|
wala pa pala akong nasusulat tungkol sa pagddrive. matagal ko na balak gumawa ng tungkol don, ewan ko kung baket wala pa.. hmm.. pero bago ko to simulan, tanungin mo muna tong mga simpleng tanong na ito sa sarili mo, at sagutin mo ng OO o HINDI. 1) marunong ba akong magdrive? 2) magaling ba ako magdrive? 3) sumusunod ba ako sa patakaran ng kalsada? 4) reckless ba ako magmaneho? 5) prone ba ako sa road rage? 6) binabangga ko ba yung kotse ng kaibigan ko kasi trip ko lang? 7) tatakbuhan ko ba yung batang kalye na nasagasaan kasi kasalanan naman niya? 8) kaya ko bang maging driver ng mga holdaper ng bangko? 9) kaya ko bang mag180 sa EDSA kahit rush hour? 10) mananalo ba ako sa lotto? 11) bakla ba ako? 12) eh? 13) e? 14) ? 15) bigyan mo ang sarili mo ng isang punto bawat OO ang sagot mo. ito ang "breakdown" ng punto. kung nakakuha ka ng score na negative.. gago ka.. hindi pwede mangyari yon.. wala naman akong sinabing right minus wrong. kung 0 - 5 ang score mo, sorry, pero para sakin, hindi ka marunong magdrive. kung 5 - 10 ang score mo, congrats, pumasa ka. kung nakakuha ka ng score na 15, bakla ka. kung sinagot mo ng OO o HINDI ang huling limang numero, tanga ka, kasi hindi mo naman masasagot ng OO o HINDI yan kung hindi tama ang konteksto ng paggamit. nung tinanong ko iyan sa sarili ko, nakakuha ako ng 8. 9 kung tumataya ako sa lotto. para saan yon? wala, gusto ko lang sayangin yung oras mo. haha.
meron kaming taxi corporation noong araw. Moonways yung pangalan. gemini pa lahat ng taxi noon at mukhang dilaw na tae yung kulay nilang lahat. siguro nagkaroon kami ng lagpas bente na taxi noon.. ang pagkumpuni ng mga mekaniko sa mga kotse ay kasabay ng aking paglaki. nabuhay ako sa mundo ng mga kotse, mekaniko at taxi drivers. binuhay at pinagaral ako ng mga taxi na iyon. kaya siguro ganon ganon nalang ang pangarap ko na maging isang taxi driver. hindi piloto, hindi astronot, hindi bumbero.. taxi driver. bata palang ako, gusto ko nang magdrive.. sobrang gusto ko nang magdrive, na sabi ng yaya ko, imbis na bote ng gatas yung inaabot ko, manibela ng isang malakulay dilaw na taeng gemini ang inaabot ko. haha.. barbero amputa.. pero shempre, hindi ko pa abot ang silinyador, kung maapakan ko man yon, wala na akong makikita sa kalsada.. kinailangan ko pang maghintay ng ilan pang taon. grade school ako non.. sikat na sikat ang Eraserheads.. meron silang hit single na ang pangalan ay OVERDRIVE. gustong gusto ko iyong kantang yon, dahil nakakarelate ako kay ely buendia.. tulad niya, gusto ko rin magdrive.. kahit sa kung saang lugar pa.. at dahil moonways ang pangalan ng mga taxi namin, mas may posibilidad na marating ko ang buwan kaysa sa kanya.. pero tulad ng problema niya sa kanta.. wala rin akong lisensya at hindi ako marunong.. mahirap talagang maging isang batang mangmang.. sobrang passionate ako sa pagdrive. kaya nung natuto ako nung third year high school ako, sobrang saya ko na parang tumama ako sa dulo ng mundo. A1 ang official driving school na nagturo sakin.. bago ang A1, tinuturuan lang ako ng tito ko ng basics, at natututo naman ako. kinuha ko ang 7hour training program ng A1. di ko naman kailangan ng masyadong maraming oras para lang matuto. skwater ng A1 puta.. seryoso.. magaling sila, matututo ka.. pero