|
baket buhay ka ngayon? hindi ko tinatanong kung anong history ng buhay mo. hindi ko tinatanong kung kailan nagcopulate ang mga magulang mo at kailang ka nasilang. ang tanong ko, baket ka pa nandito sa mundo? ano pa ba ang gusto mong mangyari? baket ayaw mo pang mamatay? ano pa ba ang silbi mo at ano pa ba ang gusto mong gawin? kapag ako ang tinanong kung baket buhay pa ako ngayon, isa lang ang sasagot ko diyan: "kasi marami pa akong problema." gusto ko pang ayusin ang buhay ako at mamamatay lang ako pag ganap na ang aking kasiyahan. matatanggap ko lang ng buong puso ang kamatayan kapag pwede ko nang tignan ang sarili ko sa salimin at sabihing : "hoy, masaya ka na at nagawa mo na ang lahat ng gusto mo at iba pa.. mamatay ka na." malamang, karamihan ng mga tao ganyan ang iniisip na kahahantunan. isang end na kung saan makukuha mo ang ganap na kasiyahan at isang busog at kuntentong kaluluwa. pero ano ang nagsisilbing gasolina nitong pagiisip na ito? wala nang iba kundi ang PAG-ASA. ang pagasa ang humahawak sa buhay ng tao. habang nandoon pa ang higpit ng kapit sa atin ng pagasa, buhay ka pa. ang pagasa ay ang ilaw pag oras ng kadiliman. ang pagasa ay ang mga kaibigan mong tinutulungan kang itayo sa iyong pagkakadapa. ang pagasa ay ang pokpok na nasa circle na nagbibigay ng panandaliang aliw kapag ika'y nagiisa. ang pagasa ay ang diyos mo, kung sino man siya. ang pagasang ito ay ang nagsisibing siga sa apoy ng ating pagkabuhay. kung hindi dahil dito, wala na tayong dapat pang pagkabuhayan pa. baket pa tayo mabubuhay kung wala naman tayong makikitang silbi ng lahat ng ginagawa natin. isipin mo nalang, 20 years old ka, tapos gusto mo maging doktor. kung wala kang pagasa, baket mo pa hahabulin ang pagduduktor? e di wala ka nang gana at mas mabuti pang mamatay ka nalang. maraming uri ng pagasa. ang unang pinakasimple at pinakanararamdamang pagasa ay ang "PAG-ASANG NAGDADALA SA ATIN NG DRIVE PARA MAACHIEVE ANG ISANG BAGAY NA GUSTO NATIN." nag kauna-unahang halimbawa na naisip ko dito ay isang manliligaw at isang nililigawan. ang pagasa doon ay ang makikita don sa nililigawan na aksyon. kung nanonood kayo ng pelikulang pilipino, may mga linya doon na parang ganito: "bigyan mo naman ako ng senyales kung mapapasaakin ka." ang senyales na iyon ay pwedeng lumitaw sa iba't ibang anyo. pwedeng makita ito sa paghalik ng nililigawan sa manliligaw o sa pag payag sa date para manood ng isang pelikula o sa pagsama sa kotse p sa pagtanggap ng rosas at tsokolate o sa pagpapakita ng panty. ito ang senyales, ito ang pagasa. ang pagasang iyan ang magbibigay sa tao ng drive para ituloy ang panliligaw. dahil sa pagpapakita ng senyales na may pagasa siya dun sa nililigawan niya, nagkakaroon ng gana ang nanliligaw at mas lalo lang siyang magtatrabaho ng maayos para makuha pa ang kanyang inaasam-asam. isa pang halimbawa. kunwari sobrang bagsak na ang isang estudyante sa calculus. bagsak ang longtest, bagsak ang quizzes, bagsak ang projects. kahit ano pang gawin niyang pagaaral wala na talaga. bobo lang talaga ang studyanteng iyon kaya talagang nawawalan na siya ng pagasa. isipin niyo na ang estudyanteng iyon ay nakakuha ng leakage para sa longtest nila na worth 50% ng class standing. e di shempre, may pagasa na siyang pumasa diba? kaya lang nagkaloko-loko. natural na bobo ang studyanteng ito at leakage na nga lang hindi pa mamemorize. bumagsak siya sa exam. 3/150 yung score niya. mawawalan na ng pagasa yung bobong yon. at dahil sa kawalan ng pagasang ito. hindi na siya pumasok, hindi na siya nagaral. nagdrop nalang siya. dahil sa kawalan ng pagasa, hindi na niya nakayanan na magpatuloy pa. tio ang pagasang nararamdaman natin at ang pagasang hinahanap hanap natin sa mga bagay na gusto nating gawin.
