|
february 15.. yan ang talagang araw ng valentines.. nabasa ko yan sa isang libro na puro facts at kung ano anong kalokohang ganon.. tipong "ipis ang pinakamalinis na insekto sa mundo.." hindi ko alam kung baket ginawang february 14 ang valentines, pero talagang ganon e.. tinatarantado tayo ng sistema.. heh.. ngayon ay ika-16 na ng pebrero. lumipas na ang araw ng rosas, tsokolate, puso, cupido, pagpapakyut, pagpapakipot, paggastos, pagmukmok at pagkabigo.. marahil may mga relasyon na nasimulan na.. may mga pagibig na namunga.. may mga magsyotang nabuo.. pero sigurado akong may mga relasyon ring gumuho.. nung nakaraang v-day, nagulat ako sa dami ng rosas na nakita ko.. siguro nga, kasi ngayon lang ako nakaranas ng valentines sa isang co-ed na skwelahan.. taena.. libo libong mga lalake, nagbibigay sa libo libo pang mga babae ng rosas, ng bulaklak, ng tsokolate.. taenang yan, ang yaman siguro ng mga nagbebenta ng bulaklak pag valentines.. putcha, e di mumurahin yung mga binebenta e.. may mga sobrang mahal talaga don.. may bouquet pa at kung ano anong arrangements.. taena.. sa klase ko pa lang.. umuulan ng rosas.. may isang lalake kasi don na nagbigay ng rosas sa halos lahat ng babae sa klase.. hahaha.. taena.. ang mahal mahal non e.. sayang lang sa pera yon.. thank you lang naman ang nakuha niya.. kung gusto niyang maging parang feeling special yung mga babae, may iba namang paraan e.. hindi pa kailangang gumastos.. taena.. mga tao talaga ngayon.. nagiging impraktikal ng impraktikal habang tumatagal.. marami akong nakitang mga magsyotang nakahawak ang mga kamay, nagtatawanan sa ilalim ng mainit na araw, naglalampungan sa burger king, naguusap sa ilalim ng puno.. puta, bat ngayon ko lang nakita tong mga to? baket ba ngayong araw pag ng valentines day ko makikita tong mga pinaggagagawa ng mga tao? ano ba ngayon? PDA day ba? ano to? para bang, valentines ngayon, kailangang may maipamukha yung mga magnobya na "taena kami nito e, kaya kami masaya ngayong valentines, kaya kami nagpPDA sa daan." anong kalokohan to? dahil lang FEBRUARY 14 biglang magiging sweet ang mga lalake at magiging "mapagbigay" ang mga babae? baket ngayon pa? anong katarantaduhan to? kitang kita ang pagkakulong natin sa sistema.. kitang kita ang pagdikta sa atin ng society kung ano ang dapat gawin at kailan ito dapat mangyari.. hindi niyo ba nakikita? walang kahit na anong spesyal sa araw na iyon dahil kahit kailan naman pwedeng gawin ang mga bagay na ginagawa gawa habang valentines.. hindi kailangan ng rosas, ng tsokolate, ng date o ng kahit ano pa.. kasi isa lang to sa mga normal na araw.. may pangalan lang.. hindi ko sinasabi na "taena, dapat hindi ka makialam sa mga ganyan ganyan.. dapat hindi ka maging sweet at caring para sa minamahal mo.." ang sinasabi ko lang.. WAG KANG MABUBURAT KUNG WALA KANG DATE O HINDI KA BINIGYAN NG KAHIT NA ANO NG BOYPREN O GELPREN MO.. tama.. magbigay tayo ng isang maliit na scenario..(lilinawin ko lang, kung medyo hawig to sa relasyon mo at ng boypren o gelpren mo.. hindi ko to sinasadya.. heh.. matagal ko na talaga naisip to..) BOYPREN: hey hunnybunnycoochiecoo.. valentines na this saturday ha.. where do you want to go ba? or do you want me to surprise you? GELPREN: ooooh.. ang sweet naman ng TAE(TeddyAchiErenu)[taena sorry wala akong maisip e.. heh..] ko.. BOYPREN: yes naman my hunnybunnycoochiecoo.. you know naman youre special to me eh.. GELPREN: gee, thankies. but i can't really go out this saturday eh. i have 5 exams pa on monday.. and i havent started anything pa.. tapos its like wednesday already.. and i really have to catch up.. im really sorry TAE, lets go out nalang like on wednesday next week. BOYPREN: HUH?! you'll miss our valentines together for some test?! but hunnybunnycoochiecoo, mahal kita and i really want to be with you.. GELPREN: sowee talaga TAE, but i really cant e.. youll understand naman eh diba? you love me naman diba? BOYPREN: but.. pero.. damn! how