una akong nakapagchat nung ako'y labing-isang taong gulang pa lamang.. pero hindi IRC pa noon.. dun palang ako sa Virtual Asia chatroom, kasi nga dun nagtatrabaho yung ate ko.. tapos yun lang naman ang alam kong chatroom..

naaalala ko pa noon.. dahil hindi pa ako regular, hanggang 10 lines lang ang pwede kong sabihin.. oo 10 lines.. pagkatapos non, madidisconnect ata ako sa server.. so gumagawa akong bagong username para lang makapagchat ulet.. heh.. tancha ko mga 9 pagpapalit yung ginawa ko.. at yung mga nicks na ginamit ko noon, mga tipong Spartan, maximum_spider, Warblade at kung ano ano pang inakala kong TIGAS nung ako'y bata pa..

tapos.. nung nagkaroon na ako ng sariling internet.. grade 7 ako non.. ang saya saya ko.. kasi yun yung pupuntang Canada yung ate ko.. tapos maiiwan ako sa computer.. akin lang! bagong bago! walang hahadlang! MWAHAHAHA.. ... erm.. ayon..

may mga kaklase ako noon na nagchachat sa IRC kaya tinuruan nila ako kung san makakakuha non.. so sinunod ko lang sila at sa wakas.. nakakuha nga ako ng isa sa mga pinakaimportanteng kasangkapan na ginamit ko sa buhay..

anong unang server ko ay ang DALNET.. wala akong maisip na chatroom noon, kaya tinype ko nalang yung /join #teenchat since kakateen ko palang.. heh.. nagulat ako ng sumabog sa harap ko ang milyong milyong mga taong naguusap.. may mga kulay, may mga rabbit na graphics, may mga mura, may mga tawa ng tawa, may mga pangalan na magaganda, may pangalan na abnormal.. lahat sabay-sabay sumabog nung pagpasok ko don.. tapos napagisip isip ako.. "hmmmm.. mukhang masaya to a.."

at masaya nga siya.. eventually, napunta ako sa undernet.. dun daw dapat ako.. sabi ng mga kaklase ko.. kaya ayon.. andun ako.. #tops.. ang tambayan ng mga chatters na pilipino na naghahanap ng kaibigan.. nung una nga nagulat ako at ang dami palang mga pilipino na nagchachat e.. kala ko ako lang yung high tech.. heh.. tapos ang astig sa tops, kahit ano mahahanap mo don.. lalake, babae, bakla, tomboy, mataba, payat, maputi, nog-nog, abnormal, normal, artista, poser, matanda bata, may ngipin, wala.. lahat.. tapos kahit saang sulok pa sila ng pilipinas, o kahit ng mundo.. apari hanggang hulo..

tapos ayon.. e di umeepal epal ako sa main.. hirit ako tungkol sa latest game na natapos ko sa Playstation.. tapos bigla ba namang may babaeng nagmessage sakin!!! sobrang naexcite ako non.. parang "oi babae! kinakausap ako ng babae!" (sa uulitin, GIVE ME A BREAK.. 13 ako niyan at and definition ko ng social life ay yung mga buhay ng mga sosyal..) e di yon.. ganito yung naging conversation namin.. di ko na matandaan nick nya, kaya babae13 nalang ang gagamitin ko..

<babae13> hi there! asl?
<ako> hey there! are you a girl?
<babae13> uh, yeah.. asl?
<ako> kewl.. so how are you?
<babae13> im fine.. asl?
<ako> im fine also.. kaya lang like, theres so many homeworks pa to do eh.. like that sucks diba?
<babae13> yeah, i pity you.. asl?
<ako> putangina?! ano ba yang asl na yan!? bat parating may asl pagkatapos ng sentence mo?! mura ba yan!?
<babae13> youre stupid..
<ako> ulul! asl ka rin..

ah.. kung mapapansin niyo, english yung pagchat ko, tapos puno pa ng like, at pinapalitan ko yung letter "R" minsan ng "W".. heh.. oo na.. pakyut na ako.. pero ulet.. give me a kitkat.. 13 ako non.. hindi katulad ng IBANG tao jan.. 18 na pinapalitan parin yung R ng W.. LALAKE PA.. punyeta.. pakyut na nakakaburat..

ay, at alam mo ba kung ano pa yung nakakagagong pangyayari noong baguhan ako sa chat? hindi? o sige, sabihin ko sayo.. yung LOL (laugh out loud).. asa teenchat ako noon.. tinanong nila ako..

