|
summer na, wala ka bang magawa? 16 ka na ba? may kotse ka ba, pero wala kang driver? gusto mo bang matutunan ang isang bagay na magiging malaking tulong sa buhay mo, o di kaya'y maging hanap buhay mo? sige, magbasa ka lang.. para sa iyo to. I. Panimula tulad ng nakalagay sa titolo, tungkol ito sa pagmamaneho, at tuturuan ko kayo kung papaano. ang unang bagay na dapat niyong gawin, ay kausapin ang mga magulang ninyo. tanong niyo sa tatay niyo o sa nanay niyo na gusto niyong matuto magmaneho. kadalasan, papayag naman iyon, pero kung wala silang tiwala sayo at sa kakayahan mo, e malas mo nalang. pag nakuha mo na ang "ok signal" mula sa mga magulang mo, maghanda ka na pumunta sa LTO o Land Transportation Office, kukuha ka ng lisensya. kung mas bata ka pa sa 18, ang kukuhanin mo muna ay ang tinatawag na "student's permit". ito ay ang dokumentong magsasabing pwede kang magaral magdrive. may dalawang paraan kung papaano ka makakakuha ng lisensyang ito. 1) Ang tama at mahirap na prosesso legal ang prosessong ito. kung gusto mong matapos ka agad, wag mong gagawin to, kasi talagang maghihintay ka. ito ang mga kailangan mo para makakuha ng student's permit: a. sulat mula sa nanay o tatay mo na pumapayag sila. b. TIN (taxpayer's income number) [di ako sigurado dito, nanghuhula lang] c. at kung ano man yung fifill-upan mo dun sa LTO. hindi ko na alam kung ano yung dapat gawin, pero puta, maghanda ka para sa isang sobrang init at mahabang araw. magdala ka ng libro kung gusto mo, kasi kailangan mo talaga yon. kung wala kang dinalang kahit na anong bagay para mapagkakaabalahan, puta, yari ka na. mababato ka na don ng sobra. 2) Ang mali, pero mas madaling prosesso kung pupunta kayo sa LTO, makakakita kayo ng isang batalyon ng mga tao. taena, literal na batalyon talaga. ang dami ng mga tao don. 60% ng mga taong nandoon ay kumukuha ng lisensya, nagpaparehistro, nagpaparenew at kung ano pa.. yung natitirang 40% ay ang mga taong tinatawag na fixers. ang fixers ay kadalasang mga lalakeng walang trabahong tambay ng LTO. may mga ex-drivers, ex-cons, ex-LTO personel at kung ano ano pang may trabaho dati, pero wala na ngayon. dahil sa walang trabaho, walang income, kaya nandoon nalang sila sa LTO para "tulungan" kang makakuha ng lisensya. kung nagmistulan kang batang ligaw sa LTO, wag ka nang magalala, basta may fixer sa tabi mo, alam na niya ang pasikot-sikot doon. hindi ko talaga alam kung papaano makakahanap ng fixer dahil hindi ko pa nasusubukan. pero ang alam ko, tambay lang yang mga yan doon sa entrance, naghihintay ng kliente. ito ang mga magagawa at dapat niyong gawin sa mga fixers: a. matutulungan ka nila sa pasikot-sikot sa LTO. b. kung malakas fixer mo, mapapabilis ka niya sa linya. uunahan ninyo yung mga nagpakahirap pumila. c. kailangan mong pakainin fixer mo. hihingi at hihingi yan sayo. pera, pagkain at kung ano ano pa. magastos ang fixer. taena niyang mga leeches na yan. yan lang naman ang alam kong magagawa niya. mapapagastos ka nga lang, pero mapapabilis ka sa linya.
