Panlaqs at pansamantala kong iiwan ang kulay pink sa blog ko. Alam na siguro ng mga tao kung bakit.. As usual, My Sassy music na naman 'yung background. Sori ang plain. Hindi nagwo-work 'yung javascript eh. Leche. Walang kwenta. Kaya gusto kong maging programmer eh. Hindi ko makita kung ano ang gusto ko.Anyway, para sa mga tao, katulad ni Yngy, yung tagboard ko ay nasa baba. Thanks sa lahat! Waha. Hindi ko na nga pala lalagyan ng password 'tong blog ko. Bayaan ko na nga. Kahit na sinong magbabasa, wala na akong pakialam dun. Balak ko na namang mag-iba ng layout.
Blog Entry 09
Ayan! Safe ako ngayon magcomputer dahil walang tao. Bad trip talaga kagabi.. Buti naman at ayos na ako ngayon.
HAPPY BIRTHDAY NGA PALA KAY MUSNIT! :D Yahu! Inuman naman dyan! Waha.
Ayan.. Ayos na ako.. Day 6 na ngayon.. Matagal-tagal na rin akong nag-iisip. Sabi ko nga kay Ynga, pababayaan ko na ang panahon na ang magdecide kung mananatili akong ganito. Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari kaya mahirap magsalita ng tapos. Oh well, since parang na-inspire na naman ako, ang inyong frustrated writer, na sumulat na naman ng tula kagabi ay meron na naman akong ipapabasa sa inyo. Hindi ito in-inspire ng mga totoong pangyayari, kundi ng isipan kong tuliro. Wala lang 'to pero gusto ko lang i-share.. Waha. Takpan ang mga mata ng mga ayaw magbasa ng mga tulang walang kwenta.. :D Una ko 'tong tula na walang tugma na isunulat ko sa wikang Ingles.. :D
DAZED
I'm walking out this door now.
I'm trying to find my way.
I'm still confused but I have to go.
I'm looking for nobody.
I'm searching for the middle of nowhere.
Can you help me?
Can you just stay with me?
I guess not.
You're walking out of this door now.
You're trying to find your way.
You're confused but you also have to go.
You're looking for nobody.
You're searching for the middle of nowhere.
There seems to be no problem but...
We aren't walking out of the same door.
We aren't trying to find the same way.
Yes, we are both confused and we have to go.
But we aren't looking for the same nobody
Nor the same middle of nowhere.
Wahahahahaha! Ganito talaga ako kapag walang magawa. Next time naman magse-share ako ng prose poetry.. Oh well, wala talagang magawa. Sa ngayon, ang gagawin ko muna ay sabihin na kay Liz ang #1-3. Hay, this is the perfect moment. Nyek.. (side comments: Shet, naku, Ynga! Ang gwapo ni Won Bin.. Maghapon na naman akong nanood ng Arirang TV.. Nanood ako ng Showbiz Extra.. Charlene.. Ang gwapooooo ni Vic! Grabe na.. Mas gwapo siya ngayon, ha! Ang hot pa niya.. Wahahaha.. Term yun ni Gene! Nakita mo na ba ang fleshyF4?! Hmm..) So ayan! Balik tayo sa #1-3.. Ganito kasi yun.. Wag mo akong sasampalin, ha! Alam mo namang never akong nagsisikreto sayo.. Kasi kay Ynga ako unang nagkaron ng consultation.. Ang nangyari, sabi niya sakin, (Eto pa nga ang mga reply niya, o! Kinopya ko pa.. Waha.. Sori pero kelangan ko ilagay ang references para maniwala na 'to saken..)
(1)hwaaaaaaat?! cnabi mo?? kagad?? dpat hnintay mo... kng talagang crush m nga o bka panandalian lang!φ pano yan, sis pa naman kayo! hee! pero k lng un pag tlgang
[sender: dr.love date: 21-Mar-2004 time: 09:34:11]
(2)friends kau at ndi maggng akward ang relationship nyo! heee.ά ano sbe ni liz??
[sender: dr.love date: 21-Mar-2004 time: 09:34:52]
(3)ano k b?ά mahhya sken?? waheeά okay lang un, bsta hntayn m lang c liz, wag kang mapilit.. ά eh pano yan, mukang ang tao sa puso ni liz ay c japoy lng?ά
[sender: dr.love date: 21-Mar-2004 time: 09:40:01]
(4)... fast forward na natin.. hindi kasi related sa topic..
waha..
3 pwede results nyan! 1, stay friends,
[sender: dr.love date: 21-Mar-2004 time: 09:46:42]
(5) 2, maiilang sya sau (sna ndi mangyari!) at 3, MAGGNG KAU!! ά wish tayong lahat na mangyari ang number 3 sating lahat!ά nko. pagdarasal kita!ά cno guy?!
[sender: dr.love date: 21-Mar-2004 time: 09:48:23]
Wahahahaha.. Hay nako.. Pati ba naman ang mga bagay na yan kelangan pang malaman?! Pero since wala nga akong itinatago sa kapatid ko, ayan na po! Pakshet. Pagpasensyahan mo na ako. Baka naman lubusan mo na akong itakwil bilang kapatid niyan! Wenk. Anyway, gusto kong malaman kung anong feeling?! Hmm.. Ang weird siguro, baka kadire.. Oh well.. Sorry! :D I've decided na nga na pabayaan ko na lang muna.. Bahala na ang panahon.. Wenk.. Seryoso ako, ano bang feeling mo at nalaman mo bukod sa nakaka-heart attack?! Wala lang, napaisip lang ako.. Tapos pano kaya kung malalaman mo, niloloko lang pala kita, o! Hoy, hindi ko sinasabing ginagawa ko 'yun ha.. Sabi ko, pano kaya! (Defensive! Haha..) Hmm.. Marami namang nakakaalam na hindi ako nangloloko, no! At lampas 1 year (actually magtu-two years na..) na tayong magkapatid, lolokohin pa ba kita ngayong magkapatid na nga tayo?! Waha.. Wala lang.. Gusto ko lang malaman ang insights mo tungkol sa mga bagay na 'to.. Pero kung ayaw mong pag-usapan, fine!ά Okay lang! Haha.. Sige na.. Ayan, alam mo na.. Alam ko, nakakadire pero 'yan ang totoo eh.. May magagawa ba ako?! :D
Sa lahat ng nag-iiwan sa akin ng messages at nagbabasa ng blog ko, at pati na rin sa mga dr.love ko, THANK YOU! Nawa'y pagpalain kayo ng mabuting Panginoon!ά Miss ko na kayong lahat!