<kewldud69> so, youre new here in teenchat man?
<ako> yeah.. this is my first time..
<girl05> so youre not a virgin anymore?
<ako> i was until today..
<kewldud69> LOL!
<ako> lol ka rin.. gago to a..
<pinoyboy> hahahaha gago magkaiba yon..

ahh.. ang saya no? totoong nangyari yan.. heh.. so ayon.. bale tuwang tuwa ako sa kakachat.. aliw na aliw rin ako at marami akong babaeng nakakausap.. makalipas ang ilang linggo.. naging pamilyar na ako sa mga pasikot-sikot ng IRC.. nagmemessage na ako sa tops ng "ctc any1? 13 m here!" .. habang tumatagal ang panahon, natutunan ko na pag mas unique ang pagaadvertise mo, mas maraming makikipagchat sayo.. so gumana yung 13 year old mind ko.. at ganito na ang naging regular kong sinasabi.. "bored ka na ba? nalulungkot at walang makausap? bat di mo nalang ako kausapin para may kausap ka na.. bored ka nga, may kausap ka naman.. 1/2 pwede na yon.. 13 m" hayop no? heh.. alam ko meron pa akong mga advertisements na mas nakakagago jan e.. pero di ko na matandaan.. at alam niyo ba, mas maraming makikipagchat sayo pag nilagay mo yung school mo.. lalo na kung atenista ka! nako! daming advantages non.. so ganito yung banat ko.. "damn, im bored.. anyone wanna chat? 13 m here.. from ateneo.." wohoy.. di niyo lang alam.. parang mga langgam na nakakita ng natapon na sorbetes yung mga babaeng magmemessage sayo.. at shempre.. tuwang tuwa naman ako.. naging regular na tambay ako sa #tops hanggang magtanong ako.. tinanong ko sila "meron bang mga atenista dito?".. walang nagbigay sakin ng #ateneo.. pero may isang chatter na nagsabing.. "punta kang #downs, marami don.." so ayon.. pumunta akong downs.. hanggang ngayon nasa downs parin ako nagpupunta.. ang saya naman don.. heh..

so anong mga magagandang naidulot sakin ng IRC? marami.. isa na dito yung pakikipagusap sa mga kinakatakutan kong klase ng tao nung 13 ako.. ang mga babae.. kasi naman.. galing ako ng AGS.. e puros mga lalake yon.. pano nga naman ba ako matututo? e hindi naman uso yung mga soirees na yan nung grade 7.. merong isa.. pero hindi naman ako pumunta kasi natatakot nga ako sa kanila.. so ayon, natuto akong makipagusap sa mga babae ng dahil sa IRC.. natuto akong makipaghalubilo sa kanila.. nalaman ko kung papaano dapat sasabihin ang mga bagay bagay, at nalaman ko kung kelan dapat humirit o tumahimik.. natuto akong makipagusap sa mga babaeng : mayaman, mahirap, masungit, mabait, masaya, masyadong masaya, manyak, malungkot, masyadong malungkot, rebelde, masyadong mabait, makadiyos, madaldal, walang kwenta, may kwenta, maarte, simple, normal, matalino, bobo, may sayad, feeling, inglisera, probinsyana, imported, exported.. LAHAT.. astig no? dahil sa IRC nakakapagusap ako sa mga ganyang klaseng tao na sa tingin ko ay hindi ako makakaenkwentro sa buhay ko.. ang galing talaga.. tapos, in effect.. naging PRO ako ng klase namin kasi nga marunong akong makipagusap.. heh.. PRO ako tatlong taon.. pero tancha ko ginawa nalang nila akong PRO kasi naawa sila sakin at wala akong posisyon e.. heh..

tapos ano pa ba.. ah.. oo.. shempre yung mga kaibigan na nakilala ko.. ang mga tao sa #downs.. so bale, ito ngayon yung mga nasa downs parati.. yung mga kilala ko.. isa-isahin ko kaya sila? hmmmmm.. in no particular order.. heh.. unahin ko by category para di ako mawala.. heh.. [o]boys.. zoilo, yosef, saul, armo, pao, rayms, eagle, miko, parel, pracha, leio, jon, onglao, mickee, poch, aiel, alpe, jerome.. mga Tsiks sa downs.. pie, kath, katre, cams, diana, sandy, lala, jella, sarah, issa, ivy, justine.. Et al (um, hindi epal to a.. et al, or and others.. heh..) yael, chris, vinty, ian, edz, ace.. ayan.. tapos marami pang iba.. pero hindi ko na sila kilala e.. kaya ayon.. heh..

pero dumako naman tayo sa downside ng pagchachat..

tumigil ako ng kakahingi ng ASL noong 15 ako.. baket? kasi nakakatamad na rin e.. pare-pareho lang yung usapan.. tapos sobrang bihira ka lang makakatagpo ng kachat na astig.. madalas puros kasayangan lang ng oras.. nakakagago lang.. sinayang yung ilang minuto mo.. kaya yon.. nakakatamad na talaga.. napupuno ka ng mga kausap na walang kwenta..

tapos, pwede ka ring magago ng sobra sobra.. maraming tarantado sa chat.. isa na ako don.. dalawang sides lang pwede jan e.. ikaw yung gago, or ikaw yung ginagago.. lahat naman siguro ng nagchachat, may sariling ekspiryentia sa kagaguhan ng mga tao.. maraming ring nanggago na.. ngayon.. nanggagago nalang ako.. lalo na pag sobrang wala akong magawa at mejo mabilis yung connection ko.. bigyan ko kayo ng isang halimbawa.. totoong nangyari to.. kinuha ko lamang to sa LOGS ko ng mIRC.. ako yung Erning13..

