|
***oo nga pala. ang pagibig na tinutukoy ko rito ay ang pagibig ng isang lalake sa babae. yung tipong boypren-gelpren ba. iba pa ang pagmamahal sa pagibig. haha. basta iba yon. may ginagawa rin akong article na tungkol sa pagmamahal naman.***
"ang pagibig ay ang demonyo." hindi ko na maalala kung san ko narinig ang mga katagang iyan. baka galing sa isang makesong pelikula, baka galing sa nanay ko, baka galing sa mga paring bakla, baka galing sa mga kaibigan kong sawi, baka galing sa nagtitinda ng fishballs na malapit sa starbucks katipunan na iniwan ng asawa niya ng anim nilang anak tapos hindi na niya alam kung papaano pa sila mabubuhay kasi baon na sila sa utang. hindi ko na talaga alam. pero sigurado akong nasabi na sa akin iyan. ang una kong naisip nung narinig ko yan, ay isang higanteng puso na may sungay, buntot, matalas na ngipin at ang tradisyonal na trident. ang pusong iyon ay nasa isang umaapoy na kuweba at ang laman ng kuwebang iyon ay ang mga taong umiibig. ang "pusong demonyo" ay ang nagpapahirap sa mga tao. tinutusok niya ng kanyang sungay, hinahampas niya ng mahabang buntot, kinakagat niya ng dilaw na pangil at sinusugatan niya gamit ang kanyang trident. gaya ng cliche na demonyong alam natin, isang sadista ang pagibig. pinapahirapan niya ang umiibig ng sobra sobra, pero hindi niya ito papatayin. sa sobrang sakit at paghihirap, gugustuhin na ng umiibig na mamatay. pero dahil naturang sadista ang demonyong ito, ngingitian niya lang ang tao sabay halakhak ng malakas. pero paano nga ba napupunta ang tao sa kuweba ng demonyong pagibig? hindi nateteleport ang taong umiibig doon. maniwala man kayo o hindi, ang taong iyon ang kusang naglalakad papunta sa kuweba. ang tao kasi, pag naglalakad sa kalsada ng buhay niya ng diretso, ang tanging hahantungan niya ay kamatayan. pero dahil maraming paliko-liko ang kalsada ng buhay natin, napupunta tayo kung saan saan bago tayo lahat mapunta sa ating mga kamatayan. pwedeng mapaliko siya sa daan ng pagiging drug addict, pwedeng sa daan ng bus driver, pwedeng daan papunta sa isang bank teller, pwedeng daan papunta sa CEO ng San Miguel. marmaing daan na pwedeng tahakin, kasama na sa daan na iyon ang pagibig. isipin niyo, ang main road ng buhay natin ay isang malapad at mahabang daan (depende actually).. mula sa pagkabuhay natin hanggang sa pagkamatay. pag nakita mo ang main road ng pagibig ng unang beses, maaakit ka ng mababango at makukulay na bulaklak. pero oras na dumaan ka na don at medyo magtagal ka, yari ka na. ang mga bulaklak na iyon ay magiging mababahong bolang itim na susubukan kang kagatin. shempre ang primal instinct mo, tumakbo pabalik, pero makikita mo na imposible nang bumalik dahil ang nadaanan mo na ay nakain na rin ng mga bolang itim. wala ka nang ibang magagawa kundi tumakbo paharap, papunta sa kweba ng demonyo. dahil sa sobrang panic at kaba, mapapabilis ang takbo mo. at dahil sa sobrang momentum mo, hindi ka na makakahinto at magugulat ka nalang dahil biglang susulpot sa harap mo ang higanteng demonyong puso. iyan ang unang beses. pag pinakawalan ka na ng demonyo, mababalik ka muli sa main road. ayan, magsisimula na ulet ang lakad mo. sa kalsada mo, may mga forks na nauulit at may mga forks na isang beses mo lang talaga madadaanan. isa sa mga forks na uulit ay ang pagibig. shempre, dahil alam mo na ang mangyayari, hindi ka na basta bastang madadala ng mga mababango at makukulay na bulaklak. dapat isipin din natin na ang mga forks ay may mga forks rin sa kanila. sabihin na nating ang fork na napili mo ay ang pagiging isang assistant ng konduktor ng bus. sa fork na iyon ay may iba pang lalabas tulad ng: pagkapromote, pagkademote, pagkabakla, pagkamatay, paglipat sa ibang bus company at kung ano ano pa. pero shempre nandon ulet ang daan ng pagibig. kaya lang, sa pagkakataong ito, hindi na bulaklak ang aakit sa iyo. kung ano ang daan mo, iiintigrate niya iyon sa ipanggagago niya sayo. at dahil sa pagiba ng anyo, malamang, maloloko ka ulet. so kunwari, yun nga, assistant ka ng konduktor ng bus. pwedeng ang gamiting pang enganyo sa iyo ay playboy o tickets o barya. tapos pag nandon ka na sa daan na yon, kung ano man ang pinangakit sayo ay magiging mabahong maiitim na bola. guguho ulet ang daan at bigla ka nalang mapapatakbo. marerealize mo nalang, na nasa kamay ka nanaman ng demonyong pagibig. ang depirensya lang ng demonyong pagibig sa demonyo talaga, sinsira tayo ng pagibig mula sa loob tapos tayo na ang sisira sa sarili natin palabas. o, ganito kasi yan.
