ayos. ingles.. i'll be there for you.. heh.. ano ang pumapasok sa mga kukote ninyo pag nakikita niyo yang mga katagang iyan?

   hmmmm.. abc5, lumang show ng starworld, pekeng DVDs na binebenta sa greenhills yung season niyan, pinalitan ng Fraizer, boobs ni jennifer aniston(di ko alam spelling, sorry.. heh..) at ang simpleng show na Friends..

   malamang, naaalala mo rin yung mga kaibigan mong nagsabi sa iyo niyan.. naaalala mo yung mga babaeng sinabihan mo niyan.. naaalala mo yung mga lalakeng nagsabi sayo niyan.. naaalala mo yung mga taong pag kailangan ng pera at binigyan mo, yan ang sinasabi.. at kung ano ano pa.. naaalala mo ang mga gabing, nakahiga sa ilalim ng kalawakan.. heh..

   pero kahit na ano pa yan.. ang pinakanaaalala mo.. yung mga KAIBIGAN mo..

   ang sarap nga naman makarinig ng mga ganyang kataga.. lalo na pag seryoso kayo at may problema ka, tapos may tumutulong sayo.. nakakagaan ng loob.. ang sarap isipin na "taena, may taong may pakialam sakin.. astig.."

   astig talaga e.. naiisip mo ba? parang "ok lang yan.. ill be there for you pare.." shet.. ang skwater.. panget.. wag kayo magtaglish.. heh.. dapat pala parang "that's alright.. ill be there for you man.." puta.. pang kano lang.. "ayos lang yan men.. andito ako para sayo..." ah ang inam.. lalo na kung alam mong seryoso yung tao.. wow..

   marahil naiisip niyo ngayon "o? tapos? naisip ko na.." o "puta ambabaw naman nitong mokong na to.. parang yun lang e.." o "damn man, thats the shit.." o "puta natatae ako.." .. ok lang yan.. isipin niyo pa.. heheh..

   mga kaibigan.. kaibigan niyo nga ba ang mga kaibigan niyo mga kaibigan? kaibigan mo ba ako kaibigan? kaibigan ba kita kaibigan? bat kita tinatawag na kaibigan?

   para sakin.. ang "kaibigan" o ang "friend" ay nagiging isang "overused" na salita na hindi dapat.. baket? kasi puta nawawala na yung saysay niya e..

   hmmmmmm.. di niyo ba nakikita? bigay tayo ng halimbawa.. kunwari may nakilala ka sa isang party.. kunwari babae.. babaeng hot.. babaeng hot na maganda.. babaeng hot na maganda na mayaman.. babaeng hot na maganda na mayaman at matalino.. babaeng hot na maganda na mayaman, matalino at nakakatawa.. babaeng hot na maganda na mayaman na matalino na nakakatawa na astig.. babaeng hot na maganda na mayaman na matalino na nakakatawa at astig tas may malaking bahay.. babaeng hot na maganda na mayaman na matalino na nakakatawa at astig tas may malaking bahay pero hindi maarte?

   puta.. astig yon no.. biruin mo.. hot na, maganda pa.. tapos nakakatawa pa.. tapos matalino pa.. tapos astig pa.. tapos di pa maarte.. WOW.. astig yon no? san kaya tayo makakapulot ng ganong babae?

   tsk..

   ay.. onga pala..  

   so kunwari, may nakilala kang babaeng ganon (na sa tingin ko wala kasi taenang yan e).. tapos nakapagusap kayo.. ganyan ganyan.. tapos wala lang.. nakilala mo siya.. nakilala ka niya.. tapos siguro patext text kayo.. pero di talaga kayo masyadong magkakilala pa..

   tapos may nagtanong sayo..

   "puta pare, kilala mo ba yung babaeng hot na maganda na mayaman na matalino na nakakatawa at astig tas may malaking bahay pero hindi maarte?"

   ano nga ba ang madalas nating sinasabi? tancha ko.. ang unang banat natin..

   "ah oo, kaibigan ko yon.."

   "yeah, she's my friend.."