Oo nga pala, Qny, pano kita gagawan ng blog?! Anong gusto mo bang ichura, kulay o layout man lang?! Hmm.. Malamang green siguro, no?! Ano pang detalye?!
[03/25/04]
Blog Entry 08
Haha.. Sabi ko pa naman sa sarili ko, ilang days kong ia-isolate ang sarili ko sa computer. Hindi ko rin pala magagawa. Hindi ako nakatiis kaya eto, gabi na nga pero naglagay pa ako ng entry sa blog. Teka, sa mga maha-heart attack diyan, bayaan niyo na ako. Minsan lang naman ako magkaganito. Paiiralin ko muna ang aking alter ego.. Bwahahahahahaha! Ewan ko na lang kung matagalan niyo ang mga kabaliwan ko sa buhay. Pero hindi ako schizophrenic, ha! Mental disorder na 'yun eh.. May split personality ako pero hindi wala naman akong mental disorder, no! Grabe na 'yun..
Ayan, gusto ko kasing sagutin ang mga tanong sakin ni Pinky. Sana lang nagbabasa siya ng blog ko para hindi sayang, di ba?! Tanong kasi niya sakin kung bakit ko crush si Liz.. Aba, ayaw makuntento sa sagot ko. Sabi ko, ang ganda niya nung B.S.A.. Pero alam ko, hindi naman ako ganun kababaw. Ewan ko. Hindi ko nga masagot ng matino eh. Hinahanapan pa ako ng reason. Naisip ko lang, magsusulat na lang ako ng quotes para masagot ang mga katanungan na 'yan at pati na rin sa mga tanong mo sakin kung bakit ka nagkakaganyan tungkol kay.. (Alam mo na 'yun)
QUOTES FOR THE DAY?! (Leche.. Ano bang sinasabi ko?!)
* We are often times confused with which to follow, heart or mind. They say that the heart is poor in making decisions yet they don't realize that there are many reasons of the heart that even the mind can't explain. (Sabi ko sa'yo, hindi ko ma-explain kung bakit eh.. Leche.. Magpaka-doctor love na rin ba?!)
* Pinky, para sa'yo 'to.. O para na rin sa iba.. Kung feeling niyo ay para nga sa'yo 'to: Never cling to a lost love for you can always find another. (Di ba, Ynga?!) To truly love is to find the courage to walk away and let the other one who wishes to be free, no matter how much it hurts. (Shet, saan ko ba 'to napagkukuha?!)
* You don't fall in love. Love simply happens. Everything you've got just goes out of control. Love is either be or not be there. But as long as it's there, you'll know. (Wala lang. Trip ko lang i-type. :D)
* It really hurts to fall in love with a friend. (Ehem.. Kadire, ang pathetic ko na naman!) You keep on holding your feelings and avoiding it as much as you can till you cry your heart out of fear of losing a friend and a love you never really had. (Pucha, wag naman sana..)
* At sunrise, everything is luminous but not clear. You can love completely without complete understanding. (Isa pang sagot!)
* A lot of people asked me why I care for you. (Ehem..) And I answered back with a quiet smile. Not because I don't have an answer but because they would never understand.
Nako Pinky, as much as gusto kong sagutin ang mga katanungan mo, hindi ko rin maintindihan eh.. Hay nako.. Basta okay ka na, ha! :D May ise-share nga pala akong tula sa inyong lahat.. Para sa mga taong umiibig.. :D Hindi ko ito ginawa pero, para sa inyo na rin 'tong lahat!
EMPTY
For once,
Someone has opened my heart again.
But I've never thought that it is just friendship
That is keeping it alive
There really isn't magic
For still I feel
Empty inside.
Hoy, sa nagbabasa nito, wala akong pinatutungkulan niyang tula na 'yan ha! Wala. Gusto ko lang na magpakasiguro kayo sa mga nararamdaman niyo, okay?!
Sa ngayon, hindi rin naman naaLIZ sa isipan ko si Liz.. Day 5 na.. Oh no! Kasi naman kagabi, tumawag si Ochie, nabanggit ang pangalan niya. Tapos nung nanonood ako ng TV, nabanggit ang Lizzie, eh 'di nilipat ko ng channel. Maghapon na lang ako nanood ng Arirang TV para safe! Alam mo ba Ynga, may napanood ako nung lunch na nakahubad na mga Koreano?! Maganda naman 'yung story kasi love story pero 'yun nga lang, nagulat naman ako at bigla na lang may nakahubad eh hello?! Tanghaling tapat nun! Wahahaha.. Ayun.. Nung 4:00 na, nilipat ko sa GMA 7, Love Storm! Grabeeeee.. Ang gwapo ni Vic.. Shet, Charlene! Ang gwapoooooo! So ayun nga, maya-maya, ang dami kong nakitang pink, di ba?! Eh kasi favorite color nung lead na babae, pink. Nyek, favorite color ni Liz. Oh well, nanuod pa rin ako. Pag-uwi naman ng nanay ko, nagtext daw di Gene! Hayy.. Ayaw talaga akong tantanan. Sabi ko pa naman, hindi ako mag-iinternet para makaiwas muna ng panandalian sa bombardment saken ng mga bagay na nakakapagpaalala kay Liz, eh wala ring nangyari. So ayun nga, tinext ako ni Gene about dun.. Hay nakoooo.. Hahaha. Nakakatawa. :D
Ui, Liz, sa next blog entry ko na lang sa'yo sasabihin ang #1-3.. Masyado na 'tong mahaba. Pero don't worry, #1 lang ang nasa isip ko, ha! Kay Ynga na lang ang #3 dahil grabe na 'yun. Baka masampal mo pa ako 'pag ginawa ko 'yun. Wahahaha.. Wag kang maha-heart attack, ha! Be ready na lang.. Yngat!