I. naaapektuhan ng demonyo ang pagiisip mo. lahat tayo ay may sari-sariling ideya na sinusunod. lahat tayo ay may pinaninidigan at pinaniniwalaan. ang ginagawa ng demonyo, pinapalabo niya ang iniisip natin, kaya ang nangyayari, napaiisang tabi natin ang mga ideals na ito. hindi na natin masunod ang mga pinaniniwalan natin at dahil dito ay pwede tayong masira bilang tao. bigyan ko kayo ng simpleng halimbawa. kunwari ayaw mo sa bobo. ayaw mo lahat ng kahit na anong kabobohan at pag may bobo sa harap mo, parang gusto mo lang siyang patayin. pag may bobo, parang natatae ka... yung ganon ba. pero pag yung demonyo, sinisira na tayo iba na. kahit sobrang bobo pa. kahit di niya alam yung pinagkaiba ng blue sa green, ng umaga sa gabi, ng liwanang sa dilim. kahit di niya alam na linggo ang simula ng linggo, na umiikot ang mga planeta sa araw, na ang bigot ay hindi malaking "ot". kahit anong kabobohan pa yan, pag nandon na tayo sa kamay ng pagibig, lahat ng sinasabi niya ay magtutunog theory of relativity, nuclear physics at rocket science. hindi lang maaalter ng demonyong pagibig ang pagtingin mo sa tao, mapapagawa ka pa niya ng mga katarantaduhan, mga bagay na ayaw mo, mga bagay na kinabuburatan mo. sabihin na nating ayaw mo ng mga sumusunod: gumising ng maaga, magshopping, uminom ng malamig na kape sa starbucks, manood ng mga makekesong pelikula, tumambay sa eastwood, gumastos sa mga walang kakwenta kwentang bagay, uminom sa crowded na bar na puno ng posers at umuwi ng late. e napaliko ka sa kuweba ng demonyo. makikita mo nalang ang sarili mo, gumigising ng 7:00am para magprepare, pupuntang greenhills ng 10:00am para magshopping, iinom ng mocha frap sa starbucks ng mga bandang 3:00pm, manonood ng "How to Deal" ni Mandy Moore ng mga 4:00pm, pupuntang eastwood at maglalakad lakad don ng bandang 6:00pm, iinom ulet ng malamig na kape ng mga 7:00pm, tatambay don ng dalawang oras, pupunta sa bargo o blue onion ng mga 10:00pm, iinom at makikipagsiksikan sa bar ng hanggang mga 1:00am, iinom ulet ng taenang malaming na kape (na taena ang mahal pa), at sa wakas uuwi ng 3:00am. at alam mo ba? nagenjoy ka. ganon kalakas ang demonyong pagibig.