skwater parin.. isipin mo a, nung unang araw ko palang, sinaksak agad ako sa espanya.. puta naman e.. espanya yon e.. punong puno ng mga tarantadong ulul na hayop na "jeepney drivers" ang pangalan. e di ano pa bang mangyayari sa akin? hindi ako marunong at kakaunti lang ang alam ko sa lansangan.. nagkaloko loko ang pagmamaneho ko, parati akong namamatayan kung saan saan. skwater talaga. sa pangalawang araw ko, sa EDSA niya ako dinala.. sakto non, EDSA TRES.. punong puno ng mga nagwewelang tao ang EDSA. nung nasilayan ko ang mga taong iyon, sabi ko sa kanya.. "tsk, ano ba tong mga taong to.. para lang silang gago.." hindi ko alam kung nakuha niya nag prejudice ko sa linyang iyon, pero sumagot naman siya ng: "e kasi naman, dapat talaga hindi nila kinulong si ERAP, mali naman yung ginawa ng gobyerno e.." amputa, ERAP loyalist pala siya.. napasagot nalang ako ng: "oo nga e, mali nga yon.." haha.. taena.. di ko alam sasabihin ko kasi baka maburat siya sakin tapos iwala niya ako sa kung saang lupalop ng maynila.. puta, delikado na.. haha.. nung pangatlong araw, mejo ok na ako.. confident na ako magdrive at parang wala nalang sakin ang pressure ng mga tao sa kalsada. e di ayon, asa may espanya ulet kami.. nagccruise around nalang ako at mejo binibilisan ko na magmaneho.. tapos kinut ako ng isang jeep tapos di ako nakapagpreno agad.. sobrang konti nalang mababangga ko na yung jeep.. ang lapit non sobra, konti nalang tancha ko maamoy ko na yung driver. nagpanic siya! hahaha.. madali niyang hinatak yung handbreak at nag screech ang kotseng dala ko.. nakita ko talaga ang pagbabago sa mukha niya.. bago kasi non, mejo maganda ang mood niya at mukha siyang kalmado, naghuhum pa nga e.. pero pagkatapos nung bangga, yung mukha niya mukhang nasusunugan siya ng bahay.. hahaha.. taena talagang yon o.. ako sobrang kalmado lang na parang walang nangyari.. pero siya mukhang pinagpapawisan na ng sobra sa takot.. hahahaha.. tapos non, nagsermon siya.. sermon talaga.. hindi naman mukhang galit na sermon, pero yung tipong sermon na sinasabihan ka ng "puta naman e, muntik mo na akong patayin".. hahaha.. tapos ang nakakagago pa non, habang nagsasalita siya, natatawa ako kasi yung mukha niya talaga yung tipong kakagaling lang sa life and death experience.. hahahaha. tancha ko nagflash sa mukha niya yung buong buhay niya e.. hahaha. hirap na hirap talaga ako sa pagpigil ng tawa. hanggang yung pangapat na oras nalang yung inattendan ko.. bale don sa 7 hours na yon, may tatlong oras pa akong natitira.. kung pumunta ako don ngayon, pwede pa akong maglesson. kakamustahin ko siya.. hahaha. ang sarap ng feeling pag nagddrive ka na magisa.. para bang ang tanda mo na at kaya mo nang magisa lang sa mundo. nakakataas ng feeling ng matureness.. haha. parang pinalaya ka sa bartolina. meenjoy mo pa ang mga unang buwan mo sa pagmamaneho.. parang wala lang sa iyo ang traffic, ok lang sayo pag tinatarantado ka ng mga bobong drivers, tinatawanan mo lang ang cases ng road rage sa kalye, di ka pa tatamarin maghatid ng mga kaibigan, at kung ano ano pa.. para bang wala kang problema sa mundo ng pagmamaneho.. feeling mo, nakikipagisa ka lang sa mundo ng mga drivers. tapos, eto na. sa pang anim o mas late pa ng buwan ng pagmamaneho, mapapansin mo na parang pabobo ng