   "wurd up mah nigga'"

   pero kaibigan mo nga ba yon? hindi naman e.. nakilala mo lang siya at nakakapagusap lang kayo.. yun lang.. pero kaibigan mo ba yung babaeng hot na maganda na mayaman na matalino na nakakatawa at astig tas may malaking bahay pero hindi maarte? hindi e..

   isa pa.. may bago kang nakilala.. tapos naghahanap kayo ng mapaguusapan.. so nagtatanong tanong siya sayo.. halimbawa, sabi niya..

   "chong, kaibian mo ba si roly?"

   tapos ikaw.. kilala mo yung roly, tapos ok naman kayo sa isa't isa, kaya sasabihin mo: "ah oo.. kaibigan ko si roly.."

   o, hindi ba overused na ang salitang "kaibigan" o "friends"?

   wala na e.. hindi na exclusive yung friends e.. parang kahit sino nalang kaibigan mo..

   kasi ganito yan e.. meron kang "FRIENDS" o "KAIBIGAN" at meron kang "PSEUDO FRIENDS"..

   unahin na natin ang "FRIENDS" kasi sila yung pinakamadaling idefine e..

   sila yung tipong grupo ng tao na talagang makakasama mo.. ito yung tipong mga tao na pag kinulong ka sa isang puting kwarto kasama nila, matutuwa ka pa.. ito yung parang.. wala ka nang kahit ano, wala na silang kahit ano, pero talagang mahal na mahal at gusto mo parin silang makasama.. yun bang itatabi sayo sa bartolina, tapos makakatawa pa kayo kasi magkatabi kayo.. yung tipong tao na bibigyan mo ng kaisaisang life vest na nasa bangka.. yung makakasama mo buong araw, buong gabi.. pero parang kahit anong mangyari, di kayo nagsasawa sa mukha ng isa't isa.. ITO yung mga taong pag binato mo ng bato, sasabihin sayo "taena naman pare e.. wala akong tinapay.." heh.. ito yung mga taong may pakialam sayo, hindi sa kotse mo, hindi sa mga bagay na meron ka.. pero sayo.. ikaw lang.. yung tipong pag may pinatay kang tao, tataong niya sayo kung saan niyo ililibing para di makita ng pulis.. hehehehehehe..

   astig no? tancha ko mayroon ka namang kaibigang ganyan kahit papano.. pero madalas na nangyayari.. AKALA mo may mga ganyan kang kaibigan.. pero puta wala pala..

*maglalabas lang ako ng pagkaburat*

   kala mo makakasama mo, makakausap mo, makikita mo.. PERO HINDI.. kala mo parang kahit magkalayo na kayo, ok lang.. anjan parin sila.. KALA MO KAHIT SA UST KA NA NAGAARAL AYOS LANG AT MAKAKASAMA MO PARIN SILA.. kala mo mayayaya mo pa sa gimik.. kala mo kahit busy, kahit papano makakamusta ka pa.. KALA MO MGA MALALAPIT AT MABUBUTI MONG KAIBIGAN..

   PERO PUTANGINA HINDI.. HINDI PALA.. AT PAG NAREALIZE MO YON, MABUBURAT KA NG SOBRA SOBRA.. NAAALALA NIYO YUNG PAGKABURAT NA MAY LANGGAM YUNG TINOLANG MANOK? PUTA PARANG GANITO YUNG FEELING NON, PERO MAS MALALA.. PARANG KINIKIDNAP NG ALIEN YUNG TINOLANG MANOK MONG NILALANGGAM.. SKWATER.. TAENANG YAN..

   pero sino nga naman ang sumisisi sa mga yon.. e puta, kahit yung kaibigan mong malapit lang sayo araw araw pinagpalit ka na sa mga bagong kaklase e.. pano pa kaya yung mga malalayo..

   siguro napansin niyo na.. pero dun sa mga hindi pa, yung mga tinutukoy ko jan yung mga "F boys".. taena.. ang skwater e.. hindi ako nabuburat at hindi na nila ako nakakausap o hindi na nila ako niyayaya e.. kasi taena, hindi naman umiikot yung mundo nila sakin e.. pero hindi rin naman ako nagkulang.. dati parati ko pa silang niyayaya umalis.. pero tinamad na rin ako e.. puta parating di pwede.. oo sige, naiintindihan ko yon, kasi busy sa school.. pero hindi ko maalala kung may pagkakataon na sila yung nangunang magyaya e.. puta hindi ata e..

