1986.

    bata pa ako noon.. walang kamuwang muwang sa mundo.. hindi ko alam kung ano ang martial law.. hindi ko alam kung anong ginawa ni marcos.. hindi ko kilala si marcos.. wala akong alam.. hindi ko alam kung ano ang mga nangyari.. hindi ko alam yung gusto nilang mangyari.. wala.. walang kamuwang muwang.. isang batang naglalaro ng tahimik sa sariling bahay..

    ano nga ba ang dapat kong malaman? may dapat ba akong nasundan? pilit ba dapat akong nakikipaglaban? bata pa ako at walang kinalaman..

   2003.

   kung hindi ninyo alam, si marcos ay isang astig na nilalang.. nagresearch ako ukol sa kanya para sa PGC(philippine government and constitution).. at taena chong.. siya ang pinakaastig na naging presidente natin.. di lang siya qualified, sobrang lumalagpas pa siya don.. ang galing niya talaga..

   high school palang, sobrang astig na siya.. nananalo sa academics, at kahit na sa atheltic competition.. tigas yon e.. tapos ang dami niyang nagawa para sa pilipinas.. may vision kasi siya e.. di tulad ng ibang presidente, ang inaatupag, kung papano sila makakarami.. bara-bara lang..

   ang problema sa kanya, masyado siyang naging abusado.. abusado para sa pera at sa kapangyarihan.. dahil nga isa siyang visionaryo, masyado siyang marami pang gustong mangyari sa pilipinas.. hindi ito nakaya ng isang term.. ng dalawa.. kaya pinilit pa nyang magtagal.. yun lang ang problema niya.. masyado siyang gutom para sa kapangyarihan..

   1986.

   naburat ang mga tao sa kanya.. masyado na daw siya.. pinapahuli at pinapapatay ang kalaban.. kinokontrol ang lahat ng aspeto ng bayan.. hindi na nagkaroon ng demokrasya.. parang meron nalang isang diktador..

   2003.

   sa aking palagay, kung si marcos nga ang naging diktador, ayos lang sana.. kasi para sa akin, kailangan ng pilipinas ng isang diktador.. isang MAGALING na diktador.. kasi puta, wala na talagang sumusunod sa batas e.. kung ano nalang magustuhan nila, gagawin.. kailangan ng batas para maging matino ang takbo ng bayan.. kailangan ng magaling na politiko para maipatupad ang batas..

   taena.. wala namang matinong politiko ngayon e.. parang wala man lang nagsstand out.. puta, kasi naman.. ang mga nakaupo sa gobyerno natin ngayon, mga punyetang artista.. kundi artista, isang taong sikat sa masa..

   nakakagago yon e.. kasi yung mga taong yon, ginagagamit ang karamihan sa mga tao na hindi nga dapat bumoboto.. taena alam ko ito masama.. pero yung mga taong yon kasi, mga illiterate na skwater.. oh.. taena.. totoo naman e.. karamihan sa mga bumoboto sa mga punyetang artistang yan, mga skwater na wala namang alam.. ang alam lang nila magaling na action star yun, kaya puta boto na..

   nakakaburat.. tinanggal pa kasi yung rule sa constitution na bawal bumoto ang mga taong di marunong magbasa at magsulat.. kaya mas lalo tayong naghihirap lahat e.. kasi nahahatak tayo ng mga pagiisip ng mga skwater na to..

   1986.

   nagalit ang tao.. naburat kay marcos.. nagsama ang mga mayayaman, mga skwater, mga may pinagaralan, mga mangmang, mga maraming alam, mga walang alam.. nagsama sama sa EDSA para sa isang pakay lamang.. upang matanggal si marcos sa kanyang pwesto..

   nagdasal ang nagsamasamang mga tao sa EDSA.. "people power" ika nga nila.. hinarangan ang tangke at mga sundalo.. nagtagumpay ang mga tao.. dalidaling umalis si marcos.. tagumpay..

   pano na to? wala nang presidente..

   *snap*

   nanalo si corazon aquino bilang presidente ng pilipinas..

   *snap*

   natuwa ang tao sa pinakaunang babaeng presidente.

   *snap*

   ...ito na ang simula ng pagguho ng pilipinas..

   2003.

   babaeng muli ang ating presidente.. ngunit imbis na diktador, isang artista ang kanyang pinalitan.. imbis na isang astig na tao, isang taong bugoy ang kanyang pinalitan.. imbis na isang overqualified na presidente, isang taong walang college degree ang kanyang pinalitan..

   taenang bansa to..

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

EDSA II.. EDSA III..

   natatandaan ko pa nung araw ng malakas ang alingaw ng trial ni erap.. nasa all time peak yon, tinawag ang buong komunidad ng AHS sa covered courts.. hindi ko rin alam ang nangyayari noon.. kung ano ang gusto nilang mangyari.. pero shempre.. sunod lang ng sunod..

   magkakarally daw.. sa edsa.. "WOW.. EDSA?! WOW! history in the making yan! EDSA DOS! puta may makkwento na ako sa mga anak ko! taena!!"

   umalingaw sa paligid ang mga tinig nang mga nagkakandarapang mga estudyante..