ang isa pa sa mga pinakasikat na pagasa ay ang "PAG-ASANG BULAG." isa pang laganap ang pagasang ito. pinapractice to ng maraming tao, lalo na sa pilipinas, dahil isa tayong makadiyos na bansa. ang pagasang bulag ay ang pagasang wala kang nakikitang katibayan kung may pagasa ka nga o wala. bumabato ka nalang sa buwan at umaasang tama nga ang hinala mo, naghihintay ka sa oras na magpapatunay na may kwenta ang iyong pinaniniwalaan. si pedro ay isang matipuno at masipag na magsasaka. mayroon siyang isang nagmamahal na asawa at limang mababait at matatalinong mga anak. hindi mayaman si pedro pero angat siya sa ibang magsasaka dahil sa kanyang abilidad magtanim at magani. bata pa lang si pedro ay sanay na siya sa buhay bukid at dahil nga doon ay umusbong ang kanyang negosyo. wala nang hihilingin pa si pedro sa buhay niya, kumpleto na siya e. may nauuwiang asawa at may mga minamahal na mga anak na ubod ng galang. hindi rin nakakalimutan ni pedro na magbigay pasalamat sa kanyang diyos tuwing linggo at magalay dito. hindi rin siya nagkulang sa pagpapalaki ng kanyang mga anak sa spirituwal na aspeto. isang modelong pamilyang pilipino ang pamilya ni pedro. isang araw, bumagyo sa barrio ni pedro habang lumuwas siya ng maynila. signal number seven ang bagyo at di lang talaga masabi sa salita kung gano kalakas ang bagyong iyon. nang tumigil ang malaimpyernong bagyo, dali-daling umuwi si pedro sa kanyang bayan at nagulat nalang siya sa kanyang nakita. ang kanyang mga palay at ang matandang kalabaw ay nakita niya nalang nakahilata sa binabaha pa niyang palayan. ang mangilan-ngilang alagang manok ni pedro ay di na makita sa kanilang kulungan. ang bahay ni pedro na ginawa niya sa pamamagitan ng kanyang sariling kamay, dugo at pawis ay gumuho na. at ang pinakamasakit sa lahat, patay na ang buong pamilya niya. so ito ngayon si pedro. sira ang pamilya, sira ang buhay, walang bahay, walang hanap-buhay. ano pa ba ang gagawin niya? magpapakamatay nalang ba siya? dito pumapasok ang pagasang bulag. makikita mo nalang si pedro, nagdadasal sa simbahan, at umaasa. "panginoon, kung iyon po ang gusto niyong mangyari sa akin, tatanggapin ko po iyon ng walang reklamo at sana ay alagaan niyo nalang ang aking buhay." hindi alam ni pedro kung yun nga talaga yon. kung plano lang ba talaga ng diyos niya na sirain ang buong buhay niya. hindi niya rin alam kung may diyos talaga. hindi niya rin alam kung may iba pang plano ang nasabing diyos na iyon para sa kanya. pero buhay parin siya. buhay parin siya at naniniwala, umaasa. para talaga sakin, relihiyon ang pagasang bulag. pano mo malalaman na may diyos? nakita mo na ba? narinig mo lang naman e diba? pero anong ginagawa natin? nagdadasal tayo sa diyos pag may masamang nangyayari, nagdadasal tayo sa diyos pag may gusto tayo, nagdadasal tayo sa diyos kung may gusto tayong tulungan, nagdadasal tayo sa diyos pag naabot na natin ang lowest point ng buhay natin. yun na yon e. ang diyos ay isa sa mga escape ng tao. pag wala na lahat, andiyan ang konsepto ng diyos, ang relihiyon. pag sa tingin mo wala ka nang patutunguan, pumunta ka lang sa palusot ng lahat ng bigo: "e wala akong magagawa, hindi yon para sakin e, may ibang plano ang diyos." o isipin mo nalang, bagsak ka ng college at wala ka nang skwelahan, isagot mo yan. gaya ni pedro, di lang nasira, pero sumabog na ang buhay mo, isagot mo yan. kung naputulan ka ng mga kamay at paa sabay nabulag ka pa, isagot mo yan. kung nabasted ka, isagot mo yan. kung hindi ka natanggap sa trabaho, isagot mo yan. ang diyos ang pinakasikat na escape ng tao. kailangan natin ito dahil kung wala nang iba, ito nalang talaga. ito ang ating spiritual crutches. pag sobrang pilay na tayo sa lahat ng problema natin, ito nalang ang maaasahan natin para makapaglakad pa.