pabobo ang mga drivers sa tabi mo. para bang habang tumatagal, mapapansin mo na ang tanga pala nilang lahat at ang konti lang ng sumusunod sa patakaran ng kalsada. mapapadalas rin ang impulses mong buksan ang bintana para sigawan yung skwater na jeepney driver ng "putangina mo, mamamatay ka ng mahirap skwater".. at tatamarin ka na rin sa paghatid.. iisipin mo na ang layo at ang traffic bago ka sumangayon sa paghatid. hindi na exciting ang pagddrive ngayon.. hindi na tulad nung bata ako.. kung alam ko lang na ganito lang ang mangyayari, e di sana yung bote nalang ng gatas ang inaabot ko at hindi ang manibela ng malakulay dilaw na tae ng taxi. pero shempre, may pagkakataon na masaya ang pagmamaneho. ang kailangan mo lang talaga, ay mga pasaherong may kwenta. kung magddrive ako ng malayo, yung tipong tagaytay o baguio, sinisiguro ko na, na gusto ko at may kwenta ang mga taong sumasakay sa kotse ko.. kasi kung skwater yung sasakay don, wala na.. yung pagddrive mo, parang isang taon at hindi isang oras. parang nung isang sunday ng 2003. hindi ko na maalala kung anong meron non.. wala atang pasok kinabukasan o break.. ewan, di ko na matandaan.. basta isa lang yung maulan na linggo. nagising ako ng mga alas dose ng tanghali at nakita ko ang text ng isa kong kaibigan na nagyayang pumunta kami ng EK. libre daw ang tickets.. parang ganito yung naging usapan namin.. SIYA: oi! EK daw tayo. libre tickets! AKO: uh. pano tayo punta don? SIYA: bus! madali lang naman magbus papunta don. AKO: e di ako nalang magddrive, tapos bayaran niyo nalang gas ko. SIYA: sige ok lang. tara, magyaya pa ako ng mga tao. AKO: o sige. parang wala lang. sobrang impromtu nung EK na yon. walang paalam paalam.. tapos linggo pa at umuulan.. haha.. taenang yan.. ang saya talaga non e.. nung nasa kotse na kami, pito kami.. nagkasya kami sa isang altis.. pitong tao.. taena marami yon chong.. haha.. masikip sa loob ng kotse. traffic. malayo yung lakbay. pero puta, sinasabi ko sayo.. isa yon sa mga pinakamasasayang gimiks na napuntahan ko.. haha.. buong araw na yon, tawa lang kami ng tawa.. mula sa galle, papuntang EK, hanggang pauwi.. hindi na natigil yung pagtawa namin.. tinatawanan namin ang isa't-isa, tinatawanan namin yung mga tao sa labas, yung mga kotse, mga billboards.. tinutulungan namin yung isa kung pano "shumots" sa babaeng pinopormahan niya.. lahat.. ang saya talaga non. uh.. teka, balik tayo sa pagmamaneho.. heh. isa sa mga pinakamalaking disadvantage ng pagmamaneho: magiging school bus ka ng LAHAT. masaya yon kung ganado ka maghatid at kung yung mga hinahatid mo, mga kaibigan mo talaga. pero hindi e. puta, kung may mga kakilala kang makakapal ang mukha, kahit di mo sila mga kaibigan, magpapahatid sayo. malamang, makakaenkwentro ka ng mga banat na ganito: "uy! pahatid naman later o, please?" "hiyee! can you make us hatid later? pwetty pwease?" "namatay aso ko e, gusto ko sana umuwi kaya lang di ako masusundo ni mommy, nasa ospital siya e, sinasamahan niya yung lola ko dahil malapit na ata mamatay yon e.. di ata nakayanan yung pagkamatay ng lolo ko kahapon.. kawawa naman ako.. pano na to? kailangan ko talaga umuwi, kasi kung hindi mangangamoy patay na aso yung bahay namin, nasa loob pa naman yung labada.. nako.. pano na.. kawawa naman ako.. wala