|
habang sa downs ako ng mga alas-dos ng umaga kasama ng MARAMI pang ibang nocturnal na mga tao, napagusapan namin ni cams ang mga nakasulat dito.. nagsuggest siya na magsulat daw ako tungkol sa.. KABATAAN.. napakagandang ideya.. nung pagkabasa ko palang sa suhestiyon niya, sobrang napa "oo nga no, taena" ako.. ang unang naisip ko agad e yung mga batang literal.. yung mga three years old o ano.. pero iba pala yung sinasabi niya na bata.. hahahaha.. pero ok lang.. tulad ng sinabi ko kay cams, papaabutin ko nalang don.. tancha ko, lahat naman tayo dumaan sa pagkabata diba? putcha, wala naman sigurong parang singaw lang jan na sumusulpot lang bigla.. puta.. absurdo yon.. hahaha.. taena.. ang saya maging bata.. sobrang saya talaga.. alam mo yung mga panahon na lahat ng tao mas malakas at mas malaki sayo? tapos parang ikaw, pilit kang nagpapalaki at nagpapatanda para lang maging "in" ka? sige.. simulan natin ang kabataan.. kabataan in general to mga pare.. heh.. alam mo yung tipong may usapan, tapos hindi ka pwedeng makisali kasi usapan ng matatanda? heh.. SETTING: DINNER TIME. SA DINING ROOM. NANAY: san ka nanaman nagpunta kagabi? umaga ka na nakauwi a! TOTOY: hindi naman ako umalis ng bahay nanay a.. NANAY: hindi ikaw totoy. TATAY: e alam mo naman sina pareng gener, nagkayayan, inuman daw.. NANAY: inuman? inuman tapos amoy pabango ng babae yung polo mo? TOTOY: babae? wala po akong kilalang babae.. meron isa, si cherry.. yung ate ng bestfriend kong si ruel.. NANAY: punyeta totoy hindi ikaw.. wag kang umepal sa usapan namin.. TATAY: ah sus, yun ba.. uh.. ano.. kasi.. alam mo naman si georgie, kumuha nanaman ng pokp..(sabay titingin kay totoy at maaalalang bata pa siya)uh.. kalapating mababa ang lipad sa circle.. bading pa nga yung isa e! TOTOY: ano po yung kalapating mababa ang lipad? gusto ko rin ng ganon para madaling hulihin.. NANAY: hay nako totoy, wag mong intindihin yang kalandian ng tatay mo.. o e ano naman ngayon? e di tuwang tuwa ka't nilalandi ka ng mga babae? TATAY: hay nako.. hindi ko sila inano.. hindi lang nila mapigilan sarili nila.. minsan lang daw sila makahanap ng customer na gwapo.. TOTOY: ako rin gwapo ako diba nanay? diba tatay? diba gwapo ako? baka lumapid sa akin yung mga kalapating mababa ang lipad. NANAY: putangina ka totoy nabuburat na ako sayo hayop ka. wag ka sumali sa usapan ng mga matatanda! TOTOY: ..............diba po kayo yung ina ko? TATAY: (pinipigilan ang tawa) totoy wag mo gaganyanin nanay mo! wag ka nang sumagot at umakyat ka nalang sa kwarto mo.. usapan ng matatanda to.. NANAY: tarantadong bata to a. tsk tsk tsk.. skwater.. hahahaha.. di ka na pwedeng sumabat talaga.. pag humirit ka pa, papaluin ka ng sinturon sa pwet.. taenang yan.. tama si rizal e.. baket daw pag yung bata hindi pwedeng umepal sa usapan ng matatanda, pero pag matatanda kahit kelan pwedeng umepal sa usapan ng bata? taena, ano nga bang alam nila sa mundo ng mga bata? hahaha. tapos pag bata ka, lahat totoo.. lahat pwede.. hindi ka pa praning.. naaalala niyo ba yung commercial nung del monte? may kamatis, tapos may lata sa ilalim.. tapos sa end nung commercial, biglang pumasok yung putanginang kamatis sa lata! putcha.. sobrang aliw na aliw ako don.. di lang siguro 5 kamatis yung nawasak ko kakagaya don sa commercial na yon.. hahahaha.. taena.. pilit kong pinapasok sa lata yung bwiset na kamatis na ayaw namang pumasok.. burat na burat nanay ko non sakin e.. hahahaha.. taena.. ang dami ko kasing nasira na kamatis.. ay at alam mo pa ang isang nakakagago? pag bata ka, para bang nakakalimutan ng mga magulang mo na inosente ka pa at yung mga hirit mo e hindi naman intentional.. may storya ako.. alam niyo ba yung spanish sardines? yung