nung isang araw lang, tinahak ko nanaman ang daan na parati kong dinadaanan tuwing hapon.

walang kakaiba sa mga nangyayari, sobrang parang isang normal na araw lang.. andun yung mga skwater na drivers, mga bobong pedestrians, mga nabuburat na MMDAs at kung ano ano pa.

pero nung pagliko ko sa may new manila, may napansin akong isang eksenang hindi ko nakikita araw araw.

ang una kong nakita ay isang asong gusgusin. kung may taong grasa, ito, taong aso. tumatakbo yung aso na paayon sa traffic. nagtataka ako kung baket mukhang sobrang desperado yung aso tumakbo, kaya lumingon ako sa pinanggalignan niya.

ayon, nakita ko yung mama don. may hawak na dos por dos, hinahabol yung aso. e yung mama, medyo matanda na, tapos ang laki pa ng tiyan, kaya imbis na takbo, wobble ang ginagawa niya. at oo nga pala, yung mama, mukhang sira-ulo.

napaka komikal ng sitwasyon. natawa nga ako sa eksenang nasaksihan ko e. isang asong grasa na hinahabol ng mala-buddang sira ulo na may dos por dos.

natawa ako, pero biglang natigil yung tawa ko nung may naisip ako tungkol sa sitwasyon na yon.

naisip ko na paano kaya kung bumaba ako sa kotse ko at tinanong ko yung sira-ulo kung baket niya hinahabol yung aso.. naisip ko na, pag tinanong ko yung mamang iyon, nag isasagot niya sakin ay isang napaka apatetikong:

"wala lang"

tapos wala lang, napaisip lang talaga ako non.

yung natirang oras ko dun sa trip ko pauwi, iniisip ko yung mamang iyon at yung aso.

ito ang naisip ko: "ang purity ng isang bagay ay makukuha lamang kapag ang taong nagnanais kumuha nito ay isang sira-ulo."

ang purity na tinutukoy ko ay isang bagay na PURO. hindi reaksyon sa pagiisip o sa katawan, pero PURONG intensyon. walang halong katarantaduhan, walang ulterior motives, walang personal gain, walang sidebar, walang strings, WALANG KAHIT NA ANO, MALIBAN SA pagkaPURO ng isang bagay.

malabo ba?

hmmm, sige ganito.

nung nakita ko yung eksenang yon, naisip ko na yung sira-ulo, hinahabol yung aso dahil:

(anger) kinain nung aso yung tinapay niya, kaya naburat siya tapos gusto niya ngayon saktan yung aso.

(practicality) nagugutom siya kaya gusto niya katayin yung aso para maihaw.

(revenge) kinagat siya nga aso, kaya para makaganti, gusto niya saktan yung aso pabalik.

dahil sa intellect ng tao, dahil sa isang faculy sa pagiisp, nakakapagformulate agad tayo sa utak natin ng mga dahilan kung baket tayo gumagawa ng mga ginagawa natin. ang faculty na ito ay siya ring dahilan kung baket hirap tayong makakuha ng bagay na pure. ang intellect na siyang naglilimit sa tao ay ang siya nanamang dahilan kung baket ganito.

pag tayo kasi yung gumagawa o nagnanais ng isang bagay, ginagawa natin ito para may makuha tayo dito, hindi para magawa lang to.

kung hindi naman ganon, hindi natin magawa ang bagay na gusto nating gawin dahil nasa pagiisp natin ang mga patakaran ng society na dapat sundin.

kung hindi naman ganon. hindi natin magawa ang bagay na gusto naitng gawin dahil may pake tayo sa sasabihin ng iba tungkol sa atin. (taena, kahit yung mga nagsasabi na wala silang pakialam, may pakialam parin yon kahit papaano.)

o, diba?

so kung gusto mo pumatay ng tao, ganito ang breakdown niyan.

ang purity doon ay sa mismong akto ng pagpatay ng tao.

pure yon pag papatyin mo siya para lang mapatay siya.

pure yon pag gusto mo lang talaga siyang mapatay.

pero dahil nga sa intellect, hindi natin iyon pwedeng gawin. kahit sobrang gustong gusto mo siyang patayin, hindi mo kayang gawin dahil:

1) labag sa batas ng tao

2) labag sa batas ng diyos(kung may diyos ka man)

3) kahihiyan

4) ayaw mong makulong

5) ayaw mong masibak sa pwet ng mga ibang kaKosa mo.

6) ayaw mong mahiwalay sa mundo mo

naiisip natin lahat ng iyan dahil may utak tayo at nasa tama tayong pagiisip. ang pagiisip na yon na sa tingin natin ay ang nagsasalba sa atin ang pinakabagay na nagkukulong sa atin.

di mapagkakaila ang irony dito, lalo na nung naisip ko to.

buong buhay ko, iniisip ko na habang dumadami ang alam ko, mas nagiging malaya ako sa mundo. mas malalaman ko kung paano makakaangat sa mga bagay-bagay sa mundo at dahil magagamit ko ang kaalaman na iyon, hindi na ako mapiprisinto ng kahit ano mang aspekto ng buhay.

hindi pala ganon yon.

naachieve ko na pala ang pinakalibre/pinakamalaya kong state, at yun ay ang ilang buwan kong pagiging sanggol. ginagawa ko ang lahat ng gusto kong gawin at pag nagagawa ko yun, naaachieve ko ang purity ng bagay. walang kiyeme, walang ulterior motives, walang pretenses, walang dahilan, gusto ko lang.

kinakain mo yung tae mo.

hinahawi mo yung mga babasaging gamit sa tabi mo.

kinukuha mo yung gamit ng ibang tao ng walang paalam.

nangangagat ka ng walang dahilan.

yung mga ganon ba. sa sobrang pagkasimple ng utak noon, ang purity ng bagay ang nakukuha natin, at hindi isang fabricated essence na ng gusto nating gawin.

yung sira-ulo, parang yung baby lang. walang pakialam sa mundo, walang pakialam sa sasabihin ng iba. ginagawa niya ang gusto niya, at pag nagawa niya yon, nakuha niya ang purity ng bagay.

nung nakita ko yung scene na yon, natawa ako, pero naawa rin ako sa kanya.

parang naisip ko "pota, kawawa naman tong sira-ulong to. wala nang mangyayari sa buhay niya. baka mamatay lang siya ng magisa."

pero sino nga ba sa amin ang kawawa?

siya na nagagawa ang lahat ng gusto niya at hindi kailangang magalala sa kahit ano pang elemento na nasa labas niya o ako?

ako na hindi makagawa ng gusto ko kung walang motibasyon? ako na hindi makakilos pag walang dahilan? ako na hindi makakuha ng purity dahil parating nasa likod ng pagiisip ko ang pwedeng mga magyari at pwedeng isipin ng iba? ako na hindi hamak na mas kulong pa sa kanya?

sino nga ba ang kawawa sa amin?

nung naisip ko to, naburat nga ako e.

eto ako, maraming gustong gawin, pero hindi ko kaya dahil napipigilan ako ng utak ko.

at dahil hindi ko nagagawa yung mga gusto ko, nagiging miserable lang ako habang di ko pa nakukuha yun.

magsesettle nalang ba ako habang buhay sa second rate na mga bagay? magcocompromise nalang ba ako habang buhay at magpapakuntento sa mga bagay na hindin ko naman talaga gusto?

heh.

astig no?

Hosted by www.Geocities.ws

1