naman akong kotse.. di naman ako katulad nung ibang tao........................... may kotse ka diba? pahatid naman o.." "pare, ako si polnak, pasabay." lahat lalapit sa iyo pag pagpapahatid na yung usapan.. mga kaibigan mo, kaibigan ng kaibigan mo, kaaway mo na kaibigan ng kaibigan mo, crush ng kaibigan mo, kinakautangan mo ng utang na loob, MGA HINDI MO KILALA, at kung sino sino pang animal jan na di mo alam kung san nanggagaling. puta nakakaburat talaga nung isang beses na may kasama ako, tapos pinapasundo sa akin yung kaibigan niyang lalakeng hindi ko naman kilala. "hey let's make sundo naman Bruno! he's all alone daw in his house e, lets go! he's in alabang lang naman e." skwater amputa.. nung sinabi ko na "gago ka ba?" nagalit pa.. hindi ko alam kung baket, kasi seryoso yung tanong ko kung gago ba siya o ano. TANGINA NON. wag na wag niyong gagawin yon, kasi nakakabastos. kahit nagddrive na yung kaibigan niyo, hindi yon driver, kaibigan mo yon na nagmamagandang loob na sa pagddrive sayo. taena talaga.. daming skwater sa mundo. seven out of ten times, magaalangan ka sa paghatid sa mga kaibigan mo.. minsan, hindi mo alam kung anong gagawin mo.. nagaalangan kang hindi pumayag (kahit right mo naman gawin yon), kasi nga mga kaibigan mo yon at mahirap silang talikuran lang. kadalasan, pag may nagpapahatid sakin, pumapayag ako kasi ok lang naman talaga.. minsan nga lang, may mga pagkakataon na nagdadagdag sa pagkahasel ng paghatid. pero kung wala naman akong pakialam sa tao, bibigyan ko ng malutong na "hindi" o kaya tatanungin ko kung gago sila. sa dami na ng narinig kong intro para sa paghatid, nakahanap na rin ako ng mga pangbara sa mga iyan. "di pwede, may kailangan pa akong gawin e." "hatid ko pa si mommy sa malayong lugar at malamang matatraffic ako." "susunduin ko katulong namin sa airport e, namatay kasi lolo niya kaya umuwi, e wala yung driver, kaya ako nalang daw." "namatay aso ko e. gusto ko nang umuwi kasi walang tao sa bahay. si mommy nasa ospital e. sinasamahan niya yung lola ko dahil malapit na ata mamatay yon e. di ata nakayanan yung pagkamatay ng lolo ko kahapon.. kawawa naman ako.. pano na to? kailangan ko talaga umuwi. kasi kung hindi mangangamoy patay na aso yung bahay namin, nasa loob pa naman yung labada.. nako.. pano na.. kawawa naman ako.. di na kita mahahatid kasi ang dami ko nang pinoproblema.. yung paguwi mo, sa iba mo nalang ipaproblema." (isang beses lang to gumagana) "luma na yung hangin sa gulong ko." "ayoko don, malubak" "ayoko don, ang daming humps" "masisira kotse ko mamaya e" "puta baka mapatay ako don e, skwater kasi neighborhood mo e" "ulul mo gago, wala akong pakialam sayo, mamatay ka nang hayop na freeloader ka, skwater! (gumagana parati 100%, at asahan mo nang hindi na ulet magpapahatid yun sayo.) ang pagmamaneho ay isang magandang kakayanan. kapangyarihan nga ito para sa iba. pag dla nila yung Z3 na BMW nila sa DECADES, marami silang mapipikup na babae. daming masisibak yon.. hahahahaha.. decades amputa. "with great power comes great responsibility" sabi nga ni uncle ben. kailangan responsable ka, kasi kung hindi, mamamatay ka. masyado nang maraming bobo, skwater, tanga at mga putanginang driver sa lansanga, kung hindi ka magddrive ng maayos, wag ka nalang dumagdag.
|