   "EDSA Revolution ulet to!"

   "EDSA DOS pare!"

   "ayos! parang inuulit natin yung nangyari dati!"

   "uwian na?"

   "edman bakla."

   ayon.. seryosong hindi ko alam kung anong nangyayari nung mga oras na yon, parang "taena, rally? ulul? baket?" yun pala may envelope na hindi nabuksan, kaya nagsisirally ang mga tao sa pilipinas..

   hindi ako sangayon sa rally na yon.. sa EDSA DOS. hindi ako Pro-ERAP. ayoko sa kanya.. seryosong nabuburat ako nung naging presidente siya.. artista amputa.. skwater..

   ayoko ng rally na iyon, dahil para sakin, sobrang ang skwater ng rason ng mga tao para magrally, at sobrang unfair ng nangyari.. taenang yan..

   isipin mo.. ano ang pinakadahilan ng rally na yon? dahil lang sa hindi pagbukas ng envelope..

   pero rewind mo pa ng konti..

   kailan nangyari yung hindi pagbubukas ng envelope.. nung TRIAL niya.. puta.. trial yon ng presidente e.. yun ang batas.. sinasabing lumabag ang presindente sa batas, kaya shempre, may karapatan siya para protektahan ang sarili niya.. kaya nga may trial e.. para malaman talaga kung totoo na nagkasala nga si ERAP. kung totoo talaga ang mga alegasyon sa kanya..

   shempre, televised ito.. kasi puta, presidente ng bansa natin yon e.. tapos tipong publicity stunt na rin yun ng ibang politicians.. taena yung mga yon e.. gagawin ang lahat para lang sa pagbent ng pangalan nila sa mga tao..

   sige, hindi binuksan ang envelope.. naRULE OUT ng mga tao na nagttry kay ERAP ang suhestyon na buksan ang mahiwagang envelope.. tapos tong mga taong mokyo na to naman, biglang rally! puta! bat ka magrarally!?!? e yun yung nangyari e! yun ang sinabi ng mga tao sa pwesto! wag buksan! hindi sila papayag! tapos DAPAT respetuhin yun ng mga tao.. pero hindi e.. taenang yan.. nabuburat sila.. nagkatrial pa! taenang yan.. parang naguululan lang tayong lahat.. patrial trial pa, tapos pag hindi nasway yung mga nangyayari sa trial sa gusto nila, magagalit sila.. unfair daw, binabayaran.. laaht na ng pwedeng ibintang ibibintang..

   hindi lang sila nasunod, kaya rumally na bigla.. taena.. anong katarantaduhan yon?

   madaya ang trial? biased? nabayaran? puta anong alam ng mga tao?! haka haka lang ang mga iyon, kasi nga HINDI NASUNOD ANG GUSTO NILA.. taena.. spoiled tayong mga pilipino e.. taenang paguugali to e..

   o so anong nangyari, sumally sa EDSA ang class A, B at upper C na mamamayan.. kung may class D, E or lower C, sobrang konti lang yon.. yung iba don baka magnanakaw pa.. o sinasamantala lang yung pagkakataon.. isipin mo, class A at B.. ito yung mga may kaya.. mga mayayaman.. mga supposedly na nagiisip, sila yung malamang, hindi bumoto kay ERAP..

   pero yung mga taong yon.. SILA rin ay minority lang.. parang sobrang dami lang nila, kasi mayayaman sila, nasakanila lahat ng supporta ng media.. EDSA DOS.. sa halos lahat ng channels.. pinapakita ang mga nangyayari.. hourly updates.. lahat.. sa diyaryo, sa radyo.. EDSA DOS ang in.. pero kahit anong mangyari, MINORITY parin sila..

   anak ng tokwa, naging republic pa tayo.. sinasabi pa na nasa tao ang power, pero yung mga taong yun naman pala ang hindi masusunod.. sige, nagkasala si erap, pero puta, TAPUSIN NIYO YUNG TRIAL.. parally rally lang e.. parang mga gago e.. hindi pa tapos yung trial gusto agad ng resulta.. ang bobo talaga e.. kung sobrang confident sila na kupal nga si erap at siya ang may kasalanan, hayaan na nila na ang batas ang humusga.. puta, yun ang trabaho nila e..

   inuulit ko.. hindi ako pro-erap.. para nga sakin, tarantado siyang walang kwentang tao siya at totoo lahat ng binintang sa kanya.. pero naniniwala rin ako na dapat may gobyerno at batas na magrule sa lahat..

