pag sinabi sa inyo.. UST.. anong naiisip niyo? tancha ko, medisina, ospital, espanya, trapik, baha, doktor, uniporme.. at kung ano ano pa.. nasa UST ako ngayon nagaaral.. at alam mo kung anong nararamdaman ko? paghihirap.. pagkamuhi.. pagkabilanggo.. pagka"outcast".. pagkaasar.. pagkapagod.. lahat na ng masamang PAGKA..

himayin natin ang mga problemang nadama ko.. unahin na natin ang pagkamatay ng aking buong pagkatao.. noong HS ako, masaya ang buhay.. masayahin kasi akong tao e.. pahirit hirit.. babanat ng mga nakakagagong hirit.. basta.. magagong mahirit.. e ngayon sa ust.. hindi ako makahirit.. at hindi dahil takot ako sa mga mokyong yon.. pero dahil sobrang hindi lang talaga ako makarelate.. o teka, hindi ko sinasabing masyado kasi akong mataas at masyado silang jologs.. basta.. hindi ko lang masakyan yung gusto nila.. ibang iba e.. pati yung humor nila.. parang ewan.. parang mga bata na di mo maintindihan.. 

sobrang layo talaga ng humor noong HS at yung sa UST.. tipong mula baguio hanggang Chicago.. ganon kalayo.. so pano ako ngayon sa klase? wala na.. andon lang ako sa table ng teacher.. nakikinig ng Nomad Jukebox 10gig player ko.. nananahimik.. hindi pinapansin yung mga taong nasa paligid.. ang kupal ko nga ngayon e.. ginagago ko nalang yung mga kaklase ko.. tinatarantado ko sila.. pero sa pabirong manner shempre.. hindi naman ako ganon kabastos e..

pangalawa.. namatay yung social life ko.. hindi lang humor yung iba sa UST kundi yung mga pinaka taong nandon sa lugar na yon.. ibang iba ang mga gusto nilang gawin.. tulad ng kumanta ng mga kanta nila mandy moore.. nelly.. at kung sino pang mainstream artist.. hindi sila mahilig gumimik.. ang gusto lang nila, magaral, umuwi, magaral sa bahay, matulog, pumasok.. yun lang.. hindi ko nga alam kung anong pinaggagagawa nung mga taong yon sa bahay.. tapos tuwing weekends, hindi mo rin sila mayayaya.. baket? kasi uuwi sila sa mga probinsya nila.. batangas, bacolod, bacoor.. ewan.. kung saan saang lupalop ng pilipinas.. tapos sila pa yung mga tipong sobrang conservative na ewan.. merong isa, tiga st. mary siya dati.. ok siya, gumigimik, pumupuntang galle.. at kung ano ano pa.. ang problema sa kanya.. masyado siyang feeling.. para bang gusto niyang magpasikat.. nung isang beses nga.. nagusap kami.. 

siya : san ka gumigimik? eastwood? libis? malate?
ako : uh, hindi.. hindi ako maganon..
siya : oh? ako kasi pumupunta don e..
ako : ah e di ayos..
siya : ay alam mo ba, dati pumunta kami sa concert ng SLAPSHAK.. puro babae kami..
ako : o?
siya : oo ang saya nga e.. biruhin mo babae lahat nasa concert ng SLAPSHAK.. pero ok lang.. marami naman kaming nakilala e..
ako : ah talaga?
siya : oo, nakikipagkilala sila samin.. ang dami nga nila e (sabay enumerate ng mga pangalan)
ako : ah, ang saya naman non..

wala talaga akong makasundo.. kahit sa mga lalake.. parang yung babeng nanjan sa taas, ganon rin.. nagfefeeling.. feeling cool.. feeling matalino.. feeling tigas.. lahat na.. nasa klase ko lahat yan sa UST..

nung isang beses ba naman.. hinihiram kasi nila yung 10gig Nomad Jukebox ko.. e di pinahiram ko naman.. tinatanong nila ako kung ano daw yung meron don.. e di sabi ko marami.. e nagtatanong sila ng mga rap, hiphop, rnb.. e di sabi ko.. wala, hindi ako mahilig sa mga ganon.. binanatan ba naman ako nung isa, sabi nya : "e anong mga gusto mo? yung mga pop?" sabay tawa.. e di puta naburat ako.. SLAPSHAK possie pa naman yon.. sabi ko "hindi.. rock, alt yung pinapakinggan ko.. at hindi yung mga kinokonsider niyo na rock ha.. hindi SLAPSHAK, LIMP BIZKIT, LINKIN PARK o kung ano pang kajologan na yon.." ..puta e di nasaktan si gago.. punung puno pa naman yung 6310 niya ng picture messages ng mga bandang binanggit ko.. tapos nag retaliate pa siya.. sabi nya "magaling naman yung slapshak a! lupet kaya ni jamir.." .. sabi ko "e puta si jamir nga yung panira e.. barok yung gagong yon e?!" tapos yon.. tumahimik na siya.. marami akong kaklaseng nakasaksi nung sagutan na yon.. tapos malmang iniisip nila na ang yabang ko.. bahala sila.. taena..