can i brag to my kabirks that youre my girl? kasi like, aalis lahat and punta silang eastwood, and me lang yung walang date.. wawa naman me.. mukha me gago don kasi wala akong kasama.. you dont love me siguro.. GELPREN: i love you TAE, but please naman, understand the situation. BOYPREN: what is there to understand ba? valentines day, and my girl doesnt want to go out with me because of some test! shit naman pare.. i dont have a date na! because my hunnybunnycoochiecoo doesnt want to go with me! baka theres another guy in your life no? nako! youre cheating on me no? and you want to make alis with that guy and not me na! SABI KO NA E! DAMN! GELPREN: hoy! TAE! punyeta ka, valentines day lang yan, may test ako na dapat pagaralan! mas importante pa sa taenang valentines day mo. you stupid immature baby. magisip ka nga. BOYPREN: ...................................... happy singles awareness day ................................. wag mong sirain ang relasyon mo sa iyong minamahal dahil lamang sa isang date na walang kwenta.. biruin mo, nasisira yung relasyon niyo dahil lang sa date na yan.. ano ba yang date na yan, baket mas gusto mo pang makipagdate kaysa maging ok kayo ng minamahal mo.. katangahan yon.. isang malaking katangahan.. pero, tulad ng iba pang bagay, may Bside ang valentines.. siguro nga, oo gastos gastos.. pwede kayong maghiwalay.. pero hindi ko rin mapagkakait na may naidudulot itong astig.. unang una, teacher's day ang valentines day.. kaya usually pag ganon, tinatamad magturo ang mga teachers.. o kaya, may special schedule na dapat sundin.. masaya yon, kasi walang lesson.. pwede ka pang magcut at gumawa ng kung ano nalang.. walang nakakaantok na lectures at nakakaburat na lessons.. pangalawa, pwedeng magkaroon ng sale pag valentines.. sale usually sa kahit anong bagay.. ewan ko kung baket.. pero talagang nagsasale sila e.. heh.. tapos tuwing valentines, may palusot ka para magyaya ng date sa isang taong gusto mong mayaya pero wala kang dahilan.. hehehe.. inam yon men.. tapos pag valentines.. may ibang couples na ano........ kasi pumapayag yung babae.. kasi nga "SPECIAL" day ang valentines.. heh.. para sa akin, masyadong overrated ang valentines.. tipong, valentines kasi kaya nagkakandarapa ang mga tao para humagilap ng dates.. iniisip ng iba na dahil wala silang date ngayon valentines, katapusan na ng mundo.. may iba gusto lang pagyabang na may date sila.. hahaha.. taena.. yung mga nagpapakyut sa mga crush nila, usually tuwing valentines lang gagalaw.. yung tipong magbibigay ng bouquet ng fowers na mamahalin talaga at may card don na nagsasabi ng nararamdaman niya.. hahahahaha.. may kaklase ko, parang nagbigay siya ng maliit na bouquet(maliit pero tancha ko mahal) dun sa crush niya, taena.. hahahahahah.. e di ako, dahil gago ako at lahat, ginago ko yung babae.. tapos parang ewan yung reaksyon niya.. tipong ayaw niya na ewan.. hahahahahahahahahah.. tae, sayang ng malupet sa pera yon.. e kung binigay nalang niya sakin yung pera, e di natuwa pa ako sa kanya.. hahaha.. ang nakakaburat talaga yung tipong, may date yung crush nila sa valentines, tapos magiinarte na dahil hindi sila yung date, hindi siya yung inask out.. wala lang.. hindi ba nakakaburat yon? marami akong naririnig na ganon e.. tapos parang, wala.. nakakatawa.. kasi desisyon naman ng lalake yon kung sino yung gusto niyang ilabas e.. at baket ka naman magaassume diba? putcha, tigas naman ng mukha mo.. heh.. inam. kita niyo? yung mga inaasal ng tao minsan nagiiba dahil lamang sa valentines na yan.. gusto ko lang linawin, hindi ako bitter.. hehehe.. baka iniisip niyo "taena nitong gagong to a, wala sigurong date kaya ganito magsulat".. pero hindi. hindi ako bitter.. heh. ayon.. wala na akong iba pang maisip na masasabi.. basta uulitin ko.. isang regular na date lang ang valentines, walang kahit anong special jan, at nagiging astig lang siya kasi sinensationalize siya ng kultura natin at ng iba pang bansa..
|