ang huling type ng pagasa para sa akin ay ang: "PAG-ASANG BUTAS." lahat tayo ay tao. at lahat tayo takot mamatay. pag dating ng araw, maaring mayayakap na natin ang kamatayan, pero dahil tao tayo, takot tayo dito at gusto nating mas tumagal pa ang buhay natin. dahil dito sa takot na ito, gumagawa nalang tayo ng paraan para mabuhay kahit alam naman nating wala na talaga. sa utak natin, nagiimbento tayo ng pagasa, gumagawa tayo ng mga bagay na sobrang alam mo naman na imposibleng mangyari. pero shempre, hindi lang naman ito iniimbento dahil ayaw ng tao ang kamatayan. minsan nagreresort tayo sa pagasang ganito dahil ayaw nating masaktan. magbubulagbulagan nalang tayo dahil ayaw nating matanggap ang katotohanan. aasa nalang tayo sa wala para lang mas mapagaan sa mga puso at isipan natin ang problemang dinadala. si rodney at si roderick ay magkapatid. si rodney ang mas nakakatandang kapatid habang si roderick naman ang malas nilang bunso. namatay ang girlfriend ni roderick at siya yung sinisisi sa pagkamatay nito. dahil sarhento ang tatay nung girlfriend ni roderick, napapabalitang ipapasalvage siya balang araw. mahilig rin tumaya si roderick sa NBA, sa chinese mafia. natalo si roderick sa upset game ng chicago bulls at utah jazz. natalo si roderick ng mahigit 10 milyon. papatayin na siya ng mga ito kung hindi siya makabayad. ang tatay ni roderick ay isang conservative na tatay at tradisyonal ang pagpapalaki sa mga anak. dahil sa mga nangyaring ito, dinisown na niya si roderick at pag nakita pa niya ito, paptayin niya si roderick. si roderick ay naging wanted rin dahil sa pagtangang nakawan ang isang "mini-stop". shoot to kill si rodercik. lahat ng mga taong ito ay may isang gusto, ang kamatayan ni roderick. lahat sila maliban sa kanyang kapatid na si rodney. nagkita si roderick at rodney sa ever gotesco at pinagusapan nila ang plano ng bobong batang mamamatay na.
RODERICK: Oi rodney! RODNEY: PUTANGINA MO RODERICK! MAMAMATAY KA NA! BAKET HINDI KA PA NAGTATAGO! TANGINA WAG KA MUNANG MAMATAY? RODERICK: Mamamatay? haha! kuya naman. hibang ka na ba o high lang? taenang to, ako pa mamamatay! sino ba namang papatay sakin. RODNEY: NBI... Chinese Mafia... Si Daddy... at PNP.. RODERICK: Ha? anong pinagsasasabi mo? gago! RODNEY: Puta roderick, magseryoso ka naman. ayaw ko pang mamatay ka. ipapasalvage ka daw ng tatay ni trina mamaya, alas-otso ng gabi. RODERICK: haha! hindi no! anong salvage? di salvage yon. medyo nagkaproblema lang kasi kami. misunderstanding lang yon. ok lang yon lahat. RODNEY: fine fine. pero yung chinese mafia? pano yon? papatayin ka daw nila pag di mo nadala ang pera mamayang alas-nuebe sa kanila. RODERICK: haha! si kuya praning! parang supot. hindi ako papatayin nun no! maguusap lang kami ng mga yon! kala kasi nila 10 million utang ko e 10 thousand lang dapat yon. maguusap lang kami non mamaya, tapos ayos na. RODNEY: tangina.. si daddy? RODERICK: si daddy yon e! papatayin ba ako ng sarili nating ama? imposible! RODNEY: ...nakahanda na ang M16. papatayin ka niya mamayang alas-diyes pag di ka pa umalis ng area. RODERICK: laruan lang yon! gag gift na binigay ko sa kanya nung birthday niya! haha! malamang tatakutin lang ako non tapos maglalarong konti, tapos ayos na kami. RODNEY: wanted ka sa PNP Roderick. shoot to kill ka. papatayin ka non on sight. RODERICK: hindi ako tatablan ng bala! may anting anting ako e...
kahit pano mo tignan, patay na talaga tong si roderick. taenang yan. wala na talaga yan. pero dahil nga don sa takot na yon, nagreresort siya sa butas na pagasa para sa lakas. sa pekeng lakas na magbibigay sa kanya ng panandaliang solusyon at kasiyahan. isang pekeng pagasa.
ang pagasa ay nagbibigay sa atin ng dahilan, ng rason para maging tayo. kung hindi dahil sa pagasa, wala na tayong lahat. baket pa tayo magtiyatiyagang mabuhay kung wala naman tayong aasahang mangyari? dapat magpasalamat tayo sa emosyon na ito dahil ito ang dahilan kung baket buhay pa tayong lahat. pag iniwan na tayo ng lahat. pag wala na ang mga magulang natin, pag nakalimutan na tayo ng mga kapatid natin, pag tinalikuran na tayo ng mga kaibigan natin at napagiwanan na tayo ng panahon... wala na tayong ibang magagawa kung hindi umasa. kung hindi na tayo aasa, wala na, magpakamatay nalang tayong lahat. mas maganda pa yon kaysa mabuhay ng walang direksyon at dahilan. ang pagasa ang nagbibigay sa atin ng dahilan, ng direksyon. peke man o totoo, andiyan parin ang pagasa para sa atin.
|