Sa lahat ng nakakausap ko 'tungkol sa mga bagay na 'to, SALAMAT TALAGA! HINDI KO KAYO MALILIMUTAN! MAHAL KO KAYONG LAHAT! YNGAT! :D
Oo nga pala, bago ko makalimutan, Qny! Yung blog mo, pano ko gagawin?! Ano bang gusto mo?! Mga detalye po.. Thanks! :D
Nga pala kahapon, hindi ko makakalimutan! Pucha.. Muntik nang ma-virus 'tong computer.. Ang weird nga eh kasi bigla na lang nakakuha ng virus 'yung computer eh nagcha-chat lang naman ako.. Tapos, ayun! Buti na lang at gumagana ang anti-virus ng computer namin.. Lintik! Kung hindi, lagot ako sa mga tao rito samin.. Oh well, wala lang.. Kinabahan kasi talaga ako.. Ayun.. :D
[03/24/04]
Blog Entry 07
Maaga ako magsulat sa blog kaya hindi kumpleto ang mga nangyari kahapon. Grabe 'yung kahapon. Nasabi ko na ng harapan.. Sa chat nga lang.. Hindi ko naman 'yun masasabi ng diretso, no?! Ynga! Masaya na ako at hindi nangyari 'yung #2.. Sayang wala ka kahapon sa ym. Ka-chat namin sila Pinky at Musnit. Nakupo! Nanukso na naman ang mga 'yun. Nakakatawa pa kasi nung si Liz lang at Pinky 'yung magka-chat, tinanong daw niya kung may pag-asa ba daw ako at pinapatanong ko daw! Hindi ako ganun, no! Buti nga at magkapatid pa rin kami. Si Pinky talaga.. Kung anu-anong maisipan. :D Muntik ng ma-heart attack si Liz kahapon. (Hoy 'yung secret natin, ha! At nagpromise tayo sa isa't-isa.. Hmm.. Panindigan nating dalawa 'yun.. :D)
Ano pa ba?! Mahabang storya 'yung nangyari sa chat. Grabe. 'Di ko makalimutan. Ang pathetic ko na nga eh. Mukha na naman akong timang. Sabi pa saken ni Pinky, yakk daw mga sinabi ko.. Bakit?! Eh hindi na nga ako makapag-isip ng mabuti eh. Pero okay lang. Grabe. Buti nakayanan ko ng wala si Ynga! Kaya nga lang, dapat better 'yung approach ko.. Eh anong magagawa ko, hindi nga online si Ynga?! (Hmm.. Kung kelan ko siya sobrang kelangan eh.. :D) Pero ayos lang. Nung nakita kong online si Liz, buti naman at ayos ang ym nya, sabi ko, hindi ko na dapat palampasin 'yun. Sa tingin ko naman, medyo tama naman ang mga ginawa ko. Kaysa naman hindi niya alam. Mao-o.p. pa 'yun kapag nag-usap kami tungkol sa kanya. Kasi nga, hindi niya alam. Pero ngayong alam na niya, malamang lang, hindi na namin siya pag-uusapan. Di ba Liz?! Hoi babae, never kitang chinansingan ha! Buti nung lasing ka, hindi pa nun kasi hindi talaga kita aasikasuhin kung ganun na ko by that time. Ayoko. Hindi naman ako abuso, no?! Pero, hay nako.
Ynga! Hindi ko na hinahangad ang #3. Ayos lang kasi masama ang humingi ng sobra. Basta kung dumating, tatanggapin ko. Pero mahirap ang umasang mangyayari yun. Impossible na kasi. (Pero nothing is impossible kay God, di ba?! :D) Basta, ang gagawin ko na lang, patuloy ko pa ring ipagdarasal ang #3 mo. Para mangyari na sooner or later. Basta, gusto ko kasi masaya ka. Naalala ko tuloy si Musnit. Sana siya rin. Haha. Pinagdarasal ko rin kaya yun para mangyari sa kanya ang #3. :D Alam na ni Liz ang #2 pero hindi niya alam ang #1 at 3. Hahahaha. Ynga! Secret lang natin 'yun ha! Naku, masikreto na naman ako..
Liz, sana okay ka na talaga. Hmph.. Hindi mo naman sinasagot ang mga tanong ko eh.. Kelangan pang itanong ko ng detalyado. Nakakadire tuloy. Hahahaha. Inform mo na lang ako sa Nueva ha! Kasi naman.. Sana lang talaga malasing ako. Pero pustahan tayo, makakainom ka rin kahit anong pigil mo.. Hahaha..
Medyo kagigising ko pa lang at 'yun pa rin ang iniisip ko. Natapos na nga akong kumain ng pinakapaborito kong pagkain sa lahat 'yun pa rin ang iniisip ko.. (Grabe, sisig! The best. Haha. For breakfast 'yun, ha!) For several days, 'yun ang iniisip ko. Alam mo na yun. Alam niyo na yun. Ewan. Nakakatawa talaga 'yung chat. 'Di ko talaga makalimutan.
Ui, Tonie! Ano namang pumasok sa isip mo at naisipan mo akong tawagan?! Hindi ka rin aksaya, no?! Break niyo ba nun?! Bakit ang ingay?! Uooooy! Daming barx! Expected ko pa naman, makakarinig ako ng mga taong spokening dollar sa background! Wenk. Kayu-kayo lang pala 'yun.. Akala ko may mga kano sa paligid.. Hayy.. 'Di mo din ako ginulat, no?! Pasensya na at hindi ako madakdak kagabi.. Hehe.. Hinahanap mo pa naman ang pagkadakdak ko.. Preoccupied kasi ang utak ko eh.. (Grabe na! Binanggit mo pa saken si Liz.. Pero okay lang, hindi mo naman alam kung anong gumugulo sa munti kong isipan..) Teka.. Nabanggit mo lang rin, pano mo kilala si Liz?! Wala lang.. Pati ba naman ikaw, ipapaalala mo pa saken?! Oh well, pano ko maaalala eh 'yun nga ang nagpapagulo sa utak ko. (Hindi ko na ieexpound ha! Hehehe.. Alam ko namang psychic ka eh.. Hehe..) Alam mo, grabe, hindi talaga ako makapaniwalang ikaw 'yun.. Eh medyo bangag pa ako kasi medyo inaantok na ako, tapos tatawag pa. Pasaway! Hay.. Kung ano mang meron kagabi at maingay ang mga friends mo, i-hi mo na lang ako. Pakisabi na rin na pasensya at mukha akong timang kagabi. Hindi ako nagsasalita ng matino. (Haha. Kelan nga ba ako huling nagsalita ng matino?!) Ayun. Medyo chikang-chika sila, no?! Hayy.. Sorry, parang ang weird kasi ng mga sinasabi, hindi ko naman maintindihan. Hahaha. May pasok pa kayo. :P Grabe. Oo nga pala, ang elective ko ay painting! Naks! Hahaha. Feeling. Tinatanong mo nga pala ako kay Tanya, ano?! Hmm.. Taken na 'yun, sabi nga ni Pinky.. Papabayaan ko na 'yun.. Kung saan ba siya masaya, 'di ba?! Chaka matagal na 'yun. Iba naman ang gumugulo sa utak ko ngayon. Sige na.. Sana kwentuhan tayo. Kelan ka ba magcha-chat!? Bigay ko na lang 'yung # ng nanay ko sayo minsan. Leche! Walang kwenta 'yung cell ko, katulad ko na rin, may topak. Hayy.. Laging namamatay, bihira maka-recieve ng messages. Ang weird! (Tulad ng may ari) Oh well, sige na.. Ang sama mo, ha! Parang natatawa ka pa at mahaba ako magsulat sa blog! Buti nga 'yun eh.. Mina-maximize ko ang gamit ng blog. Puro kwento lang naman 'to sa mga tao. O sige na.. Mag-iingat kayo, ha! Magsalita ka naman sa tagboard ko! ('Langya 'to, pinagtatawanan pa ang mga terminolohiya ko.. Para namang hindi sanay na ganun na ako dati pa..)