   MGA SKWATER.. TAENA NIYO.. KUNG BINABASA NIYO TO NGAYON.. PU - TANG - INA NIYO.. (*KUNG HINDI KA TIGA F AT NABABASA MO TO, KUNG MAY KILALA KA, PAKISABI TONG PAGE NA TO.. PUNTAHAN NIYA SABIHIN MO..) except siguro si ian.. ok pa si ian e.. at si sargan..

   taena.. ang nakakaburat pa don, akala ko talaga mga kaibigan ko sila.. akala ko talaga sila yung PASOK na PASOK dun sa description ko ng kaibigan.. well.. hindi naman buong klase shempre.. siguro mga 5 o 6 lang yung talagang inakala ko na talagang kaibigan ko.. pero dun sa 6 na yon.. wala e.. si ian nalang.. nakakapit sa border.. nakakaburat e.. nakaka puta talaga..

   hindi ko na nga maalala kung kelan ko huling nakita yung mga yon.. sobrang konti lang.. mga 3 o 4 lang yung nakita ko sa kanila mula sobrang tagal na hanggang ngayon, february 6, 2003.. or noong bago pa noon.. yung mga nakikita kita kong kaklase pa hi, hi lang.. puta.. siguro nga ako lang yung walang kwentang kaibigan..

   kasi, taena, si MISA.. tiga UST.. kacourse ko pa.. kala ko makakasama ko siya parati kasi kaming dalawa yung nakakarelate sa isa't - isa.. pero anong nangyari? wala pang dalawang buwan o kahit isang buwan siyang pumapasok, napagpalit na ako sa mga kaklase niya.. puta.. ang sakit non men.. lalo na kung yung pinalit sayo, skwater na kamukha ni manny paquiao.. puta, blonde pa yung buhok.. blondie nga tawag ko don e.. SKWATER E.. nakakaburat.. 4 na taon mong kasama, pagpapalit ka sa mga skwater na wala pang isang buwan nakikilala.. kahit naman sino siguro mabuburat don.. (sorry, spiteful nga lang siguro ako, pero nabuburat talaga ako ng malupet sa mga kaklase ni misa e.. lalo na dun sa mga lalake.. ang SKASKWATER kasi e.. taena..

   whooooooooo.. ang saya.. ganon ba ako ka walang kwentang kaibigan? puta.. ewan ko.. sa tingin ko hindi naman ata.. ewan ko kung san ako nagkulang sa kanila.. ah ewan.. putangina nilang lahat..

   skwater.. nalayo tuloy ako sa pinakatopic ko..

   tapos ko nang idefine ang KAIBIGAN.. dumako naman tayo sa mga "pseudo friends"..

   maraming mga klase ng pseudo friends..

   gold diggers. social climbers. hitchhikers. users.

   yang mga yan.. klase lahat yan ng mga pekeng kaibigan..

   GOLD DIGGERS. bata palang ako naririnig ko na to.. dati inisip ko pa na literal silang naghuhukay ng ginto.. heh.. wala pa naman akong kaibigang naging gold digger.. kasi puta kahit anong hukay nila wala silang gold na makukuha sakin.. hehehe.. ito yung mga taong didikit sayo pag walang pambayad sa upa.. heh.. yung tipong kasama mo sa gimik tapos parating walang pera.. ikaw yung inaasahan.. ginagawa kang ATM.. ang magkaiba lang don.. walang card na pinapasok sayo.. heh.. ay.. pwede rin pala na may pinapasok sayo tapos binibigyan mo siya ng pera.. pero ibang usapan na yon.. hehehe.. hindi humihinto sa pera ang gold diggers.. may mga pagkakataon na gamit mo ang hinahalukay.. kunwai..

GOLD DIGGER: wow pare! komiks! aba mamahalin to a.. magkano to?

IKAW: chong, hardbound sandman yan.. kumpleto ko yung 1 - 10 niyan e.. 1700 isa niyan..

GOLD DIGGER: yaman mo a! astig ka talaga..

IKAW: *blush*

GOLD DIGGER: ...p're matagal ko na gusto malaman storya nito e.. si morpheus to diba? baka pwede namang mahiram.. idol ko si gaiman e.. sige na.. may 10 ka naman e..