II. Ang Mga Hakbang para Matuto ayan, nakuha mo na ang permit mo, at pwede ka nang matuto. ano na ang gagawin mo ngayon? ulet, may mga choices kang pwedeng sundin: 1) Driving School A1 lang ang alam kong driving school, dahil dun ako natuto. basahin niyo nalang yung OVERDRIVE, may portion don na dedicated para sa A1 instructor ko. haha. ok ang A1 o kung ano pang driving school. matututo talaga kayo. may silbe ang skwelahang ito, kasi magagamit mo yung mga tinuturo sayo. pero yun nga lang, bawal ang shorts sa A1. hindi ko alam kung baket, pero tancha ko, nandon yon para hindi matempt yung instructor na hawakan yung legs mo o reypin ka. lalake man o babae, bawal ang shorts. kung babae ka, magsama ka ng katulong o kahit na sinong mapagkakatiwalaan. lalo na kung hot ka at maganda, kasi baka dalhin ka nung instructor mo sa Baguio, tapos reypin ka don. dala ka ng baril at granada kung gusto mo. ano ang advantages ng driving school? matututo ka talaga at dadalhin ka agad sa mga lugar na traffic at makakahasa sa iyo magmaneho. matututo ka ng mga basic rules and regulations at kung papaano talaga ang proper driving style. hindi ka pa gagamit ng kotse niyo sa bahay, kaya ayos lang kahit sunuguin mo yung clutch nung kotse nila. ang disadvantages naman niya ay may posibilidad na mararape ka. pwede kang mawala at holdapin ng instructor mo. pwedeng kupal yung instructor mo na walang kwenta. pwedeng mabaho yung instructor mo tapos di ka makapagmanheo dahil sa sangsang ng amoy niya. 2) House Driver natuto rin ako sa driver namin dito sa bahay. bago pa man ako magdriving school, marunong na ako ng basics, kaya naging malinis ang pagmamaneho ko kung saan man. ano nga ba ang advantages pag house driver ang kukuhanin? tuturuan ka na niya agad ng mali. kasi kung driving school yan, lahat proper at sumusunod sa batas. matututo ka lang lumihis sa mga patakaran pag tagal na ng pagmamaneho. pero kung house driver, nako, alam mo na agad lahat. tapos, malamang kilala mo na yung driver na iyon diba? so komportable ka na sa kanya. wala ka na dapat ikahiya kahit magkamali ka o ano. tapos, sariling pacing mo pa. ikaw ang magdidikta kung saan kayo magmamaneho. ang disadvantages naman ng house driver, pwede kang marape. oo, kahit kilala mo na yun ng matagal, kung sobrang hot mo naman at maganda o kaya gwapo ka, baka reypin ka non. taena ang sagwa non. narape ka na nga, nawalan pa kayo ng driver. kaya kung ako sa yo, magdala ka parin ng baril at mga granada, para lang sigurado. 3) Print Niyo Itong Guide na to at Magsimula na agad ayaw mong gumastos sa mga driving school at wala kang driver? walang problema, nandito naman ako. tuturuan kita kung papaano magmaneho ng tama. kung mayaman ka naman at ok lang sayo masiraan ng kotse at magbayad ng damages na magagawa mo, puta, ito na nga ang sagot para sa problema mo sa pagmamaneho. basta yon, dapat handa ka na rin mamatay.
III. Ang Pagmamaneho kelangan mo ng susi. maraming beses na akong nakakita ng mga taong gustong magdrive, pero wala silang susi. may mga susing nawawala, may mga susing ninanakaw, may mga susing nahuhulog, may mga susing naiiwan sa sinehan tapos kailangan pang balikan ng driver pero ayaw na silang papasukin nung nagbabantay kasi wala silang stamp at baka kasi mandarambong lang yung tao... ganon. kaya siguraduhin mo na meron kang susi. kunin mo ang susi sa kung saan man at isaksak mo na dun sa susian sa pinto ng kotse. ang kotse ko, pakanan ang ikot para mabuksan yung kandado. pero baka baliktad sa inyo. subukan niyo nalang. pasok ka sa kotse. sara mo yung pinto. kung mainit, istart mo na agad yung makina para may aircon. paano magstart ng kotse? madali lang yon. siguraduhin mo lang na naka neutral ang kotse mo (kung manual) at ipihit mo yung susi patungo sa kanan. dapat di masobrahan yung pagpihit mo ng susi, kung hindi, sasabog kotse mo. ngayon, ang neutral naman na sinasabi ko, dapat yung kambio, nasa gitna lang at hindi nakasaksak kung saang gear. gets mo ba? kung hindi, tigilan mo na yung pagbabasa nito, wala ka nang pagasa.