[22:02] <Erning13> hello! i am from the filipine ayland also! i am tirteen years of aged.. i am guy and a very good boy! my mama say that always! how about you? you good like me too ha?
[22:03] <sober_mau> huh?!?!?
[22:03] <Erning13> what do you say huh?
[22:03] <Erning13> i am good boy!
[22:03] <sober_mau> what is the name of ur school?
[22:04] <Erning13> me? im schooling in John Forward School
[22:04] <Erning13> that are in english mode
[22:04] <Erning13> but in filipino mode
[22:04] <Erning13> its juan sumulong skwelahan para sa lahat
[22:04] <sober_mau> huh?!?!?!
[22:04] <sober_mau> ur a filipino ryt??!?
[22:05] <Erning13> oh yes i am!
[22:05] <sober_mau> magtagalog ka na lang... is that ok w u?
[22:05] <Erning13> 100 percentage!
[22:05] <Erning13> oh but im not very familiar with the peso language
[22:05] <Erning13> i am born and live in the USA
[22:05] <sober_mau> ok k lang..
[22:06] <Erning13> oh yes!
[22:06] <Erning13> very ok than the bridge over troubles water
[22:07] <Erning13> hey! let chat the night away
[22:07] No such nick

kagaguhan nga.. isang senseless na paguusap.. natuwa naman ako kahit papaano, pero wala paring makakapantay dito.. yung tisha si zoilo yan.. nanggago lang.. heh..

[11:47] <black`69> sino yang mikoy?
[11:47] <tisha`> hehe 
[11:47] <tisha`> <mIkOy09> ctc
[11:47] <tisha`> <tisha`> sure, join #downs
[11:47] <tisha`> <mIkOy09> 23mqc
[11:47] <tisha`> <mIkOy09> u
[11:47] <tisha`> <tisha`> 18f
[11:47] <tisha`> <tisha`> i like older men
[11:47] <tisha`> <mIkOy09> wer u 4rm ?
[11:47] <tisha`> <tisha`> makati =)
[11:47] <tisha`> <mIkOy09> wat skulnka
[11:47] <black`69> hahahahahahahahha
[11:47] <tisha`> <tisha`> ac
[11:47] <tisha`> <mIkOy09> wat crs
[11:47] <black`69> tangina 23 na yan gago
[11:47] <black`69> tangina 23 na yan gago
[11:47] <black`69> HAHAHAHA
[11:47] <tisha`> hahaha
[11:48] <tisha`> <mIkOy09> wat yr
[11:48] <tisha`> <tisha`> sophiee me
[11:48] <tisha`> <tisha`> u?
[11:48] <tisha`> <mIkOy09> nag mamasteral na me
[11:48] <tisha`> mumiME pare!!!!
[11:49] <tisha`> mumiME pare!!!!
[11:49] <tisha`> mumiME pare!!!!
[11:49] <tisha`> hhahahhahahah
[11:49] <black`69> HAHAHAHAHAHAHA
[11:49] <black`69> tangina ang tanda na nyan punyeta
[11:49] <black`69> tangina ang tanda na nyan punyeta
[11:49] <black`69> HAHAHAHA
[11:50] <tisha`> <mIkOy09> may landline ka
[11:50] <tisha`> <tisha`> im not allowed to give out my number ehhh
[11:50] <tisha`> <tisha`> sowwiee
[11:50] <tisha`> <tisha`> u have a wife na
[11:50] <tisha`> <tisha`> ?
[11:50] <tisha`> <mIkOy09> nope
[11:50] <tisha`> <tisha`> why naman? dont tell me ur gay
[11:50] <tisha`> <mIkOy09> single and horny
[11:50] <tisha`> taena
[11:51] <tisha`> hahahahaha
[11:51] <black`69> HAHAHAHAHAHAHA
[11:51] <black`69> tanginang banat yan o
[11:54] <tisha`> <mIkOy09> may landline ka
[11:54] <tisha`> <tisha`> kulet u! di nga pede ibigay
[11:54] <tisha`> <mIkOy09> wann know more abt u sana eh
[11:54] <tisha`> <tisha`> u would want that dont you?
[11:54] <tisha`> <tisha`> with my gorgeous face and killer body, who wouldnt?
[11:54] <tisha`> <mIkOy09> ofcorse
[11:54] <tisha`> <mIkOy09> im dying 2
[11:54] <black`69> hahahaha

kita niyo? sobrang daling manggago sa IRC.. pano na pag nagchachat yung mga nakababata niyong kapatid? kawawa naman ang mga inosente nilang pagiisip.. ang mga malilinis nilang utak.. mababahidan lang yan ng mga tarantadong tulad ko na nasa net..

ingat lang pag magchachat.. wag na wag kayong magtitiwala sa mga mokong na nandon..

Hosted by www.Geocities.ws

1