IKAW: uh, chong importante kasi sakin yan e.. talagang pinagipunan ko yan.. hindi ako kumain ng isang taon para lang jan..

GOLD DIGGER: pare naman.. magkaibigan naman tayo a.. ako pa.. ibabalik ko sayo yan.. mint condition! baka mas maganda pa pag balik.. sige na.. nagsosoli naman ako e..

IKAW: puta, sige na nga. ayan (sabay abot sa kanya ng hardbound ng preludes and nocturnes).. ingatan mo a.. balik mo sakin next week..

GOLD DIGGER: ayos! salamat.. cool ka talaga.. HU DA MAN? YU DA MAN!

IKAW: *blush*

   puta, habang nagbblush ka, tuwang tuwa yung gold digger mo.. nahukayan ka na niya ng kayamanan.. kala mo isang linggo lang.. pero aabutin yan ng buwan buwan.. minsan taon.. hanggang makalimutan mo nalang.. at maglaho na sa kanya.. tapos pag kinukuha mo sa kanya..

IKAW: pare, sandman ko?

GOLD DIGGER: bukas pramis!

IKAW: puta, sabi mo sa akin 2 weeks ago, last week ko makukuha, next week na ng last week ngayon!

GOLD DIGGER: sorry! nakakalimutan ko kasi e.. text mo kasi ako.. ha? text mo ako.. kasalanan mo to e..

IKAW: puta.. sige na nga..

   saklap.. tapos hindi pa siya magiging kaibgan sayo pag nakuha na niya yung gusto.. magiging close close mo lang pag may kailangan ng bagay.. puta literal.. tapos pagkatapos non, parang wala na..

   SOCIAL CLIMBERS. hahahahahahaha.. mainam to.. kung yung gold digger, kukunin yung hagdan mo, dito naman gagawin kang hagdan.. hahahahahahaha.. ito yung tipong pag sikat ka, gagamitin ka para maging sikat rin siya.. ito yung tinatawag na "rub off effect".. kunwari.. may isang taong panget na social climber.. yung panget na yon, lalapit parati sa mga gwapo na sikat sikat talaga.. tapos since parati siyang nakikita nung mga taong kasama yon, parang sasabihin nalang "wow ang gwapo talaga ni *name ni gwapo sikat guy*.. sino yung kasama niya? si carlos ba yon? wow gwapo na rin siya kahit panget siya.. kasama naman niya e.." hahahahaha.. puta sorry ang supot nung pagkakaexplain.. pero gets niyo na yan.. hehe..

   HITCHHIKERS. bago to para sayo no? heh.. kakaimbento ko lang nito ngayon e.. hehehe.. ito yung tipong nakikiSABAY lang sayo kasi may KOTSE ka.. heheheh.. gets niyo ba? matalinhaga yan.. may naalala kasi akong kaklase dati.. basta naguusap usap lang kami nung isa kong kaklase tungkol sa gimik.. e may kasama kaming SOBRANG HOT chick noon.. literal men.. hot talaga.. hehehe.. tapos narinig niya nakasama namin.. tapos alam mo ba yung sinabi sakin?

AKO: ah oo nga e.. astig talaga yung gimik.. taena, kala ko snob na mayabang si *hot model* (itatago ko nalang sa pangalang HOT MODEL), pero astig pala siya.. ang bait pala non..

KAKLASE: oo nga.. astig siya.. sa susunod yayain ulet natin.. bait e.. hot pa..

AKO: oo niyaya ko na.. payag na siya..

HITCHHIKER: (biglaang eepal) sino yan? ha? sino? ha? si hot model? yung model? oh? kasama niyo? kailan? saan? sino sino?

AKO: uh.. kasama kami.. kagabi.. basta kung saan saan lang..

HITCHHIKER: ayos yon a.. mabait no? hmmm.. uy sama naman ako sa inyo pag gimik niyo o.. di ko pa kayo nakakasama e..

AKO: pano mo kami makakasama e hindi ka naman talaga sumasama samin?

HITCHHIKER: baket? masama ba yon? magkaklase tayo, dapat bonding bonding tayo diba? para friends tayong lahat!