nasa bote na masarap talaga.. astig yon e.. mahilig kami don dati.. kasi astig nga siya.. tapos ate ko, nagtatrabaho na non, nagbabaon siya parati non sa office.. e hindi naman siya bumibili, so ang dinadala niya, yung binibili ng nanay ko.. tapos isang araw, nakita ko yung nanay ko na nagaayos ng groceries sa shelf.. tapos napansin ko, tinatago niya yung bote ng spanish sardines.. e di tinanong ko.. "bakit mo tinatago yung spanish sardines?" "para hindi makita ng ate mo at hindi niya baunin sa opisina.." e di yon.. wala na.. tapos, nagkataon na grocery day namin kinabukasan.. sunday kasi e.. so grocery grocery kami.. heh.. tapos dumaan kami sa aisle ng may mga spanish sardines.. tapos bumibili yung nanay ko.. e di sabi ko.. "diba meron pa niyan sa bahay?" "wala na.. naubos na matagal na.." sabi ng nanay ko.. "meron pa e! dun sa taguan mo para hindi makuha ni ate yung sardines? diba? kahapon?" sabi ko.. ayon.. burat na burat yung nanay ko sakin.. hahahahaha.. taena.. kasi parang napahiya nga siya sa ate ko at tinataguan niya non.. hahaha..parang ganon.. tapos ako, humihirit pa ako ng "totoo naman e, nakita kita kahapon diba?" .. tapos hindi ko talaga alam yung ginawa kong mali.. hahahahahahahaha.. taenang yan.. nagsabi lang ako ng totoo napahamak pa ako.. kaya ako tumanda ng sinungaling e.. HAHAHAHAHA.. joke lang.. hindi pa ako matanda.. hahahahhahahaahaha.. tapos parang sobrang lahat ng bagay sa paligid mo noon, naiimpluensiyahan ka ng malupet.. nung bata kasi ako, usong uso yung "lois and clark" na show sa ABC 5.. nung hot pa si terri hatcher(di ko alam spelling).. hahahaha.. ngayon matanda na yon e.. o anyway.. sobrang idol na idol ko si superman.. mayron kaming parang talyer.. kasi may taxi corporation kami dati e.. mga 1980's hanggang early 90's naglast.. yun yung puros gemini pa yung taxi at puro yellow pa.. ang dami nga naming taxis e.. 25 yon dati.. ay.. ANYWAY.. mayroong parang ramp don.. para maayos yung ilalim ng kotse.. so ang ginagawa ko, mula sa ramp na yon, tumatakbo ako pababa habang inuunbutton yung ateneo grade school polo shirt ko.. sabay sumisigaw ako ng superman.. hahahaha.. talagang ilang beses kong ginagawa yon kasi feeling ko pag ginawa ko ng ginawa at sobrang naniwala ako at nagisip ako ng mga "happy thoughts" lilipad talaga ako..pero hindi talaga.. siguro after mga..... uh.. ilang tries tumigil na ako.. hindi na talaga ako liipad.. hahaa.. tapos nauto pa ako na may santa claus.. nung grade 1 ako.. sa isang christmas party.. nasa ags covered courts si santa claus! oo pare.. si santa claus! talagang imported na santa! taena! hahahahaha.. hindi ko alam kung san galing yon.. pero hindi siya pilipino.. pero.. ang bata ko pa non.. tapos may doubts agad ako.. tinanong ko siya "if youre really santa claus, can you tell me my name?".. ang sabi niya, "with all the children around the world, you cant expect me to remember every one of your names right?" sabay humo-ho-ho.. taenang yan.. hahahahaha.. skwater.. tapos talagang ang ganda ng pagkainosente ng bata e.. yung pagkawalang alam.. talagang walang kamuwang muwang sa mundo.. yung tipong katangahan, pero cute na katangahan, kasi bata pa.. pero pag nasa teenage years na tapos ganon parin, BOBO na? heh.. parang nung isang time na sobrang uso ang "OK KA FAIRY KO".. mahilig na mahilig ako don e.. idol na idol ko si prinsipe K.. hahahahaha.. taenang yan.. pero seryoso.. idol ko si vic sotto.. hahaha.. o basta yon.. may beta max kasi kami non.. tapos isang time, parang nagsshow yung OK KA FAIRY KO.. tapos sabi sakin ng mom ko "oi may surprise kami sayo".. sabay sinalang yung betamax tape.. tapos OK KA FAIRY KO THE MOVIE.. puta.. gulat na gulat ako non kasi