[03/23/04]
Blog Entry 06
Natatawa ako sa mga nangyayari. (Dapat nga hindi eh.) Kasi ang dami ko na namang narealize. Tama ang sabi ni Ynga. Baka nga dahil sa ka-mushy-han kaya ako nagkaganito.. Nakakatawa. Binasa ko ulet lahat ng blog entries ko. At ano ang napagtanto ko?! Na.. Siya pala ang tao kung kanino ako parang pinaka-mushy.. Pakshet.. Ayoko nito.. Bawal.. Alam mo Ynga, tagal pa rin niya magreply. Naisip ko nga, tama ka rin dun sa sinabi mong baka nabasa niya, hindi niya lang matanggap. Nako, kung hindi na niya malaman na siya yon, ewan ko na lang.. Waha.. Baka matawa na naman ako.. Kasi mukha na naman akong timang.. Ano ba naman! :D Sana lang..
Hoy Gene! Pasensya na at hindi ako tumawag kagabi.. May nag-iinternet kasi eh.. Late na natapos.. Alam mo, sobrang nagko-contradict ang mga sinasabi ninyo ni Ynga. Oh well, susundin ko pa rin ang payo ni Ynga. Expert kasi eh.. Waha.. Kaya ikaw, ang payo ko rin sa'yo, magpakonsulta ka na kay Ynga! At sana tayong lahat ay magka-#3!
Sa lahat nga tao.. Salamat talaga.. Kung huhulaan niyo kung sino ang taong kinadedevelopan ko.. Ang dami nang clues! Wag sanang maging manhid.. :D heehee..
Uist, Liz! Sorry kung nabigla ka..
(Paigsi na yata ng paigsi ang entries ko ah! Madagdagan nga..)
Qny, salamat sa pagbanggit sa pangalan ko.. 'Yung sa email mo sa yahugrups.. Alam mo, miss na nga rin kita eh.. 'Yung animated mong kwento.. Haha.. Nakakatuwa ka talaga.. Bwitre talaga.. Sana block section na lang tayo. no?! Isa pa yan sa mga dapat ipag-pray natin!!!
Ale, nabasa ko rin 'yung email mo.. Special mention din ako.. Waha.. Thanks sa lahat.. Sa mga kwentuhan natin.. Hmm.. Sana maging close din tayo.. :D Basta, dito lang ako lagi..
Angge! Kung nababasa mo man 'tong blog ko o hindi, salamat talaga sa lahat! Pasensya na kung nabubwisit na kayo sa akin.. Patawad. At chaka nga pala, sana mas maging close din tayo, sobrang natutuwa rin kaya ako kapag nakikita ko ikaw. Kayo ng trisix ang nagpapasaya sa akin. Mahal ko kayo!!!
Ui Charlene! Miss ko na mga kwento mo.. Alam mo bang hindi ko pa rin nababasa 'yung fanfic na pinapabasa mo sakin?! Grabe na. Tagal na nun.. Hehe. Katawa talaga 'yung Meteor Fantasy Paradise! Naisip ko lang, saang lupalop naman ng Taiwan 'yun nakuha ng GMA7?! Ang weird kasi eh. Parang hindi naman yun nababanggit sa mga website tungkol sa F4.. (Napapaghalatang nagsu-surf pa rin tungkol dun.. Waha..) So ayun.. Kahapon nung ka-text ko si Gene, nakarinig ako ng start ng My Sassy Girl sa kapitbahay. Bwitre! Ano kaya yun.. Haha.. Shet! Concert na ni Vanness sa Saturday! Waha. Hindi naman ako manonood! Ui.. Post ka nga pala sa tagboard ko kung ano nang developments at ano nang ibang nagyayari sa yahugrups natin na Jihyun! Hindi ko na nabibisita eh.. Wala talaga akong kwentang moderator.. Nga pala.. tignan mo 'yung F4 na blog sa links ko..
FLASH REPORT: SA LAHAT NG MAGTATANGKANG TIGNAN ANG BLOG SA F4, WAG NYO NANG SUBUKAN KUNG HINDI KAYO BASTOS. THIS IS FOR MATURE PEOPLE ONLY. KUNG NAIISIP NYO NA AKO ANG GUMAWA NUN, ABA, KAYO'Y NAGKAKAMALI..
Balik tayo sa ating palatuntunan.. Sa lahat, susubukan kong ma-update 'tong blog ko sa much as possible.. Kasi naman, mabilis maubos ang internet card! Sana free na lang ang internet, no?! Kung mangyari man yon, ang kapalit naman non ay mataas na bill sa kuryente. Waha. At eye bags.. Hindi na ako matutulog kung free ang internet! Hopefully, mangyari yon.. Pero ang wish ko pa rin, #3! :D Pansin niyo ba, nung pink ang layout nito, pink rin ang suot ni Jeon ji Hyun?! At ngayong blue na ito, blue na rin ang suot niya?! Waha. Wala lang. Kadire. Pati ba naman 'yun kelangan i-match?!