   tapos nung narinig ko yung idea ng edsa dos, ayoko na talaga e.. naisip ko nga "puta, masasanay mga tao dito e, tapos siguradong magkakaroon pa ng ibang EDSA.." ayon.. nagkaroon nga..

   wala na e.. nawala ang pinakaessence ng EDSA.. kasi nung sa EDSA parang talagang nagsama sama lahat ng klase ng tao.. pero sa EDSA DOS at TRES, parang laban nalang ng skwater at mayaman.. mga edukado laban sa mga mangmang.. ang nakararami laban sa kakaunti..

   overused e.. mali na. wala na yung  essence..

   o, nung edsa dos, anong nangyari.. pinilit nilang ulitin ang nangyari noong unang EDSA.. tsss.. mga mokyo..

   karamihan pa sa mga taong rumarally don, yung iba namemera lang.. nagbebenta ng pins o kung ano ano.. yung iba pumupunta don kasi maraming chicks.. yung iba dahil yun ang "in" gawin.. meron ring iba, para magkaroon ng sense yung existence nila, at para may makwento sila sa mga anak nila.. yung iba nadamay lang ng barkada.. oo nga, siguro maraming pumunta don dahil naniniwala sila sa pinagrarally nila.. pero maraming taong nandon ng hindi nalalaman kung baket sila nandon.. ang alam lang nila, edsa dos.. pero yon, wala na.. hindi man lang nila naisip na ang bobo nila..

   dumako naman tayo sa edsa tres.. ang sariling EDSA majority sa pilipinas.. ang EDSA ng mga mahihirap, mga skwater at mga walang pinagaralan..

   alaka ko noon ang tanga na nung cause ng edsa dos at wala nang mastatanga pa don.. pero.. *surprise surprise* EDSA TRES..

   literal na parang may dagat ng tao sa EDSA.. dagat na mabaho.. dagat na masangsang.. taena.. alam ko ang sama ko, pero taena, nakakaburat e..

   sa isang skwater na family, umaanak yung nanay non sa average ng 6 bata.. sabihin na nating sa isang skwater community may 20 pamilya (konti na yan).. 20 x 8 = 160.. wow.. 160 na tao agad yon.. taenang yan.. e sa pilipinas, gano ba karami ang skwater communities? SOBRANG DAMI. mga skwater ang nagpapatakbo sa bansa natin..

   ang mga skwater na to ang 10,000,000+ na taong bumoto kay ERAP.. sila ang karamihan, sila ang nagrule.. sila ang dapat na masusunod.. yun ang pinakasense ng republika e.. ang gusto ng tao ang mamumuno..

   nagkataon lang na puno ang pilipinas ng illiterate skwaters, kaya illiterate action star yung naging pinuno.. sila ang mga majority, ang gusto nila ang masusunod.. ang dapat na sisihin jan yung skwater na constitution natin e.. dati bawal na yung mga illiterate bumoto e.. pero binalik nila yon dahil may karapatan nga naman sila..

   pero yung karapatan na yon, nagagamit para lang mas bumaba pa ang pilipinas.. taenang bansa to o.. nakakaburat..

   di hamak na mas maramia ang tao noong edsa tres.. safe sabihin na DOBLE na nasa edsa dos.. oo mga kaibigan, maraming skwater sa mundo..

   pumarada, nagkalat, umihi at tumae sa edsa ang mga taong ito..  gusto nilang matanggal ang baong presidenteng si GMA.. tawang tawa kaming magkakaibigan nung nasa tagaytay kami at pinapanood ang rally mula sa IISANG CHANNEL lamang.. ang channel lang na nagcover ng edsa tres.. ang net 25..

   ang pinakamemorable don ay yung countdown nila..

   siete!

   sais!

   singko!

   kwatro!

   tres!

   ...

   EDSA TRES! EDSA TRES! EDSA TRES!

   hahahahhahahahahaha.. taenang mga skwater yan.. hhahahahahahahahaha.. tawang tawa kami nun e.. hahahaahahaha..

   nakakatawa, pero nakakalungkot.. ITO ay mga pilipino.. PILIPINO rin ako.. nakakahiya.. taenang mga pilipino yan..

   nakikita niyo ba kung gano kawalang kwenta ang mga EDSA na ito? oo nga napalitan na ang presidenteng kupal.. pero taena naman.. hindi na tama yung ginawa nila..

   nakakaburat na e.. ewan ko ba.. kasalanan lahat naman to ng mga tao e.. kasalanan to ng constitution e.. alam niyo ba ang qualifications ng presidente? kailangan resident lang ng pilipinas, 45 years old ata, at nakakapagbasa at sulat.. YUN LANG. skwater.. kaya kung sino sino yung tumatakbo e.. kaya walang nangyayari sa atin e.. tancha ko wala na talagang mangyayari sa bansa natin kundi pa mapapalitan ang konstitusyon nating walang kwenta..

   taena.

Hosted by www.Geocities.ws

1