parang nasa 2 lugar si ruby rodriguez at the same time.. oo nga asa tv siya, pero magkaiba yung ginagawa niya.. hahaha.. taena.. aliw.. (taena niyo hindi ako tanga, batang bata lang talaga ako nito.. hahahahaahahaha) tapos alam niyo pa yung isang nakakaburat pag bata ka? yung tipong minamatch match ka ng mga magulang mo sa iba pang mga batang babae? (o lalake kung babae ka).. katulad nung isang kaklase ko nung NURSERY sa LEARN AND PLAY PRE-SCHOOL.. si apple.. sobrang pinasok ata sa utak ng mga magulang ko yung babaeng yon ang mahal ko, kaya siya nga yung naging "crush" ko.. seryosong crush ko yon.. dahil nga sa mga magulang ko.. mananawagan na rin ako sa mga taong nasa paligid.. KUNG MAY APPLE KAYONG KILALANG APPLE, PAKITANONG NAMAN KUNG SA LEARN AND PLAY SIYA NAG PRE-SCHOOL.. siya na yung nawawalang mahal ko ng ilang taon na.. ahahahahahaha..13 taon na actually.. or more.. ewan.. taena.. hahahaha.. ang mga bata ang pinakamadaling perahan.. kasi uto-uto na nga, madali na ngang mainmpluensyahan, sobrang naniniwala pa sa lahat.. wag mong sabihin sakin nung unang beses lumabas yung rubber shoes na walang sintas, yung di pump.. naaalala niyo yon? o wag mong sabihing nung unang labas non at pagkita mo na suot suot ng kaklase mo, hindi mo ginustong magkaganon rin? o kaya kahit yung mga ballpens na nagiging laruan.. uh.. di ko alam tawag don e.. ang mahal kasi non e.. gustong gusto ko non dati, pero ayaw akong ibili ng mga magulang ko kasi mahal na nga, tapos tinututulan pa ng mga ate ko kasi ng impraktikal.. hahah.. burat na burat ako non e.. hahaha.. lahat ng uso gusto ng mga bata.. lahat ng mukhang cool.. lahat ng mukhang astig.. lahat ng maganda.. lahat ng ginagawa ng matanda.. kaya madali silang perahan.. ay at alam niyo ba kung san nakuha ng mga tao yung idea na "pag bawal, masarap"? galing yan sa pagkabata.. mahilig magrent ng VHS tapes ang nanay ko dahil mahilig siyang manood ng pelikula.. since wala kaming cable nung mga panahon na yon.. tapes nalang.. tapos ako yung tiga-rent ng mom ko e.. tinatanong tanong ko lang sa mom ko yung gusto niya.. e usually kasi, gustong types ng movie ng mom ko, yung action na suspense thriller na may twist.. yung tipong mapagiisip ka pa kung sino yung killer.. o basta yung ganon.. action/suspense/thriller.. yung mga ganon.. e usually, mga R rated movies yon.. so may nudity or mild sex scenes don.. tapos shempre, pag may kantonan na, sasabihin ng nanay ko, ng ate ko, o ng kahit na sinong nakakatanda: "o labas ka muna, tawagin ka nalang namin pag pwede ka na ulet.." e di shempre, lalabas naman ako.. parating nangyayari to.. minsan sandali lang.. minsan false alarms.. pero minsan MATAGAL talaga.. siguro, 20 minutes na.. tapos biglang pag balik ko, ibang movie na.. PINALITAN NA! hahahahaha.. kanton b-movie pala!!!!!!!!! hahahahahahahahahhahaha.. taena.. nakakagago yun minsan e.. taena.. hahaha.. o e di shempre.. curios na ako.. ano ba yung mga punyetang scenes na kelangan kong umalis?! so isang araw.. pinanood ko.. ayown.. dun na nagsimula ang mundo ng kababalaghan.. hahahahahahahahahahahahahah-ahahahahahahahahahahahahaha.. skwater.. basta.. galing naman lahat sa pagkabata.. kung baket ka mabait ngayon, kung baket ka masikreto, kung baket ka patawa, kung baket ka seryoso, kung baket ka praning, kung baket ka mataray, kung baket ka mapangmata, kung baket ka bakla, kung baket ka tibo, kung baket ka sabog, kung baket ka malibog, kung baket ka mahilig magmura, kung baket marami kang kaibigan, kung baket wala kang kaibigan, kung baket mga kaibigan mo bakla.. gets? dun lahat galing yan sa pagkabata mo.. sobrang importante ang pagkabata e.. kasi lahat ng kailangan mo jan mo mapupulot.. yung pagiging