II. tinatakpan ng demonyo ang mga mata at tenga mo at hindi ka niya hinahayaang lumingon-lingon. alam niyo ba yung nilalagay sa mga mata ng kabayong ginagamit sa kalesa? meron kasing nilalagay yung mga tao don ng pantakip ng mata. ginagawa nila yon para wala nang ibang titignan yung kabayo, puro paharap lang kaya dirediretso lang yung takbo. ang umiibig ang kabayo sa pagkakataong ito. ang demonyo ang nagdidikta sa mga umiibig kung sino at ano lang ang dapat nating makita. kung may malaki at mabuhok na nunal sa gitna ng mata yung iniibig, di mo yon makikita. kung may cluster ng kulugo yon sa noo, di mo yon makikita. kung mabuhok yung ilong niya, di mo yon makikita. kung meron siyang malagubat na arms, di mo yon makikita. kung may nakalibing na kayamanan sa bakod ng kapitbahay mo, di mo yon makikita. ang makikita mo lang, yung mala-anghel niyang ngiti. ang kumikinang na buhok na parang sinuklay ng isang daang beses, ang kanyang nakakawalang mga mata. hindi... hindi ka binulag ng demonyo. hindi mo lang talaga nakikita ang mga bagay na iyon. hindi mo makita kasi tinatakpan niya. kinokontrol niya ang mga nakikita mo. ganon rin sa pandinig. naririnig mo nalnag yung mga gusto mo at yung iba nafifilter out na ng tutule mo. sabihin nating kausap mo ang iniibig mo at nasa ilalim ka ng kamay ng demonyo. kahit gano pa kasagwa yung boses niya. kahit boses palengke pa siya. kahit barok pa siya. kahit mas ok pa yung diction ng pipi sa kanya, taena ayos lang! para sayo, classical music ang mala barker niyang boses. pati mga external voices, di mo na rin maririnig. pinipili mo nalang. kunwari may karelasyon kang sobrang mahal mo, pero sobrang skwater talaga niya. bobo, hindi naliligo, walang pinagaral, mamamatay tao, brutal, inaaway ka ng inaaway, minumura ka ng minumura, kinakawawa ka, sinasaktan ka, hindi ka na binibigyan ng halaga, umuutang pa. shempre, ikaw, sobrang sabog sabog ka na diba? so yung mga kaibigan mo, concerned shempre. sasabihin nila: "nako, hiwalayan mo na yang hoodlum na yan!" "taena ang bobo niyan pare! di kayo bagay! mas matalino pa maid ko diyan e!" "puro hangin lang laman ng utak niyan! yung dapat na laman ng utak, napunta sa boobs!" "hayop yang putaenang tangengot na A-male na yan. wala nang alam kundi sex, drugs at kabobohan. taena, sana mamatay na yan kasi wala naman siyang macocontribute sa mundo kundi puro kawalanghiyaan yan. pag yan namatay, magpapapiyesta ako." pero makikinig ka ba? ha? shempre hindi. kung marinig mo yan, either protektahan mo yung mahal mo, hindi mo pansinin yung mga tao o magalit ka sa mga nagsasabi non. marerealize mo nlang na tama pala ang mga kaibigan mo pag umiiyak ka na sa kwarto mong madilim at kumakain ng kilo-kilong tsokolate mula sa duty free. sasabihin mo tuloy na: "oo nga, ang tanga ko talaga. hindi ko alam kung bat ako nagpakabobo ng ganon." wag kayong magalala, hindi kayo bobo. ang demonyong pagibig ang may kasalanan.
III. ang demonyo ay nagkakamali, minsan, dumudulas at nakakamatay. ilang beses ka nang nakarinig ng nagpakamatay dahil sa pagibig?
sige, isip ka muna. bilangin mo nga.
haha. bugoy.
hindi talaga dapat papatay ang demonyong ito. papahirapan ka lang talaga ng sobra. pero ang problema, minsan dumudulas at napapasobra ang pagtulak sa iyo. napapasobra sa kagat at napapalalim ang tusok. ang dami ko nang narinig na mga taong nagpakamatay dahil sawi sila sa pagibig. dito mo talaga makikita ang inferiority ng tao at ang lakas ng demonyong ito. kahit ganyan ang pagibig, hindi lang yan puro pahirap. ang demonyo, napapagod. pag naendure natin lahat ng torture at pagpapahirap niya sa atin, dadating ang oras na mabuburat siya at bigla nalang tatalsik tayo palabas ng kuweba at mababalik tayo sa daan niya na bumalik na sa dating maganda at mabango. babalik ang mga bolang itim sa lupa at bigla nalang liliwanag ang paligid mo. pag nalagpasan mo ang pagsubok na iyon, pwedeng lumabas ka sa kweba ng may kasama na at sabay na kayong maglalakad pa punta sa inyong katapusan. oo nga at pwedeng mawala ang kasama mong iyon. pwedeng ilang taon lang wala na. pwdeng ilang buwan lang wala na. pwedeng ilang linggo lang wala na. pwedeng ilang araw na wala na. pwedeng ilang oras lang wala na. pero habang nandoon siya, at least may kasama ka na sa daan mo. may kasama ka na sa lahat ng pagliko-liko at sa paghihirap. kung nawala ang kasama mong iyon, dapat ba nating iwasan na ng tuluyan ang pagibig? shempre hindi. hindi natin maiiwasan yun at ang pagpilit umiwas doon ay pwedeng kahantungan ng pagkasira natin. ang dapat nating gawin ay matuto para pag nakita mula natin ang demonyo, alam na namin kung ano yung mga dapat at hindi natin dapat gawin. mas madadalian na tayo makalaya at mas madali nang buburat ang demonyo. "ang pagibig ay demonyo." oo nga, demonyo talaga yang taenang yan.
|