[03/22/04]
Blog Entry 05
Hindi ko alam kung paano ko ide-describe 'tong araw na 'to. Grabe. Most memorable. Gusto kong magpasalamat sa Dr. Love ko, si Ynga! The best ka! Hay nako.. Di ba sabi ko sa inyo may taong kinadedevelopan na naman ako?! Pakshet! Bawal 'yun eh! Anyway, kaya ko pa namang pigilin eh.
Ynga! Don't forget to pray for our #3 ha! Heehee.. Sana lang talaga. Pero okay na sakin 'yung #1.. Basta ba huwag mangyari 'yung #2..
Kung 'di nyo lang alam, pasyente talaga ako nito ni Ynga. Sikreto lang. Kaya kung gusto niyong malaman ang mga ikinahihiya kong bagay tungkol sa lovelife, tanungin niyo kay Ynga. Ayos lang sakin basta ba hindi ako ang tatanungin niyo tungkol dyan. Nahihiya nga ako eh, di ba?!
Ano pa bang mga nangyari ngayon?! Hayop ang gastos ko sa text ngayon. Dahil nga tuliro.. Nako, lovelife talaga pahamak! Buong araw kong inisip.. Kung tama ba.. Pero kahit mali, narealize ko lang, wala namang mali sa umibig, ha! (Tangna! Ano bang mga pinagsasasabi ko?!) Actually kagabi ko pa nga 'yun iniisip eh. Pati sa simbahan ba naman, as in buong mass, pinagdarasal ko na mangyari sa ating lahat ang #3, Ynga! Kaya sa lahat ng nakakabasa nito, sana ipagdasal nating lahat na mangyari sa ating lahat ang #3.. Kung gusto niyong malaman kung ano yun, basta.. Para sa ikaliligaya nating yung lahat!
Ang entry ko ngayon ay puro Ynga! Bakit nga ba?! Hayy.. Grabe kasi 'tong si Ynga! Dedicated na Dr. love ko.. Waha..
May mga tula nga pala akong nagawa kanina lang.. Habang ako'y nagmumuni-muni.. Ang pathetic nito.. Pagpasensyahan niyo na.. Eh ito talaga nararamdaman ko eh.. (Tangna! Nakakahiya man itong mga tula, sayang naman kung walang makakabasang iba..)
TATLONG TULA
HINDI PWEDE magjacket pag summer, mainit
... ilagay ang kamay sa mouse trap, maiipit
... mag-isip ng mga bagay ng sabay-sabay, utak mo'y mamimilipit
... ipagpilitan ang mga bagay na mali, huwag nga akong makulit
DAHIL hindi ako nag-aral, malamang, bagsak sa Geom
...
ako'y sawi, dapat lang na uminom
... after lunch, natulog sa Chemistry
... sa mga ginagawa, sarili'y sinisisi
BAWAL ang magmura, pero ginagawa pa rin
... kunin ang pag-ibig (pakshet! kadire kung iisipin)
... nga kahit gulung-gulo ako sa sitwasyon ko
... at
hindi pwede dahil ____________ tayo.
(Waha. Hulaan niyo na lang kung ano 'yung nasa blank. Tangna! Hiya na ako sa mga kagaguhang ginagawa ko..) Eto pang isa..
SINONG TANGA?!
Ang tanga ko na naman
Leche, ako'y naguguluhan
Akala ko, tama ang ginawa ko
Pakshet. 'Eto na naman yata ako.
Bakit ba ang tanga ko?!
Lagi na akong nagkakaganito
Hindi na ako makapag-isip
Utak ko'y pabago-bago ng ihip.
Bigla na lang sasabihin
Mga bagay, hindi man lang sinasalamin
Pero bigla rin namang babawiin
Hindi alam ang gagawin.
Ang tanga ko, kailan ba ako titigil?!
Nararamdaman ko'y 'di masupil
Sana minsa'y kumilos ng marahan
Para hindi na magkaganyan.
(Putsa.. Meron pa akong isa.. Ang frustrated writer ko talaga, no?! Shet! Feeling makata na naman ako ngayon! Lol.. ANG PATHETIC KO.. ALAM KO!)
TANGA ANG BUWAN MINSAN
Pahirin mo'ng dugo sa mukha ng buwan
Kanyang pighati 'yong pakiramdaman
Dugo'y dumaloy ng ang Araw ay sundan
Kanyang paghihirap, 'di pansin ni minsan.
Kala ko'y pagod na ang buwan, hindi pala
Katapusan ng pagtitiis nito pala'y wala na
Laging dumarating pagkatapos ng Araw
'Di magkatagpo, 'di man lang makadalaw.
Kahit mali ang ginagawa ng buwan,
Ang pag-ibig niya sa Araw, 'di maiibsan.
Bigla ko namang naisip at natuklasan,
Tulad ko pala ang buwan, tanga kung minsan.
(Nakupo! Pagpasensyahan nyo na ako.. Ganito talaga ako pagnaga-gago! Bwiseeeettt.. Bakit ba ako nagkakaganito?! Hay.. Sige na.. Yngat na lang kayong lahat at huwag kayong tutulad sa akin, aiyt?! PASENSYA NA NGA PALA SA MGA TAONG HINDI MAKA-TAKE NG MGA MURA KO.. SORRY!)
[03/21/04]
Blog Entry 04
Ayan! Kakagising ko pa lang. Magko-comment lang naman ako sa mga nangyari sa B.S.A. nako ha! Ang daming nakapang-formal. Hay nako. Anyway..
Ang ganda-ganda ng kapatid ko kagabi ha! Nag-ayos talaga ang lokah! Buti naman at nakapag-pic sila nung crush niya na kilala naman siguro nating lahat. Ang ganda mo kapatid! Apir tayo dyan!
Si Ynga, ang most-awaited kong babae kagabi. Nako, paimportante, ha! Aba'y kinarir. Ang sexy mo, Ynga!
Si Maggie, parang fairy. As usual, ang ganda na naman sa kanya ng mga suot nya.
Si Gene, nakupo, anak! Ang bakla mo kumilos talaga. Haha. Pero infairness, ang payat mo talaga. Ang babae mo tignan.. Kaya lang.. :D
Si Angge at Dianne, nako halos pareho pa ng suot. Ang bait talaga ni Dianne, nanghatid pa. The best ka! Thank you!
Si Jec, uoooooy! Ang girlash! Infairness, ganda mo kagabi!
