|
ahhhh.. ang internet.. napakainam na bagay.. napakagaling nga naman.. biruin niyo, nakakapagkonek konek tayo sa mga taong kung sang lupalop ng mundo nanggaling.. Azerbaijan, Burkina Faso, Seychelles.. oo pare.. mga totoong bansa yan.. malamang di pa rin nila naririnig yung Philippines.. pero.. dahil sa internet.. nakakakonek tayo sa mga taong yon.. hindi lang yon.. nakakakuha tayo ng impormasyon sa isang klik lang.. nakakatapos tayo ng term paper sa pagcucut and paste lang.. unang tumama sakin ang internet noong ako'y labing-isang taong gulang pa lang.. 1995 noon.. naaalala ko pa ng parang kahapon.. *flashback* unang nakahawak ako ng internet noong nagsimulang magtrabaho ang ate ko sa isang ISP company.. unlimited account siya.. astig.. heh.. dahil don, tinuruan niya ako gumamit ng net.. tinuruan niya rin ako magchat.. tinuro niya sakin lahat.. heh.. tapos wala lang.. hindi ako masyadong interesado noon.. parang "putcha, ang boring naman nito..".. tapos langya ang bagal pa! pag may 36.6 modem ka tigas ka na non.. parang ikaw si Jamir ng Slapshock.. TIGAS.. nyahahaha.. erm.. balik sa topic.. mejo fastforward tayo ng dalawang taon.. labing tatlong taong gulang na ako.. at shempre.. 13 year old na lalake.. punong puno ng tanong.. ng mga gustong malaman.. ng mga natatagong pagiisip.. oo, kalibugan na rin.. heh.. nalaman ko na ang internet ay isang lugar kung san ka makakakuha ng mga lyrics ng kanta.. mga video feeds mula sa nba.. mga kanta.. mga litrato ng artista.. at oo, SEX.. so bale ganito yung nangyari.. may outing yung ate ko.. sa boracay.. outing ng office.. gusto ko sanang maginternet.. para... alam mo na.. "magresearch".. heh.. nakalock pinto niya! taena! malas.. para bang nasa disyerto ka tapos may bukal ka nang nakita, kaya lang yung tubig KUMUKULO! taena.. badtrip.. pero hindi ako huminto dun.. hinanap ko sa kwarto ng nanay ko yung susi para mabuksan ang pinto patungo sa aking kaligayahan.. at dahil sa sobra kong pagpupumilit.. nabuksan ko rin ang pinto.. naglogin ako sa net.. buti nalang at nakasave ang password nya.. ayos.. open internet explorer.. paglabas YAHOO.. tapos nagisip ako.. "hmm.. ano kaya pupuntahan ko? pano ba to? ang alam ko dapat may .com parati e.. tsk.. bahala na!".. at ang unang tinype ko sa adress bar ay : www.sex.com .. taena.. astig no? yan ang pinakaunang porn site na napuntahan ko.. sobrang aliw na aliw ako dun sa Tour nung site.. nakakatawa talaga na ewan.. kaya lang.. shempre.. meron akong mga hindi maintindihan.. binanatan ba naman ako ng banner na : "WATCH US, WE'LL MAKE YOU CUM..".. taas ako parang "come? san? taena naman nitong mga to o, mali pa yung spelling.." heh.. tapos, shempre hindi ako nakuntento sa sex.com.. tinest ko lahat ng maisip kong "bastos" na word.. www.boobs.com ; www.vagina.com ; www.nakedgirls.com (taena naman.. 13 ako non.. limited ang alam kong smut words.. heh.. "give me a break" ika nga nila sa ingles).. bale, yun lang ang ginawa ko buong araw.. magisip ng mga smut words at magdagdag ng .com sa huli.. pathetic.. oo.. pero HOY.. 13 ako noon.. ngayon di ko na kelangan magganyan ganyan.. magsesearch engine nalang ako at dun ako maghahanap ng porno.. heh.. o anyway.. gumagabi na.. hinahanap na ako ng nanay ko.. ano ba daw ang ginagawa ko sa taas? tsk.. lintek, naloko na.. baka isumbong ako ng aking ina.. pero siyempre.. cool na cool parin ako.. hindi ako nagpanic.. kasi nakikita ko na yung mga nagpapanic na kriminal sa mga pelikula madalas binabaril sa ulo, o kaya'y nahuhuli ng pulis at ginugulpi.. ang galing ko non.. shinut-down ko ng maayos.. binalik ko sa lugar yung mga bagay kung san ko sila nakita.. inadjust ko pabalik ang upuan sa dati.. lahat.. perpekto.. nagawa ko ang "perfect crime".. heh.. hindi ko maipapaliwanag sayo kung ano ang nararamdaman ko habang pababa sa hagdan.. biruin mo, nakapasok ako sa kwarto ng ate ko, nakapagresearch ako tungkol sa paboritong topic ng lahat.. nabalik ko ang mga bagay kung san ko sila nakuha, nalock ko ang pinto.. lahat! "putcha.. ang galing ko.. im the man..".. heh.. *balik tayo ngayon* ano ang punto ko? simple lang.. nagiging masasamang tao tayo ng dahil sa internet.. kasi isipin mo.. madali tayong naeexpose sa SEX.. seryosong sobrang dali.. kahit ano sa internet tungkol sa sex.. parang kahit ano nalang.. subukan niyo ngayon.. punta kayong Yahoo.. search niyo SEX.. tignan niyo kung anong lalabas.. kung tamad kayong mga mokyo kayo.. ito yung nakalagay :
48 categories.. 5157 sites.. taena.. tignan niyo nga yan.. panong di dadami ang rape cases sa mundo? tsk.. tapos ang masaklap pa dito, kahit yung mga bata, sobrang naeexpose sila sa mga ganitong kabastusan.. wag nalang kayong magulat kung lapitan kayo ng nakababata niyong kapatid at banatan kayo ng : "hey sis! wanna fuck?" hmmm.. buti kung "sis" nga kayo.. hahaha.. taena.. pano kung.. "uy, roy, pahawak naman o.." hahahahaahahahahaha.. TAENA.. parang imposible no? pero hindi.... sobrang posible niya, kaya nakakalungkot.. at alam niyo kung ano pa? nagproproduce ang internet ng legion ng mga teenagers na mangmang.. isa na ako don.. heh.. baket? kasi tignan mo.. bibigyan kayo ng prof niyo ng term paper.. at baket may term paper? para mahasa ang utak natin tungkol sa isang subject.. pero nagreresearch ba tayo? oo paminsan pwede.. pero madalas, tinatamad tayo.. at anong gagawin nalang natin? search nalang sa net.. copy paste nalang.. putcha.. ang nahahasa lang tuloy ng term papers, yung mga gunting sa icon ng "cut".. pero kung iisipin.. walang fault ang internet.. kasalanan lang talaga ng mga irresponsableng users.. at tancha ko.. LAHAT tayo yon.. bet tayo.. LAHAT ng mga nakagamit ng internet mula mga 15 sila.. nakapasok na sa ISANG porn site.. o, wag ka nang hipokrito.. wag ka nang barbero.. tayo tayo lang naman e.. sus.. heh.. |