 tapos shempre, dumako naman tayo sa academics.. kung ikukumpara niyo yung ginagawa ng isang regular na studyante ng UST Pre Com.. e walang kakwenta kwenta kung ikukumpara sa mga nagaaral sa ateneo.. biruin niyo.. math namin parang yung math noong grade 7.. pangalan nga nung math course: Math 101A.. sus.. nakakagago nga e.. nakakabobo na rin at the same time.. nung unang day ba naman.. SOLVE FOR X yung pinapagawa.. yung tipong

3x + 4 = 10.. tapos ako parang "WOW TANGINA ANO TO?! YUN NA YON?!" tapos biglang solve.. 3x - 13 = ? ; where x = 4.. HAYOP! TAENA ANG GALING! since sobrang dali nalang yung pinapagawa.. nakaka 90, 95, 97 ako sa mga quizzes.. pero kahit pano ko tignan.. wala man lang akong nararamdamang feeling ng accomplishment at nakakuha ako ng ganon kataas na score.. parang nakakagago pa at nagkakamali pa ako dahil sa mga katangahan lang..

at ENGLISH!! WOHOW ENGLISH.. first day ng english, pinapunta kami sa harap para iinroduce yung sarili namin at magsabi ng tungkol samin.. magkwento daw kami.. graded, sabi nung teacher.. tapos yung nauna sakin.. parang.. sobrang hirap na hirap siya sa sinasabi niya..hindi niya alam kung san siya magsisimula at kung kelan siya dapat magsalita.. tapos yon.. sinalpakan siya ng 0 ng teacher namin.. tapos yon.. kadalasan sa kanila nababarok na talaga.. tapos yung iba sobrang nakakatawa talaga.. taena.. alam ko ang sama ko.. pero talagang tawang tawa ako.. tapos napapansin ko na ako lang yung tumatawa.. minsan may kasabay ako, pero mangilan-ngilan lang.. tsk.. kala nga nila sira ulo ako..

tapos yung testpapers sa theology.. ako kasi yung president, kaya sakin binibigay.. kadalasan essay yung sa theo.. nung binigay sakin yung papel.. meron akong mali.. so para tignan ko kung san ako nagkamali, naghanap ako ng may perfect score.. tapos nung binabasa ko yung papel, putcha umikot yung ulo ko dahil di ko maintindihan yung sinasabi niya.. hindi gumagamit ng punctuation marks, at kung gumagamit naman, nasa maling pwesto.. tapos yung sinusulat niya pa.. para bang gumagawa siya ng mga sariing patakaran sa english.. pero perfect siya..

ay at since nasa theology na tayo.. yung teacher ko don, nung unang araw ng skwela.. parang binibrief niya kami about college.. tapos ganito yung sinabi niya..

"nako, ayan, college na kayo.. marami kayong mararanasan.. mga paghihirap.. mga pagsasaya.. tapos marami rin kayong makikilalang mga tao.. iba't-ibang mga uri.. may mga mababait, may mga mahihirit, may mga nagmamarunong.. ayan, yang mga ATENISTANG yan.. akala mo alam nila lahat, pero bumabagsak naman sa subject ko.. kala mo kung sinong magaling, hanggang salita lang naman.. marami kayong makikilalang mga ganon.."

puta.. burat na burat ako sa kanya.. para siyang ewan.. kinahon na niya yung mga atenista, sinabi pa niya sa harap ko.. tapos THEOLOGY TEACHER PA.. nyeta..

tapos yon.. makalipas ang ilang klase under sa kanya.. meron akong nagawang "theory" kung baket galit na galit siya sa mga atenista.. kasi mejo may problema siya sa grammar.. sa S-V agreement.. "jesus' plans is" "god want us".. yung mga ganon.. kahit na hindi parati.. meron parin.. so sa tingin ko, meron siyang studyante dati.. tapos kinorek siya or binara siya or tinawanan siya.. malamang ganon na nga yon..

taena.. parang ang sama ko tuloy at sinasabi ko ang lahat ng to.. parang feeling ko naman sobrang galing ko at hindi ako nagkakamali.. pero hindi e.. ito lang yung naiisip ko dahil ito yung maiisip ng KAHIT sino na isalpak mo dun sa posisyon ko.. kahit yung kaklase ko noong HS.. walang arte sa katawan yon.. mas wala pang pakialam yon kaysa sakin.. pero pareho kami ng naiisip at nararamdaman.. kasi tancha ko natural lang sa lahat ng tao na ganon yung maramdaman e..

tapos ito pa.. merong kwinento sakin yung kaklase ko dati.. nung mejo kakasimula palang ng taon..

 nakipagtextmate daw yung isa niyang kaibigan.. tapos mukhang ok naman daw yung babae.. kaya nakipagmeet siya.. tapos nung nagkita na sila sa Circle.. nagulat daw yung kaibigan niya kasi panget daw.. tapos biglang.. sabi nung kaibigan niya : "miss, jan ka lang a, may surprise ako sayo".. e di yung babae, naghintay naman.. tapos biglang sumakay daw ng koste yung lalake, tapos biglang habang umaandar na yung kotse, sumigaw ng : "PAKYU KA ANG PANGET MO!"..

isa akong gagong tao, tarantado para sa iba.. pero kahit kelan di ko magagawa yung katarantaduhang yon.. bwiset.. tuwang tuwa pa sila.. parang gago..

ayon.. marami pa akong masasabi.. pero siguro pagpapaliban ko nalang yon para sa ibang araw.. pagod na ako.. kakaisip nito, at kakaaral don..

Hosted by www.Geocities.ws

1