Si Vea, ang ganda! Todo gulat ako! (Pero walang tatalo kay Liz sa make-over. Grabe.)
Ayan. Puro trisix lang naman ang binigyan ko ng comment. Ang dami kong nakita eh. Hayy. Kulang pa rin ako sa tulog. Ayun. Mga babae, sa susunod na lang nating pagkikita. Trisix pa rin ako. Sana. Sa lahat ng textmates ko kagabi, salamat!
Ay.. Pakisabi lang rin sa akin sa Tagboard ko na tigilan ko na ang mga kagaguhang pumasok na naman sa utak ko at nararamdaman ko. Ayoko na nito. Please lang, tama na! May bago na naman akong napupusuan. Oh well, at least hindi ko pa siya talaga crush. Ayoko nga. Pakisabi sa akin na magpakabaet na ako. Hehe. Thank you! Chikang-chika pa ako, 'di ba?!
[03/20/04]
Blog Entry 03
Nung isang gabi, nag-inuman kami ng trisix. Grabe. Ang daming ang lakas ng tama. Marami naman din akong nainom pero wala rin. Hindi ako nalasing. Sabi kasi nila, nasa utak lang 'yun kapag nalasing ka. Meaning, kung malakas ang pag-iisip mo na hindi ka malalasing, hindi talaga. Kaya pala. Sabi ko kasi sa sarili ko, hinding-hindi ako malalasing.
Si Gene. Hindi ko makakalimutan kung paano malasing. Todo. Akala pa niya pasko kahapon. Haha. Okay lang, hindi naman ganoon katindi kasi kalmado naman siya. Ang malupit, si Liz.
Grabe 'to. Sobrang pinag-alala ako nitong kapatid kong 'to. Ako na ang sobrang umaasikaso dito. Naghuhurumentado na, ako pa rin. Kelangan niya ng tubig, bumili ako, nagyeyelo pa. Sabi niya sobrang init. Kinuskusan ko na nga siya ng yelo sa leeg, sa mukha at sa ulo, mainit pa rin daw. Itinapat ko na siya sa electric fan at inihiga sa sahig na nilatagan ko, mainit pa rin. Pinaypayan ko na, mainit pa rin daw. Natulog na nga sa lap ko eh. Tapos naninipa pa ng mga upuan. Humihiga sa sahig na natapunan ng beer. Mananampal pa raw. Ihinagis ang sandals. Ako pa rin ang nakapagpakalma rito. Nakkss. Haha. Sobrang nag-alala ako rito. Pati ang kaliit-liitan niyang sugat na ipinang-blood compact niya sa akin, nag-alala ako run. Ako pa ang umaalalay rito. Nako. Ganyan talaga ako. Sobrang ikamamatay ko ang mga kaibigan ko. Paano pa kaya kung may ka-on ako?! Waha. (subconscious mind: Nako, Liz.. Tayo na lang kaya?! Waha. Joke. Nakupo. Alam ko, magkapatid tayo! Wenk.)
Pati kay Pinky, nag-alala rin ako. Pero hindi kasing tindi kasi andun naman best friend nya, si Gege. The best 'tong maging best friend! Kaya nga best friend sila ni Pinky eh. Feeling ko kung wala si Gege, baka kung ano nang nagyari dun kay Pinky.
Ako ang nagpatulog kay Tanya. Wenk. Wala 'yun. Gawain lang 'yun ng mabuting kaibigan. The best ang mga taong kasama ko nung class night! Salamat sa mga naka-truth or dare ko ha!
Nakupo. Mamaya B.S.A. na! Hehe. Hindi na nga ako nakakain ng dinner kagabi kasi diretso na tulog ko. I slept for 15 hours straight. 1 hour and thirty minutes lang kasi ako nakatulog nung isang gabi. Tapos pagod pa ko kahapon. Yes! At last! Painting na rin ang aking elective. Buti naman at sa sobrang kawalan ng sistema ng school at sa pagka-bwiset ko sa lecheng school na nagpahirap sa akin ay maayos naman ang napuntahan kong elective. Todo. Pati ba naman sa pagpila sa elective ay ang aking butihing lasenggerang kapatid ang iniisip ko. Kasi naman baka kung mapaano pa si Liz eh hindi nga nakatulog ng maayos at sobrang lakas ng tama.
Balik B.S.A.. Nako! Bahala na. Ilang oras na lang at B.S.A. na! Kita-kits na lang tayong mga pupunta. At sa mga hindi, sayang! Nako, ang k.j. nyo. Kung hindi kayo pinayagan, ang k.j. naman ng mga magulang nyo! Hay nako, basta good luck na lang sa ating lahat, mga diyosa! Nako, ang gaganda ng mga tao mamaya! (subconcious mind: Nako! Tama na 'yan! Mati-tibo ka na dyan! Wenk. Inaantok pa ako.)
[03/19/04]
Blog Entry 02
As usual, eto pa rin. Hindi pa rin nag-aaral. Mas inuna ko pa 'tong blog. Hay nako. Eto na naman ako. Hindi marunong magprioritize. Pero mas okay na 'to. At least nailalabas ko na lahat ng gusto kong sabihin. Kahit panandalian lang. Kahit minsan lang. Kahit parang wala naman akong kausap kundi ang aking sarili.Salamat nga pala sa lahat ng mga taong nagbabasa nitong blog ko. Ewan ko ba kung anong sasabihin ko sainyo. Naalala ko tuloy yung sabi ko kay Angge kanina. Sabi ko, "Oy, walang magbabasa ng blog ko, ha! Akin lang 'yun." Natawa na lang ako sa loob-loob ko. Sabi ko daw kasi, basahin ninyo 'yung blog ko, tapos, sasabihin ko, wag. Ang labo ko talaga.
Kakatapos ko lang kumain ng mani (kailangan bang sabihin?!) at manood ng MTV Asia Awards. Actually, hindi ko na tinapos. Hinintay ko lang magperform si BoA tapos pinatay ko na 'yung TV at ito naman ang inatupag ko. Naalala ko lang. Sige, tutal sinimulan ko na ang drama sa blog, ipagpapatuloy ko na.