AKO: (nagiisip: bonding bonding, ULUL.. gusto mo lang makasama si hot model e.. titi ka gago..) ah! oo nga naman, tama yan magbonding tayo..

HITCHHIKER: text mo ko kung kailan tayo magbobonding a.. sama ba si hot model?

AKO: ewan kahit ano.. (bugok ka gago.. di kita isasama..)

   heh.. taenang yan e.. hindi ko naman talaga kinakausap at kinakasma, sabay ganon.. puta, ulul amputa..

   USERS. hahahaa.. ang inam nito.. parang yung pelikula ni maui taylor.. yung GAMITAN.. taena. ginamit niya yung lalake para magawa yung paghihiganti niya! woooooooooo.. hehehe.. SOBRA SOBRANG DAMING USERS. malamang hindi mo alam, pero ikaw pala nagiging user na. o ginagamit ka na.. ako, inaamin ko.. nagiging user ako.. sadya man o hindi.. user parin ako.. puta, lahat naman tayo e..

   hindi ko alam lahat ng klase ng pagiging user.. kaya dun nalang tayo sa user na alam ko.. yung ako yung gumawa.. heh.. ang magandang halimbawa nito, nung unang linggo ko sa UST, at kinailangan ko ng bagay na wala ako.. kailangan ata ng outline ng isang topic na ewan.

AKO: grabe yung homework sa nat. sci no? pano ka kukuha non?

GINAMIT: ah, sa library! mamaya punta kami..

AKO: oh library? tara! punta tayo.. kailangan ko ring magresearch e..

GINAMIT: sige.. mamayang dismissal punta tayo..

(habang papalapit na yung dismissal, magmimistulang lalapit ako sa kanya ng parang yayayain na siya pumunta ng library.. PERO habang papunta ako sa kanya, "magriring" ang cell ko at sasagutin ko.. kailangan ko na daw umuwi, sabi ng imaginary na nilalang na nasa kabilang linya ng telepono..)

AKO: (kinakausap imaginary friend) ulul? ngayon? baket?

IMAGINARY FRIEND: ayan magandang acting, tapos sabihin mo na mas importante yung research.. siguraduhin mong nakikinig siya..

AKO: seryoso, importante tong research na to.. di ko kailangan palagpasin.. bukas na to kailangan e.. alam ko importante yan, di ba ako pwedeng malate nalang ng konti?

IMAGINARY FRIEND: puta galing mo talagang umarte.. ngayon, sabihin mo na hindi mo alam gagawin mo.. bahala nalang.. pero susubukan mong gumawa ng paraan kasi malaki utang na loob mo sakin..

AKO: tae, sige na nga.. tignan ko yung magagawa ko.. oo alam kong para sayo.. sige.. di ko naman nakalimutan yung mga favors na ginawa mo e.. sige sige..

IMAGINARY FRIEND: sige.. magbabaye ka na at nauubusan na ako ng masasabi..

AKO: oi gago, baka wala ka nang credits.. isang taon ka pa naman bago bumili ulet.. hahaha.. sige akong bahala..

   hindi ako sira ulo.. parte yan ng plano kong paggamit.. heh.. e di shempre, ako mabuburat burat pa kunwari na lalapit sa kanya.. sabay sasabihin ko.. "oi, sorry di ako pwedeng magresearch.. tae kasi yung kaibigan ko e.." tapos shempre siya kind and understanding.. hahahahahaha.. (babae kasi to e).. sabihin niya.. "ah ayos lang yon.."

   pano na yan? yung research ko?

   babanatan ko ng konting:

AKO: importante ba yon.. pwede bang next time ko nalang gawin yon?

GINAMIT: oo daw e.. mukha pa namang strikto si ma'am..

AKO: taena.. di ko kasi pwedeng mamiss yung event ng kaibigan ko e..

GINAMIT: ok lang, magreresearch pa naman ako e..

AKO: oo nga, pero ako hindi ako makakaresearch e..

GINAMIT: sige, gagawin ko nalang para sayo..

AKO: wag, ayokong isipin mong ginagamit kita.. di na no, nakakahiya.. oo kahit walang hiya ako, nahihiya parin ako jan..

GINAMIT: nako ok lang yon.. alam ko namang di mo ako ginagamit e..