competetive.. nakuha ko yun sa pakikipaglaro ng jolens at teks sa mga taong kanto.. wala naman talaga akong kilala dito sa baranggay namin e.. so yung mga kalaro ko, mga batang galing kanto.. literal na sa kanto nakatira.. oo skwater sila.. sila yung kalaro ko.. kalaban ko sa jolens o sa teks.. usually dinadaya nila ako at pinagsasamantalahan nila yung pagiging tanga ko dahil nga mas may kaya ako sa kanila.. gets? ganon naman parati e.. nauutakan yung mas may pera.. kasi usually yung mga mayayaman impraktikal e.. taena.. hahaha.. o anyway.. dun ko nakuha yung competitive skills ko.. seryoso men.. ang galing ko sa teks.. lalo na dun sa teks ng xmen cards.. hahahaha.. dahil nga yung mga kalaban ko, mga boy-kanto.. marami silang contancts.. nakakalaban ko pa yung mga bata ng kabilang baranggay.. minsan nakakalaban ko yung isang mayaman rin na bata na tiga ibang baranggay.. tipong parallel baranggays, tapos yung kalaban ko na galing sa parallel baranggay, AKO.. gets? hahahaha.. basta ganon.. tapos usually nananalo ako.. well most of the time.. pag natatalo ako, nababawi ko naman e.. hahahaha.. tapos nung tumatanda tanda na ako, basketball naman kalaban yung mga construction workers at oo, boy-kantos.. hahahaha.. nakuha ko sa pagkabata ko yung pagiging team player.. na hindi lang ikaw ang parating bida parati.. dapat magfunction ka para mas gumana ang isang systema na mas malaki sayo.. nakuha ko yon sa paglalaro ng agawan base at taguan.. ahaha.. sa agawan base, andun yung kailangan niyong skumore.. tapos shempre, para magawa yon, kailangan ng strategy, at minsan, sacrifices.. so nagwowork ang lahat para makaabot ng isang certain goal.. ang galing nga ng game na yon e.. hindi ko naappreciate yung beauty ng larong yun hanggang nung tumanda na ako.. tapos andun rin yung pag may nahuli, kailangan mong ibail out.. hahaha.. taena yun yung astig e.. hahahaha.. tapos sa taguan naman.. alam mo yung tipong, ayaw mo talaga dun sa taya, kaya pag naka"SAVE" ka na, icoconfuse mo siya para hindi niya mahuli yung mga iba pang nagtatago? yung tipong sasabihin mo "uh dun siya nagtatago sa may kotseng butas yung isang gulong pero umaandar parin pag tinulak kaya lang di na lalagpas ng 40km/h kasi sobrang luma na at kulang pa sa hangin yung gulong.." tapos pag pumunta yung tao don, magsisignal ka naman dun sa nagtatago na lumusob na ata walang nagbabantay.. hahaha.. inam talaga non.. sa pagkabata ko naisip na hindi pwedeng parating ikaw yung panalo.. may family computer ako dati.. sobrang gustong gusto ko talaga nung family computer.. laro ako ng laro non.. nilagyan na nga ng boundaries ng nanay ko kasi nga sobrang parati na.. so pwede lang ako maglaro pag 8am-12nn at 1pm - 5pm.. parang office hours.. hahaha.. ayon.. tapos shempre.. yung mga pinsan ko, bumibisita.. kaya naglalaro rin sila.. e di shempre.. kalaro ko sila.. tapos may isang game dati e.. hindi ko alam kung ano, pero astig siya na game.. tapos ang alam ko, magaling ako don.. tapos biglang natalo ako nung isa kong pinsan.. naburat ako sa kanya.. hahah.. taena.. seryoso men, naburat talaga ako.. sinapak ko pa ata siya.. hahaha.. tapos umiyak ako.. hindi ko alam kung baket pero umiyak ako.. siguro andun na rin yung feeling ng hindi ko siya natalo sa isang game na alam ko.. parang ganon.. tapos parang inexplain sakin ng mga tao na hindi pwedeng ako parati yung mananalo.. parating may iba pang tao jan at hindi dapat ako maginarte pag hindi ako nananalo.. marami pa akong sasabihin dapat.. kaya lang puta ang haba na pala nito.. ahahahaha.. skwater.. ayon.. basta astig yung pagkabata.. hindi ko na napaabot dun sa isa pang interesanteng parte, pero.. siguro ihihiwalay ko nalang yon.. heh...
|