Ah, naalala ko si Jikki. Jikki, nasaan ka man, binabasa mo man ito sa kasalukuyan o hindi, salamat sa lahat. Sa pagsama mo sakin sa bahay nila Tanya after nung outreach natin. Pati na rin after practices. Grabe. Todo na. Sa lahat ng pangcha-chansing ko kasama kita. Wenk. Chansing ba yon? Waha. Sabi ako ng sabi ng past is past pero ako naman ang nagbabalik sa topic na 'yon. Anyway, hindi man ako maging seryoso sa pagsabi ng mga bagay na ipinagpapasalamat ko sa inyong lahat eh seryoso naman ang nararamdaman ko para sa inyo. Salamat talaga. Alam mo Jikki, kapag hina-hug mo ako, feeling ko nanay mo talaga ako eh. Wahehe. Kasi di ba, 'yung mga nanay sa mga anak lang nila nararamdaman ang fulfillment bilang isang ganap na babae. Ako naman, nararamdaman ko ang pagkakaibigan bilang isang ganap na tao. Hindi lang bilang trisix, kundi bilang ako. Kung sino talaga ako. Salamat sa pagpapahalaga sa akin.
Si Gene naman. Hay, hindi naman niya ito mababasa pero ipagpapatuloy ko na rin. Salamat sa lahat ng experiences ko with you. 'Yung mga bonding moments natin, hindi ko talaga 'yun malilimutan. Akala ko nga, hindi tayo makakapag-usap ng seryoso. Mali pala ako. Alam mo, sobrang narealize ko na isa ka sa mga taong hindi pa nadidiscover kung ano ka talaga. Salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon na makilala ka ng mabuti. Mali ang mga perception sa'yo ng ibang tao. May sense kang kausap and at the same time masaya. Salamat sa mga advice at pagko-comfort mo sakin na hindi alam ng mga tao. Nako, at least alam mo na ang ilang bahagi ng masikreto kong pagkatao. Ang dali kong nakakapag-open up sa'yo at nagpapasalamat ako sa'yo. Thanks sa pagiging mabuting anak. Keep up the good work, hindi lang sa academics kundi na rin sa lahat, sa lahat ng ginagawa mo upang mapaunlad mo pa ang iyong pagkatao. Salamat sa lahat. Good luck sa lovelife! Huwag tayong manatiling sawi! Smile lagi!
Actually, inaantok na ako. Itulog ko kaya?! Hmm.. Pucha. Naalala ko tuloy ang exams sa Wednesday. Chem ba naman at World History! Ano ba. Maawa naman sila sa atin. Sana man lang ay maging madali ang mga tanong. Ipasa-Diyos nating lahat ang ating mga gagawin. I love you, LORD! Grabe na itech. Ang holy ko na. Narealize ko lang, ang sama ko kasi sa kabila ng lahat ng ginawa ni Lord sa akin, naging atheist pa ako. Buti na lang, new born Christian na ako ulet. Wag naman sanang mangyaring muli iyon.
Excited na ako sa B.S.A! Kaya lang, sana huwag nang si "hottah-hottah" 'yung emcee. Sayang sa pera. Wag magagalit ang mga may crush don, ha. Sinasabi ko lang kung anong iniisip ko. Sana si ex-papa Franco Mabanta na lang. Yakk. Naging crush ko kaya 'yun noon. Nung unang commercial niya sa Coke. Wenk. Ang kulet kasi. Mahilig ako sa makulet.
Nako. Grabe na. Baka ma-crush-an ko pa si BoA. Kadire. Ayoko na. Jeon Ji-Hyun pa rin. Wenk. Maka-Koreana na ako?! Oh no. Sana man lang Koreano di ba?! Waha.
Wait lang, reply ako sa mga nag-iwan ng message sa tagboard.
Una, kay Kam since siya yung unang naglagay. Ayan! Ni-link na kita! Waha. Dami ko nang naging blog. Binabago ko, nade-deactive kasi hindi ko alam yung password. Nakakalimutan ko. Hehe. Anyway, thanks sa pag-iwan ng mensahe.
Next, kay Liz. Alam mo kapatid, akala ko tu-tu ka pa rin. Uist, totoo 'yang mga sinabi ko, ha! Basta, ji de wo ai ni. The best ka, kapatid! Hindi ko talaga ma-express kung gaano ako ka-thankful sa'yo. Wenk. Hindi kasi ako expressive. Pero sa totoo lang, gusto kong maramdaman mo, the best ka sa puso ko. Wenk. Parang si Jec! (Uoooy! Mga JFC, lumuwa ang mga mata ng mabasa ang pangalang Jec! Nako, sinong natamaan?! Pasensya na! Hindi na ako magbabanggit ng pangalan. Alam niyo na kung sino kayo.)
Kay Jikki, mas astig blog mo, no! Anime 'to. Alam kong ayaw ni Ynga. Hehe. Gusto ko lang 'yung mga kulay kaya pinili ko. Gusto ko nga black eh. Hay. Uoooy! Sikat! Nabanggit ka sa entry ko ngayon, ha!
Uist Tonie! Salamat at nabasa mo 'tong blog. Waha. Ma-drama na nga ako these days. Anong hayop 'yung blog?! Nagsalita. Sino kaya ang may hayop na blog?! Wenk. Manghang-mangha nga ako sa blog mo eh. 'Yung may imagination etching. Hay. Anong alam ko na ang feeling?! Nang ma-drama?! Ano ka, matagal na akong ma-drama. Kung alam mo lang. Waha. Ang dami mong na-miss dito. Ang dami kong chika. Hindi ko masabi lahat. 'Yung kay Eden egg. Nakupo! Si Eden, nagpagupit! (Alam mo na ba 'yon?!) Mukha na naman siyang itlog. 'Yung tulad nung first year. Waha. Imagine! Pati ba naman ngayon, binalik pa 'yun! Hehe.
Jobelle! Nako. Shy naman ako. Pinuntahan mo pa 'to. Hindi bale, pupuntahan ko na rin 'yung sa'yo. Ngayon ko lang nalaman kasi 'yung add. ng blog mo eh. Salamat, ha!
