|
Pagtawa: Kabalikat ng Kabaklaan ang sarap tumawa.. para bang pag tumatawa ka, ok na lahat.. parang binubunutan ka ng tinik sa pwet.. tawa lang ng tawa.. makakalimutan mo na ang lahat.. isipin mo to.. nangyari sakin nung sabado (October 25, 2003), mayroon akong 3 major papers.. sa tatlong yon, isa don 10-page paper, isang synthesis paper (na putaena, di ko alam kung pano gawin) at isang simpleng composition lang.. hindi lang yon.. mayroon pa akong 2 exams.. isa sa christian civilization at isa sa math.. tapos, para dumagdag pa yung pagpapabagabag sa akin, yung sa math, hindi ko pa nakakausap yung teacher, kasi hindi pumapasok yung teacher.. e mejo tagilid ako don.. malas diba? taenang yan.. ang sarap talaga nun.. e di ayon, sabado.. may gig sa ateneo high.. so, shempre, sama ako.. para masaya diba? sabado, lingo, lunes.. sa lunes na yung exam at 10-page paper ko.. pinoproblema ko yon.. mukhang hindi, pero, puta naman.. 10-page paper yon e.. delikado pa ako don.. sige lang! sama lang! ganon naman parati.. taena, sige lang ng sige.. sugod lang.. pressure? stress? ano yon? wala naman akong ganong nararamdaman kasi, parating yung "break" o pagrerelax ang nauuna bago ang pagaaral o pagtatrabaho.. cramming ang sagot ko sa lahat.. nalalayo na tayo.. ang sarap tumawa.. nung sabadong yon, parang ang saya.. hirit lang ng hirit.. tawa lang ng tawa.. habang tumatawa ako, lumalayo sa isipan ko ang 10-page paper ko.. para bang, yung 10 pages, naging 5 nalang.. tapos konting tawa pa, 3 pages nalang.. tapos konti pa, 1/2 page nalang! wow.. astig.. tapos yung exam sa christian civilization, parang naging C.L.E. test nalang na pang grade school.. wala na akong ginawa ng buong gabing iyon kundi humirit at tumawa.. kasabay ng pagtawang iyon ang paglayo ng aking mga problema.. dahan dahan na silang nawawala.. unti-unting naglalaho ang mga bumabagabag sa aking isipan.. lumayo na ang problema hanggang naging mistulan na lamang itong alaala.. "laughter is the best medicine" sabi nga nila.. taena non.. mali yon.. "laughter is the best escape from medicine".. yun ang mas tama.. kasi, taena, kahit tumawa at humalakhak ka buong araw sa pinakamalakas mong boses, hindi parin matatanggal at magagamot ang problema mo.. maaaring makalimutan mo sila sandali, pero ganon nalang ba parati? panandaliang aliw? kuntento ka na ba sa panandaliang ginhawa? nakakaburat lang, kasi naisip ko na buong buhay na akong tumatawa.. tawa lang ako ng tawa.. pinuri pa nga ako ng guidance councellor ko nung HS, dahil daw, ako, pag may problema, dinadaan ko sa tawa.. di tulad ng iba na inom at drugs ang ginagawa.. naisip ko lang ngayon.. pag may problema ako, tumatawa parin ako, oo.. pero sabay ng pagtawa yung paginom e.. haha.. taenang yan.. skwater.. wala rin.. pinagsama ko nalang sila.. pero, malamang, karamihan ng mga tao jan, tumatawa nalang pag may iniisip.. sinusubukang maging katawa-tawa ang sitwasyong masagwa.. kasama kasi yan sa katangian natin bilang pilipino.. maging masayahin parati.. pinagaralan ko yan.. taena.. heh.. ang pagtawa kasi ang pinakamadaling gawin e.. hmmmm, ilang beses niyo na sinubukan patawanin yung kaibigan niyong may dinadalang problema? isipin niyo.. at SIGURADO ako na sinubukan niyo nang gawin yon.. nagbubuhos ng problema sa inyo yung kaibigan nyo, tapos naisip niyo na "puta, magpatawa kaya ako? para at least mapangiti ko siya.." ayon, magpapatawa ka naman.. kala mo nakakatulong ka na.. kala ko yun na yung pinakamabuting paraan para masolusyonan lahat ng problema.. dahil nga yun yung ginagawa ko e.. naisip ko na yung na yung pinakamabuting gawin sa isang taong may problema, patawanin.. mali pala ako.. hindi nakakatawa ang pagtawa sa problema.. isa tong kahibangan.. ang pwede lang magawa ng pagtawa na sobrang makakatulong, ay ang pagpapagaan ng damdamin at sa pagpapagaan ng kamay mo sa pagpapasya sa sitwasyon kung nasan ka.. pero depende pa yon kung paano ka magisip.. kung naniniwala kang yun talaga ang magagawa ng pagtawa sa iyo.. malamang, yun nga ang mangyayari.. pero kung nakita mo na rin ang katarantaduhang ito tulad sa pagkakita ko, makikita mo na wala kang ginagawang pagpapagaan.. makikita mo na sinusubukan mo nalang palitan ang realidad na hindi mo kayang gamutin.. malalaman mo na, ang bobo ng ginagawa mo dahil imbis na harapin mo ang problema, iniikutan mo pa, na para bang kaya mong iwasan.. "taena pare, bagsak ako e.. wala na akong pagasa mabuhay at literal na papatayin ako ng tatay ko pag nalaman niyang naging adik na ako dahil sa kakabagsak ko sa skwela.." HAHAHAHA. puta, nakakatawa diba? pwedeng sabihin niyo "gago ka pala e.. sobrang seryoso na niyang sitwasyon na yan.. wala nang tatawa jan.." chong.. hindi.. ginagawa yan ng mga tao.. tatawa sila sa pinakamalalang sitwasyon.. mas malalim ang pagkakabaon, mas malakas na halakhak.. alam ko, kasi dinaanan ko.. tawa nalang ako ng tawa.. takas ng takas sa masaklap na katotohanang hindi ko kayang harapin.. tinatakpan ko ng pagtawa ang sitwasyong sobrang lala na at parang wala na akong magagawang kahit na ano pa.. kaya tatawa nalang ako..
|