A. Mga Kailangang Gawin Bago Pagalawin ang Kotse ang una mo dapat siguraduhin ay komportable ka sa upuan mo. kasi kung hindi ka komportable, malaki ang posibilidad na mamamatay ka habang nagddrive. kung iniikot mo ng iniikot yung pwet mo sa upuan, mahihirapan kang magdrive kahit 10 minutes ka lang magmamaneho.
1) iadjust mo ang upuan paharap o palikod, depende sa haba ng legs mo. makikita mo ang adjustment sa baba ng upuan mo, sa harap. hilahin mo iyon pataas at igalaw mo yung pwet mo paharap o palikod para madala mo yung upuan. basta dapat, maging komportable yung legs mo. hindi dapat masyadong malapit dahil masikip, at hindi dapat malayo, baka di mo na maabot. basta dapat, yung tamang tama lang.
2) tignan mo kung nakarecline ang upuan mo. baka medyo pahiga yung upuan mo, mahirap na. wag rin naman yung sobrang nakataas na para kang mokyo don. gaya ng adjustment paharap at palikod, dapat saktong sakto lang. para bang white castle whiskey. sakto.
3) ang susunod na kailangan mong gawin ay ang mga salamin. kung mapapansin mo, mayroong tatlong salamin na importante mong matutunan. ang "rear view mirror" at ang dalawang "side mirrors". ang rear view mirror ay matatagpuan sa may bandang gitna. mapapansin mo agad yon dahil yun ang rectangular na salamin na black yung plastic na sumusuporta, minsan grey. dapat mong iadjust ang salamin na ito, para makita mo ang mga kotse o mga bagay na nasa likod ng koste mo. so gets mo ba? hindi dapat nakatutok yon sa babaeng seksing nakasakay sa backseat, kundi para makita ang mga bagay na pwede mong mabanga at babangga sayo. ang side mirrors naman ay ang mga salamain na nasa gilid ng kotse. isa sa kaliwa at isa sa kanan. ngayon, ano ang dapat mong makita don? simple lang rin. dapat makita mo ang pwet ng kotse mo. pero puta, shempre hindi puro pwet lang yung makikita, dapat may view ka rin ng mga bagay bagay. ang makikita mo lang dapat na pwet sa salamin na yon ay 1/8 ng salamin. yun lang dapat ang maooccupy ng pwet ng kotse sa side mirror mo. kung hindi mo makita ang mga salamin na ito, wag ka nang magdrive, mamamatay ka lang.
4) dapat mong tignan kung may gas ka o wala. o may kotse ka nga at may susi ka, pero kung wala ka namang gas, taena e di wala rin. para kang may snowmobile sa desyerto non. kung walang gas ang kotse mo, bumaba ka na at pumunta ka sa isa niyo pang kotse at ulitin mo ang steps 1 - 3. kung isa lang yung kotse niyo, takbo ka muna sa shell. bili kang gas. hindi yung gasul a. dapat yung unleaded, premium at disel lang. yun pa pala, kailangan alam mo ang gas ng koste mo. oras na magkamali ng gas na ilagay sa kotse mo, yari ka na. pwedeng sumabog yung kotse mo at mamatay ka. nung bago yung kotse ko dati, di ko napansin na wala na palang gas. di ko alam kung anong klase ng gas ang kailangan. kadalasan, pag kotse, unleaded gas dapat. pero bago yung kotse ko non e, malay mo disel pala yon.. e di namatay pa ako.
o, ok ka na ba? nagets mo ba yung lahat ng sinabi ko sayo? o sige, magdrive ka na.
haha. taenang yan.
|