Yngy! Yihee! Bax na naman po tayo! Nako. Wag ka ngang matakot na walang magco-comfort sa'yo pag napunta ka dun. Don't worry mangda-dayo pa ako ng room pag nangyari 'yun. Kahit na parang hindi tayo super duper close ah handa pa rin akong mag-overcome ng fear ko sa mga dugtong people para sa'yo. Shet. Creepy talaga nila. Sabi na nga ba, eh. Parang mga manhid ang karamihan ng mga tao dun. Laging nakatitig lang. Waha. Sana mas maging mabait ka pa next year! Nako. Lampas langit na yan! At hindi bale, ipagdarasal ko pa rin ang iyong lovelife. Dati lagi kitang ipinagdarasal kay Bax eh pero sa tingin ko, si _ _ _ yata 'yung para sa'yo eh. Anyway, ano mang mangyari. Mahal kita, Ynga! Good luck sa lovelife nating lahat!
At ang panghuli.. Nako, Panlaqs. Tutal nabanggit mo rin ang pink, eto.. Pinalitan ko ang layout para sa'yo. Waha. Ayos na.. Hindi na pink.. O, update mo naman ako sa lovelife at sa mga chics.. Kaw, ha! Naglilihim ka pa sa iyong ina! Wenk. (^_^)
[03/15/04]
Blog Entry 01
Hindi pa ako nag-aaral.. Ewan ko ba.. Patapon na buhay ko.. Nalulungkot ako sa mga nangyayari.. NAHIHIRAPAN NA AKO..
Kahapon, last day na namin sa English. Naiyak ako sa mga sinabi ng mga tao. Naisip ko, ito ang the best na class na napuntahan ko. Hindi man kami nananalo ng madalas, at least, nararamdaman ko ang mga dapat kong maramdaman. Ang hirap tuwing practices, ang saya tuwing magco-commute, ang friendship tuwing nahihirapan na ako, ang lahat-lahat. Natuto ako dito sa trisix at habang palapit na ang pagtatapos ng school year, lalo akong nalulungkot. Siguro bahagya dahil pinaghiwa-hiwalay daw kami ng room at bihira na lang kaming magkikita. Pero ang pinakamalaking dahilan ay dahil hindi ko na mararamdamang muli ang mga naipamalas sa akin ng room namin.
Ewan ko ba pero nung first quarter, sabi ko sa sarili ko na the best pa din ang tu-tu. Habang tumatagal na kabilang ako sa trisix, unti-unti kong narealize na kaya ko lang pala gusto ang tu-tu dahil nandoon ang mga kaibigan ko at lagi kaming nananalo. Pero hindi naman doon nasusukat ang kagalingan ng isang class, di ba? Sa ngayon, going strong pa naman kami ng mga tu-tu friends kaya hindi ako dapat mabahala na baka mawala ang friendship namin. Ito ang pinakamatagal na nagsurvive na friendship ko. Constant pa rin ang friendship namin. Kung hindi naman, konti lang ang pagbabago kaya alam kong kakayanin pa namin hanggang next year. Ang ikinakatakot ko sa ngayon, ang mawala sa akin ang trisix.
Alam ko kasi na may sari-sarili kaming group of friends at malamang kung next year, hiwa-hiwalay na ang trisix ay malabo nang magkasama-sama kami ulit. Tulad ng tu-tu. Sabi nila, sobrang bonded ng tu-tu, next year bonded pa rin. Pero nagkamali sila. Nung mga unang buwan lang pala ng school year. Sabi ko na nga ba. Alam ko dahil ang mga dahilan kung bakit ako hindi nagpunta sa reunion namin ang nagtulak sa akin na magsabi ng ganoon. May mga bagay na para malaman mo, kailangan mong manahimik, makinig at makiramdam. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi nalaman ng mga tu-tu ang tunay na dahilan kung bakit humantong ang lahat sa ganito.
Balik trisix naman. Ewan ko ba. Kahit na sa tingin ko'y manhid na ako, gusto ko pa ring maramdaman ang naramdaman ko sa trisix. Lalo akong natuto sa buhay. Lalo akong nakapagbigay ng aral sa iba. Ako ang nagbinyag sa mga taong hindi nagco-commute. Masarap ang pakiramdam. Masarap mabuhay kahit na pagod ka na. Masalimuot man ang mga nangyayari, kakayanin ko pa rin dahil sa trisix. Lalong lalo na sa mga kaibigan ko.
Liz, alam ko hindi ko pa nasasabi sa'yo o naipaparamdam man lang kung gaano ka kaimportante sa akin. Kapatid, ikaw ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon na maging matapang. Siguro hindi mo masyadong nararamdaman kasi nahihirapan akong magparamdam dahil siguro sa split personality ko. Ang tapang mo. Alam ko, nasa loob ko lang ang tapang pero hindi ko mailabas. Natatakot rin kasi ako. Pasensya na kung ang ironic ko magsalita. Ganyan talaga. Sa lahat ng nagawa mo para sa akin, nagpapasalamat ako. Lalo na sa pagka-pranka mo. Sobrang naaapreciate ko ang lahat. Alam ko na kaya mo pang umusbong. Kaya mo ang lahat. Basta tandaan mo, nandito lang ako.
Naisip ko lang rin minsan, lagi kong sinasabi ang ganoon pero parang hindi ko naman nagagawa. Pasensya na. Kaya ako umiiwas na magcomfort o makinig sa mga problema ninyo ay dahil ayokong maramdaman ang lungkot na nararamdaman ninyo. Hindi naman dahil ayokong makihati sa lungkot na nararamdaman ninyo, kundi dahil kapag naramdaman ko na ang lungkot na nasa inyo, dumodoble ang sakit na napupunta sa akin. Ayoko kasing nakikita man lang kayong nalulungkot. Sa loob-loob ko'y naiiyak na ako.
Kay Ynga at Maggie naman, natutuwa ako sa mga taong 'to. Kahit na madalas ay pinipili kong umupo dun sa likod. Natutuwa ako kay Ynga at Maggie dahil sila ang pinakamabait kong nakilala. Si Ynga, sooobrang bait. Hindi ko masabi o mailarawan kung gaano siya kabait. Sobrang bait. Si Maggie, pinapasaya ako lagi. Nakakatuwa, parang bata. (^_^) Laging nakangiti. Parang walang problema. Sobrang nagpapasalamat ako at naging rowmates ko ang mga 'to.
Salamat din kay Pinky at Gege.. Mga chatmates ko.. Pinapasaya din ako ng mga
'to lagi! Miss you, seatmate at backmate!
Marami pa akong sasabihin pero eto na lang muna sa ngayon. Next entry na lang
kasi sobrang haba na nito. Thanks sa pagbasa!
[03/13/04]
Tagboard
|

Site © jeon_noe