AKO: grabe, salamat talaga! di bale, next time ako gagawa para sayo.. bait mo!

   yay! mission accomplished. heh.. pero putcha di naman ako parating ganyan shempre.. paminsan minsan lang yan.. pag tinatamad talaga ako.. hehehe..

   dami pang halimbawa.. pero pag inisa isa ko pa yon.. di matatapos tong page na to.. may mga gumagamit ng transpo, bahay, telepono, babae, laruan, aso, banyo, utak.. lahat.. taena.. parang yung gold digger, pag nakuha na yung gusto nila sayo, yun na yon.. parang wala lang.. di lang kayo magpapansinan.. kahit sinabi pa niya na "ok lang yan pare, i'll be there for you.."

   mahirap talaga pag masyado mong mahal yung mga kaibigan mo.. kasi masyado kang mageexpect na ibalik nila yung pagmamahal na yon e.. habang palalim ng palalim yung pagmamahal mo sa kanila, palalim rin ng palalim ang expectations mo.. pero ang hirap e.. pano kung hindi naman pala talaga kayo ganon kaclose.. pano kung tipong ikaw lang pala yung nagtatrato sa kanya ng mabuting kaibigan pero siya hindi sayo..

   yan yung parang "bestfriend mo siya, pero iba bestfriend niya.."

   hehehehe.. sad, oo.. pero may mga ganyan.. maraming ganyan..

   so, ngayon.. dapat ba nating ibigay ang buong pagmamahal at pagtitiwala sa mga kaibigan sa tabi natin? para sa akin.. bigay mo.. sige.. pero wag kaagad.. ewan ko, ako 4 na taon sa highschool ang ginugol ko para alamin kung sino sino ang mga kaibigan ko don sa klase ko.. 4 na taon ko silang kinilala.. 4 na taon ko silang nakasama.. 4 na taon kaming maraming pinagdaanang pagsusubok at tawanan.. 4 na taon ko silang kinilatis.. pero yung taenang 4 na taon na yon ay hindi pa pala sapat.. DALAWA  lang, sa mga tinuring kong kaibigan ang talagang hanggang ngayon ay ok.. naburat lang ako sa iba.. kasalanan ko rin ba? ewan.. marahil..

   minsan wala na talaga akong ibang magawa kundi maingit.. naiingit ako sa mga taong nakita na ang mga kaibigan nila.. parang yung mga [o] boys.. high school, magkakasama sila.. tapos dahil sobrang lakas ng bonding at pagkakaibigan nila, parang nagiging wala silang pakialam sa blocks nila, at talagang sila sila parin yung magkakasama.. astig e.. nakakainggit.. akala ko magiging ganon yung klase ko.. pero wala pala.. taena..

   parang yung narinig kong sinasabi ni armo dati.. "nakita ko na yung group of friends ko e.. parang hindi ko na kailangan maghanap pa ng iba, kasi ito na yon e.. nakaset na.. wala na akong ibang hahanapin pa.." ang galing e.. kasi nakikita ko na totoo yung sinasabi niya.. nakita na nga niya talaga ang mga kaibigan niya.. at ang galing niya tumingin.. kasi astig yung mga kaibigan niya e.. heh..

   taena, andito na rin e.. kaya magpapasalamat na rin ako sa mag [o] boys.. dahil sa inyo, natatabi ko parin yung sanity ko.. sobra salamat talaga.. heh.. iisa isahin ko pa ba? sige, siguro natutuwa kayo pag nababasa niyo yung pangalan niyo sa net no? hehehe.. walang order to shempre.. heh.. sol, yosef, zoilo, armo, jerome, pao, rayms, eagle, poch, doni, prach, billy, aiel, onglao, leo, javi, alpe.. at yung adopted [o] boys.. yael, gosh at chris.. hehehehe.. salamat rin sa pagaampon sakin.. ang inam non.. heh.. kahit mejo nagiging ok na yung ginagawa gawa niyo *ahem pao, armo*.. ok lang.. masaya naman e.. hehehehe.. salamat rin sayo ian.. astig ka men.

   puta ang drama nitong ginawa ko a..

   basta tandaan niyo, moral lesson ng storya.. uh..

   wala palang moral lesson to..

   taena.

Hosted by www.Geocities.ws

1